T

1.3K 21 11
                                    


ricciiirivero 2m

Hapon na hindi parin tapos yung shoot nila Pau actually di rin siya pinag vlvlog so natutuwa ako kasi yung atensyon niya nasa akin lang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hapon na hindi parin tapos yung shoot nila Pau actually di rin siya pinag vlvlog so natutuwa ako kasi yung atensyon niya nasa akin lang.

Umaga kami umalis ni Pau sa Manila. Nakatulog kasi siya kagabi sakin, dinala ko na lang sa kama niya dun na nga din ako natulog kasi sinabi naman niya.

Napagod daw kasi siya dahil ang daming niyang hinabol na school works, wala eh graduating na eh. Ganon talaga. Nagrarant siya sakin kasi naprpro-long daw stay niya imbis nakagraduate niya sakin. Hirap daw kasi pagsabayin yung career tsaka acads, sinasabihan ko naman siya na kaya niya, wag niyang sukuan madaming naniniwala sa kanya.

Ganyan kasi si Pau eh, pag napapagod siya sa isang bagay tapos di na niya nakikita yung potential, di na niya itutuloy or tinutuloy man pero nagiistay siya don kumbaga nawawalan nang gana. Katulad ngayon, minor subs na lang tinatake niya kasi tapos na siya sa thesis then ready to graduate na pero meron daw siyang prof na sobrang strict, di daw siya sini-sino kaya ang dami daw niyang na-hindian na opportunity dahil lang sa minor subject na yon.

Umiiyak niyang vent out sakin, nakikinig lang ako kagabi tapos pinapaalalahan ko siya na lagi kaming nandito para sa kanya. Atsaka for sure, yung mga supporters niya mas matutuwa pag nakita di lang siya successful sa larangan ng vlogging, kundi sa acads din.

"Baka matunaw naman" sabi ni Joric, si Joric kasi one of her managers din, siya yung kasama namin ngayon. Maganda diba kasi same handlers lang kami. Ngayon lang ako di nasama kasi nga need lang daw babae for this brand.

Pinagmamasdan ko lang siya, napaka swerte ko.

"Swerte ko 'no?" bigla kong sabi kay Joric. Nakatingin parin ako kay Pau, she's having a moment right now. Nag popose siya with different glasses.

Napakaganda ng baby ko.

"Nako! Ako talaga unang aaway sa'yo pag niloko mo yan Cci"

"Kelan ba ako nagloko?" tingin ko nang masama sa kanya. Epal talaga 'tong demonyong 'to. Inaadmire ko nga 'tong jowa ko eh.

"Che! Sinasabi ko lang" sabi niya sabay umalis. Natawa naman ako hanggang ngayon wala silang tiwala sakin.

Kanina pa kami nandito, di naman ako nabobored kasi naglalaro ako ng ML, tsaka nakikita ko naman si Pau.

-

-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Don't give up on us, love | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon