"Yes freedom!" Masayang sigaw ko sabay inat.
"Yes! Natapos na rin sa wakas ang hell week natin" sang-ayon naman ni Corein, bestfriend ko.
Pareho kaming Psychology ang course. Graduating na kami kaya double ang hardwork namin para makagraduate.
Akala niyo ba, madali ang college? Nako! HINDI dahil wala na kayong time para sa sarili, tapos minsan nga makalimutan niyo ang kumain pati ang pagtulog. Papangit tayo ng papangit kaya lang maganda na kami simula bata.
Akala niyo rin no, sa college depende sa course ang mahirap. NO! LAHAT mahirap. Dahil sa college, hello reality na at nagsisilbi na rin itong STARTING point patungo sa gusto nating kabuhayan at sa ngayon inaaral natin ito upang makamit. Kaya nga mahal ang mag-college.
Ito pa, sa college kasi it's not about having good grades, it's about surviving your course. Bonus nalang ang good grades dahil masarap naman talaga ang makakuha ng good grades kaya lang yung iba it leads them to competing at ayoko ng ganon.
Basta ang importante may natutunan tayo. Kasi skills ang hinanap sa mga companya hindi grades. Tapos diba, hindi naman lahat nakakuha ng good grades galing sa santong pag-aaral, yung iba diyan, sa santong dayaan kumakapit.
Alam niyo na ibig kong sabihin.
"Hello? Earth to Livi. Narinig mo ba ang sinasabi ko?"
Napabalik ako sa reyalidad, nakalimutan kong may kasama pa pala ako, napasarap ang pagmo-monologue ko dito eh.
"Oo, sumang-ayon ka lang naman sa sinabi ko" sagot ko.
"Hoy, may dinagdag pa ako. Ang sabi ko let's have fun tonight" nakasimangot na siya.
Ngumiti ako ng malaki"Corein, alam mo namang hindi ako mahilig sa kind of 'fun' mo" balik poker face.
"D to the U and H. Palibhasa healthy ang lovelife."Napailing nalang ako sa sinabi niya.
Biglang tumunog ang phone ko kaya agad ko itong sinagot dahil na sa kamay ko lang ito.
-Babe, huwag mo na akong hintayin may urgent meeting kami sa Basketball.
Ah ganon ba babe? Sige papalabas na rin naman kami.
-Oo, sige ingat! Huwag kang sasama sa kaibigan mong bad Influence ha
"Aba't putragis!"Napatalon ako sa gulat dahil ngayon ko lang napansin na nilapit pala ni Corein ang taenga niya sa cellphone ko.
Mabilis akong lumayo. Chismosa talaga 'tong gaga.
Wayne naman, sige na mag-ingat ka din. I love you.
-I..uh.. love you too
Then we both ended the call.
"Hoy babae! Namumuro na talaga ako sa boyfriend mo ah!" Nanggagalaiting sigaw niya.
"Hayaan mo nalang siya. Protective kasi iyon daig pa si papsy non."
"Protective? Anong akala niya sa akin? May ginagawang illegal sa buhay?" Naasar niyang sabi
"Okay sorry na, chill ang init ng nerves ah? Tara na nga."
Dumaan kami sa likod ng school dahil doon sa parking area nakaparada ang sasakyan ni Rein at ngayon ko lang din nalaman na dinala niya iyon. Hindi pa kami nakaabot sa parking lot nang makita naming nakaawang ng konti ang pinto sa stock room.
Siguro nakalimutan itong sarhan ni Manong Diyon. Sasarhan ko na sana ito nang may nakita akong naglalampungan sa loob ng stock room, ang babae ay nakakandong sa guy.
BINABASA MO ANG
I want a baby
RomanceA drop dead gorgeous multi-billionaire CEO, Theros Montecillo will find you to bear his child.