MARICEL POV's
KAKATAPOS Lang ng klase,at pinauna na lang muna namin si Jessie na pumunta sa Cafeteria.
"Jessie,mauna ka na sa Cafeteria."napatingin sa akin si Jessie ng may pagtataka sa sinabi ko.
"Bakit?"Aniya sabay kuno't noo siyang tumingin sa akin.
"May pag-uusapan lang kami."pagka sabi ko ni'yon ay tumango na lang siya bilang paggalang.
Hinintay muna namin na makalayo si Jessie,bago namin pagusapan ang plano.
"Nakakaawa si Jessie!I feel na sad siya,"ani Kara na ngayon ay malungkot dahil sa nangyayari kay Jessie.
I feel na malungkot si Jessie ngayon,dahil iniiwasan namin siya,nararamdaman ko na iniisip niyang mag-isa Lang siya sa ngayon.
"Wala tayong magagawa!kailangan natin magawa ang plano,sa lalong madaling panahon."aniko at nilapitan si Kara para yakapin at mahimasmasan.
"Ano ba ang plano?"deretsong tanong naman ni Ryza,umalis ako sa pagkakayakap kay kara at tumayo para maipaliwanag ang plano.
"Away prank!"paliwanag ko sa plano.
"Away prank,paano?"deretsong tanong naman ng naguguluhan na si Rose
"Kunyari galit tayo kay Jessie,kapag nangyari na naging lonely siya sa sarili niya,sa teatown Lang naman ang punta niya."paliwanag ko muli sa away prank.
Hindi ko maipinta ang mga pagmumukha nila sa paliwanag ko.
"You mean,kailangan ma-feel niya na lonely siya sa birthday niya?"pagcurious na tanong naman ulit ni Ryza
'Kailangan pa bang I-memorize yan?'tanong ko sa kanya na nanggagaling sa akin isipan,'Syempre di mo masasagot nasa isip ko eh,hahaha!'napangiti na lang ako sa naiisip ko at mukhang napansin naman nila yun,i binalik ko na sa ayos ang sarili ko at nagsalita.
"Yes!at habang di natin siya pinapansin si Jake naman ang bahala sa venue,"sabi naman ni Rose
Nagulat ako sa mga naging reaction nila sa huli kong sinabi ang pangalan ni Jake...
"Jake?"takang tanong ni Kara habang nakasimangot pa din.
"Siya yung lalaking nakabanggaan ni Jessie sa teatown,at siya din yung lumapit kay Jessie sa Cafeteria!"paliwanag ni Rose.
"At ako din ang lalaking,tutulong para mapaganda ang birthday party ng kaibigan niyo."sinilip namin apat ang lalaki na nagsalita sa harap ng pintuan.
"Jake,nice to meet you!"lumapit si rose sa kanya at nakipag-shake hands
"Wait!lapag ko lang muna bag ko sa Chair,kukunin ko na lang mamaya pag-aalis na ako."favor niya pinayagan ko siya at inilapag na nga niya ang bag niya sa Chair.
Umupo muli si rose sa tabi namin at ganoon din si Jake.
"Salamat pala at pumayag ka sa request ko,"mahinahong sabi ni Rose sa lalaki.
"Rose ano toh?"deretsong tanong ko dito habang nagtataka pa dahil nandito ang lalaki na yun.
"Kagabi kasi chinat ko siya at pumayag siya sa request ko."paliwanag niya sa akin,sa mga oras na ito ay ninyeyerbiyos na siya sa maaari ko pang masabi.
"Teka request!iyon bang venue?"deretsyahan ko muling tanong sa kanya.
Sasagot na sana si Rose ng biglang nagsalita si Jake.
"Oo,at ako na din ang nagasikaso sa lahat."paliwanag ng binata.
Medyo nakakahiya tong ginawa ni Rose ,di niya man lang iniisip...na hindi pa naman masyadong kilala ni Jessie ito!
"Salamat!"ang tangi ko na lang binanggit sa kanya.
"Walang ano man,"sabi niya.
"Oo nga pala,basta girls kailangan bago dumating si Jessie isip na tayo ng paraan,para maging lonely siya!"pagre-remind ko sa plano.
"Teka anong plano?"nagtatakang tanong ni Jake.
"Wala ka na dun,lumabas ka na at baka mahuli pa tayo ni Jessie,bulilyaso ang plano pagnagkataon."aniko dito kinuha na niya ang bag niya at nagpaalam sa amin saka umalis.
Sakto naman ang pagpasok ni Jessie dala ang binili niyang pagkain.
"Guys!halika na tumayo na kayo at tayo ay uuwi na."pagyayaya ko sa tatlo na umuwi.
Tumayo na kami at lumabas ng class room,bago pa man kami makalayo ay narinig namin na nagsalita si Jessie.
"Bakit parang galit kayo sakin?"deretsong tanong ni Jessie sa amin.
Hindi na namin pinansin si Jessie at nag deretso na kaming naglakad palabas,hanggang sa makalayo na kami sa academy ng la encantadia academy.
![](https://img.wattpad.com/cover/207304527-288-k9118.jpg)
BINABASA MO ANG
TAGUAN (OnGoing)
Teen FictionNakikinig sa Iyong tinig na nagbibilang,naiilang kung lalapit ba ako sayo pagka't nahihibang kung itatago ko lang ba ito ay may makikitang ikaw pagkabilang ko ng sampu o hanggang ilan. ISA-Salin ko ang mga letra ng DALAWANG Salitang nagsasabing maha...