Chapter 2

62 5 0
                                    

Pagpasok namin ni Rein sa bar ay agad na bumungad sa'kin ang nakakabinging tugtog ng musika. Oo, sumama ako sa kanya dahil gusto kong mag-unwind. Brokenhearted kami parehas sa mga ex naming NAGMAMAHALAN SA ISA'T ISA.

Ito pala ang bar? Maraming sumasayaw sa dancefloor at makikita mo talagang nasisiyahan sila sa ginagawa nila. May group of friends na nag-inuman at mayroon ding nag-mamake-out.

Shit my innocent eyes.

Sa totoo lang, nakapunta na ako ng bar kasama si Rein, hindi nga lang ako umiinom, juice lang ganon. Pero first time ko dito. Mukha kasi itong exclusive, unlike sa dati naming pinuntahan.

"Liv, anong gusto mo, juice?" Tanong ni Rein.

"Yung pampalasing" wala sa sariling sabi ko.

Nanlaki ang mata niya na para bang nagulat sa sinabi ko.

"Aare you sure? Baka hindi mo makaya Livi"

"Adik ka ba Rein? Tinatanong mo ako tapo--

Tumaas ang dalawang kamay niya,"Oo na! Pagbigyan na kita dahil pareho tayong broken"

Inirapan niya ako at tinawanan ko lang siya. Bumalik sa isip ko ang nasaksihan kanina. Bigla akong nakaramdam ng embarrassment na makita siyang babae pa sa'kin!

"Oh ito na." singit niya sa kalagitnaan ng aking pag-iisip.

"Thanks" nilagok ko agad ito sa kasabikang mawala ang sakit na naramdaman ko na sana hindi ko nalang ginawa.

Sunod-sunod ang pag-ubo ko. Putik ang pait, ang hapdi ng lalamunan ko.

"Gaga! Hinay-hinay naman Olivia, huwag mong kalimutan na alak yan, HINDI YAN JUICE!" Gulantang pangaral niya sa'kin.

"Shit! Nakalimutan ko. Nasanay kasi akong tingnan ang mga standby sa amin na pangiti-ngiti lang kung nakainom ng ganito" napakamot ako sa ulo.

Napasampal sa noo si Rein tapos marahang umiling"Bruha ka, mga lasinggero 'yon, ikaw first time mo pa lang."

"Oo na! Teka, isa pa nga"

Inilingan niya ako."Huwag na, cocktail nalang 'yong sayo baka mapano ka pa."

Mabilis kong inagaw ang inumin niya at agad na nilagok. Napangiwi ako dahil ang tapang ng kanya.

"Jeez! Olivia, bakit mo 'yon ginawa?!" Ngumisi lang ako.

Bigla kong naalala si Wayne kaya hindi ko na mapigilang umiyak.

Tanggap ko naman siya kahit ano pa siya pero putik. He cheated on me at sa ex boyfriend pa ng best friend ko.

Yinakap ako ni Corein"iiyak mo lang yan" Tinapik-tapik niya ako sa likod habang patuloy pa rin sa pagtulo ang luha ko.

"Iiyak mo din 'yan, alam ko kanina mo pa 'yan pinipigilan." Sabay yakap sa kanya. Maya't maya, narinig ko ang pagngawa niya.

Wtf?

"Fck ang sakit ng katotohanan" wala sa sariling sambit niya. Tumango-tango naman ako.

"Nagmamahalan ang mga ex natin" tulalang sabi ko.

"Shit! Sayang mga gwapo pa naman, mga manlilinlang!" Sigaw niya tapos nakisabay sa pag-iyak ko. Mukha na kaming mga tanga na nag-iiyakan.

Nanlaki ang mga mata namin nang marealize kong nasa bar kami.

Sabay kaming bumitaw"Gosh! Na sa bar pa pala tayo!" sabay naming sabi at sabay na tumawa.

I want a babyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon