Ikaanim na Pag-inom ng Kape

46 17 5
                                    


Napaupo ako sa harap ng mesa ng punong guro namin.

Hinahalungkat niya ang forms.

"Buti naman at naisipan niyong sumali. Matagal nang walang nag papa pirma sa arts club."

May inilabas siyang dalawang papel at mukhang iyon ang forms na ibibigay niya sa'min. Nakapalumbaba lang si Carl sa mesa ng punong guro namin sabay abot naman sa'min ng forms

"Ibalik niyo 'yan bukas at ang magiging club adviser niyo ay si Mr. Kris Dustine. Club time niyo is 12 to 2" Ang kailangan ko na lang ay ang pirma ni Nanay at pwede na akong sumali dito.

Pagkalabas namin ng office agad na nag tanong si Carl...

"Kilala mo 'yung magiging club adviser natin?" Umiling lang din ako

"Hindi ganoon ka-pamilyar ang pangalan niya..uhm..."

Alam kong napatingin siya saken kahit di ako nakatingin sa kanya. 

"..ang gwapo nung transferee" Napabulwak na lang siya sa tawa...

"Hahaha, mas gwapo pa ako dun, Binibini" Tinignan ko siya na may kasamang taray sa mukha.

"Sus, cold naman" tumingin uli siya saken at siya naman ang tumaray.


Sir Kris.....hmmm..familiar ang pangalan. Pero 'di ko alam kung saan ko siya narinig. 

"Ihahatid ka ba ng kapatid mo?" Sabi ni Carl to break the silence...
"Nope" Sabi ko. Malakas pa man din ang ulan. Hindi ko sigurado kung makakauwi ako ng maaga.

Ginoo, pakiusap, magkaroon ka ng interes sa'ken.
Kahit konti.


"May dala kang payong? Tara muna sa canteen" Tumango na lang ako
"Why so quiet, Binibini?" Nagulat naman ako sa tanong niya. 
"Why so noisy, Ginoo?" Sabi ko...

"Gusto ko lang ng kausap. Gusto lang kitang kausapin" Self, 'wag kang marupok...

Zai, napapatibok na naman niya puso mo

Tigilan mo ko...tsk.

"Bakit naman?" Di ko namalayan at napaupo na lang kami dito sa canteen. Hinihintay ang pag-ring ng bell.

Nakapalumbaba na naman siya sa mesa.

"Gusto kong maging malapit sa'yo. Kung anong klaseng tao ka, kung anong klaseng kaibigan ka, since naglalabanan tayo sa rank last school year" 

"Do you want me to tell about myself, Ginoo?" Nanlaki ang mata niya sa tanong ko, pero tumango pa din siya.

"I'm a grade-freak person. I always suck at making friends. Akala ko totoo ko silang kaibigan kaya binigay ko sa kanila ang lahat. That's so stupid of me. I always love my family. Especially my sister. She's my best friend. So you want to know what kind of friend am I? 'Di ko din alam. Kasi nga, pati tunay na kaibigan, wala ako. Available naman ako eh, kahit 'di ko kadugo, basta mahal ako. Kahit 'di ko ka-age, basta naiintindihan ako. Lalaki man o babae 'yan, basta hindi ako ginagamit...." Nakapalumbaba pa rin siya. Nakatingin sa'kin ng walang ekspresyon.

"....are you satisfied, Ginoo?" Umiling siya

"Mind telling me your crushes?" Ngumiti siya ng bahagya at nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya...

"EH? Ikaw muna.." Napangiti na lang siya

"I'm popular. Alam ng lahat kung sino ang mga...uhm...let's say, 'pinag-laruan', ko"

Unexpected Reality | ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon