Chapter 4

49 2 0
                                    

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Rein sa'kin

Paano kung makakuha ako ng sakit sa lalaking 'yon at paano kung mabuntis ako?!

Tang*na, hindi kami gumamit ng proteksyon kagabi.

"Hoy OLIVIA!" Napaigtad ako dahil sa lakas ng boses ni Rein.

"H-ha?"

"You're spacing out since we went out sa condo natin," nagtatakang tanong niya "May problema ba?" She added.

I nervously laugh "W-wala, wala naman. May iniisip lang"

"Sure? You can talk to me anytime" ngumiti siya.

Nakaramdam na naman ako ng konsensiya. Sorry talga Rein, sasabihin ko naman sa'yo pero hindi pa sa ngayon, hindi pa ako ready.

"Oo naman" ngumiti ako.

Kailangan kong ibahin ang topic para hindi na niya 'yon iisipin. Ayokong pati siya mamroblema sa problema ko.

"Pupunta ako ng library, isauli ko lang itong hiniram kong libro" hinila ko siya patayo "Samahan mo naman ako" dagdag kong sabi.

Mabilis siyang umiling habang pilit na inagaw ang braso niya.

"No way! Alam mo namang ayaw ko sa librarian nating palaging galit tsk!"

Tinawanan ko lang siya at pilit na hinila"Kaya nga kita isama para may back-up ako."

"Hayop ka talaga!"

"Magandang hayop" tumatawang sabi ko pero sinimangutan niya lang ako.

Pagdating namin sa Library ay kaagad kong hinanap si Ms. Cavedra pero hindi ko siya nakita.

"Balik nalang tayo mamaya Liv, wala siya dito" ani Rein.

"Teka lang, baka natabunan lang 'yun ng libro, ang liit pa na---

Nabigla akong nang may biglang sumigaw
"Ang ingay niyo!" Sigaw ni Ms. Cavedra

Sabay na nanlaki ang mga mata namin.

"Sorry po Ms. Cavedra" nakangising sabi ko habang nilingon siya.

Ibibigay ko na sana ang book na hiniram ko pero bigla siyang nagsalita. HER USUAL INTRODUCTION, EVERYTIME NA PUMASOK AKO.

Suki ako ng wifi dito eh.

"Maki-wifi ka na naman ba dito Ms. Espina? What's the use of our books kung wifi ang saad mo dito?!" Inis nitong sabi sa akin.

"Ginang, isasauli lang po ni Livi ang librong--

"Binibini Ms. Andrews, Bi-ni-bi-ni" Pagtatama niya bago siya inirapan.

"Tss matandang dalaga ba kamo" I murmured

"Anong sabi mo?!"

Napalunok ako"ah hehe wala p-po. Ito po ang librong hiniram ko noong nakaraang araw. Salamat!" Sabay bigay ng libro.

Nakahinga kami ng maluwag nang makalabas kami ng library. Ang sungit talaga ng matandang dalaga na 'yon, kaya nga walang estudyante masyado sa loob dahil sa kasangutin niya.

"Kamag-anak siguro ni Miss Minchin si Miss Cavedra. Ang sungit niya" Nakailing na sabi ni Rein

"Oo nga no!" At tumawa ako ng malakas.

"Quiet!" Sigaw ni Ms. Cavedra. Nanlaki ang mg mata namin ni Rein sabay karipas ng takbo.

"Ang lakas ng pandinig!" Tumatawang komento ko nang tuluyan na kaming makalayo. Tumawa naman ng malakas si Rein sabay hampas ng balikat ko.

I want a babyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon