Ikasiyam na Sining

25 15 6
                                    



"Sabay tayo ah, hintayin kita"  Tango lang ang isinagot ko sa kanya

Aish.... -,-

Nako Lavorre, na fa fall na naman ako sa'yo tigilan mo ko
"Anong idea mo sa i pipinta mo mamaya?" Nag-kibit balikat lang ako...
"Ikaw ba?" Tanong ko sa kanya at nag-kibit-balikat din lang siya.
"Pero gusto kong iguhit yung drawing ko dati. Nanonood ka pa nga noon, eh" 

Drawing?

"'Yun ba 'yung may couple tapos may isa pang babae sa gilid?" Tumango siya
"Oo 'yun nga. Pero tatanggalin ko 'yung babae na nasa gilid." Tinipon ko lahat ng kalakasan ko para magtanong sa kanya, "May meaning ba 'yung drawing mo? I mean sino sila ganon?"

Nanlaki ng bahagya ang mata niya sa tanong ko at napangiti...

that genuine smile tho...

"Secret" Secret secret pa kinikilig ka lang diyan eh
"Ay wow kung maka ngiti to wagas ah, kinikilig ka noh?" Nawala agad ngiti niya at tinarayan ako
"Nako sungit talaga. 'Di ka magugustuhan ng crush mo kung ganyan ka kasungit duh" 'Di naman masaket. Support support lang. 
"Wala akong crush" Cold na saad niya sa'ken. I gave him a 'talaga ba' look at tinarayan niya uli ako

"Hilig mo manaray, tanggalan kita ng mata eh"
"Ansama naman neto"
Ngumisi lang ako at naglakad na kami papunta sa club room namen...sandali nga lang...
"'San club room naten?" Nagkibit balikat ako sa tanong nya
"'Bat 'di mo alam?" Tanong ko sa kanya
"'Bat ako? Eh wala ngang sinabi sa'tin eh -,-" Since fourth floor 'yung mga club rooms 'dun kami pumunta
Nakasalubong namin si Grizelle, lumapit siya sa'min na pawis na pawis at nagtanong, "Ahm...alam niyo po ba saan ang Arts Club?" Hinihingal pa din siya. Nasa Arts Club siya?

"Arts Club ka din? Sama ka sa'min 'di rin namin mahanap eh" Sambit ko habang nakaupo na si Carl sa hagdanan at mukhang pagod na

Sabi ni Carl na hintayin siya sa hagdanan at titignan niya ang information board sa floor na 'to

Agad siyang bumalik sa'min na hinihingal din, "First floor, room 12"
Bumaba kami agad at natungo sa Arts Club room. 12:40 na at mukhang mapapagalitan na kami...

"Feeling ko mapapagalitan tayo" Sabi ni Grizelle
"Kasi naman hindi sinasabi kung saang room 'diba?" Inis na sambit ko at kinatok ang pintuan

Nagulat kaming lahat dahil sa sobrang linis ng area. Andun 'yung club adviser namin na nagwawalis na pawis na pawis at napatingin sa'men.

"Sorry po Mr. Dusti-" Naputol si Carl nang biglang nagsalita 'yung club adviser namin
"Call me Mr. Kris. Ok lang ok lang. Naglilinis pa nga ako eh, Haha! Matagal na din kasing 'di nagagamit 'tong room kaya medyo madumi. Kuha lang kayo ng pwesto niyo diyan. Tignan mo nga naman. Dalawang high honored at isang honored last year andito. Welcome sa club" Sabi niya in a lively voice. Mukhang mabait siya. Ngumingiti pa siya sa'min. Tinulungan siya ni Carl sa paglilinis at ganoon din ang ginawa namin.

Nakita ko ang isang magandang painting sa gilid ng room. Tinignan ko 'yon at inayos...

saglit nga lang, bakit kamukha niya kapatid ko?

"Mr. Kris, saan po ito?"
"Ahh, akin na 'yan"
Ngumiti lang siya na mukhang kinakabahan at inilagay iyon sa cabinet ng table niya.
"May problema po ba?" Tanong ko pero iling at ngiti lang ang natanggap ko...

_____

"Phew" Napabuntong hininga kaming lahat sa dami ng ginawa namin...

"Bago kayo magsimula, introduction po muna tayo" Sabi niya, at ngumiti uli. Mr. Smiley 'yung club adviser namin. Buti 'di masungit :>

Unexpected Reality | ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon