"'Wag mo na silang pansinin.", eh? Sino?
"Sinong sila?"
"'Yung tatlo"
Tatlo?
Si Kei, Zelle, at Kurt?
Eeeeh?
"Ba..bakit naman?", utal pang tanong ko. Akala ko ba naman ok siya sa kanila? Napakalamig pa ng aura niya.
"'Bat ka pa nagulat? Tsk", eeeeeh?
Napatingin pa siya sa'kin at napabuntong-hininga.
"'Di ko kayang iwasan sina Kei.", sambit ko habang nakayuko. Kahit ano pa man ang dahilan niya, hindi ko sila iiwasan.
Alam kong matitino sila. Silang tatl-
"Psh", napataray siya't lumapit sa'kin. Napaatras naman ako't nanaas pa ang mga balahibo ko.
"I'm talking about the girls who bullied you, stupid.", eh?
Eeeeh?!
Nanlaki ang mga mata ko sabay ng paglayo niya nang may nakitang may paparating na mga tao malapit sa room.
Mabagal akong naglakad papunta sa upuan ko.
"Nakita mo 'yon?", bulong ko
"Obviously, yes", pagsusungit nito"Hmph, sungit"
"Parang siya hindi", sabi niya sabay tawa.Kami lang pala ang tao dito sa room.
Nagigising crush cells ko.
Hinga, Zai.
Crush lang 'yan.
"Mamaya kung ano na naman gawin nila sa'yo. Tsk", napatingin ako sa kanya na panay iwas sa mga mata ko.
"Concern k-"
"Oo, kasi kaibigan kita.", naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko, ngunit...Ka-i-bi-gan-ki-ta
At least, concern siya 'di ba?
Ok na 'yon 'di ba?
At least...kaibigan ko siya...
'di ba?
Oo naman, self. At least.
Kumuha na lang ako ng papel at lapis.
"This is Kei...this will be Zelle...", bulong ko sa sarili ko
"Here's me, Carl, and Kurt.", matapos gawin 'yung pattern, sinimulan kong gumuhit habang nakapalumbaba.Napapangiti na lang ako habang gumuguhit.
"Hays..."
_____
Natapos ang ginuguhit ko't natagpuan ang sarili na pinapalibutan ng mga kaibigan ko.
"ZAIWAAAH", sigaw ni Zelle na may dalang pagkain sabay abot sa'kin.
"Bilhan daw kita sabi ni Kurt.", nalulutang ako't 'di ako maka-imik
"ZAIRAAAAH", sigaw ni Kei sabay tapik sa'kin.
"Ah, sorry. Salamat, Zelle.", sabi ko sabay kuha ng pera sa wallet para bayaran 'yung kinuha niya."Ah 'wag na, binayaran na ni Kurt.", sabi niya. Tumingin ako sa paligid para hanapin si Kurt at magpasalamat pero 'di ko siya makita.
"Nasaan siya?", tanong ko. Napakibit balikat naman si Zelle.
"Hanap mo ko?"
"AY KABAYO, anuba!", panggugulat niya sa likuran ko. Tumawa naman si Zelle at napasimangot ako."Tsk", napatingin si Kurt sa reaksyon ko.
"Tsk tsk ka diyan, kung pinasalamatan mo ako?", tinarayan ko na lang siya't nag thank you.
BINABASA MO ANG
Unexpected Reality | ONGOING
Teen FictionMay mga hindi inaasahang pangyayari. Maaaring sa paaralan, buhay, o pag-ibig man 'yan. Ano ba ang mga bagay na hindi inaasahan? Who knows? Expect the Unexpected It's Unexpected Reality 08•28•18 Revised Edition: 05•06•19