Hindi ko alam kung saan ako dadalhin netong si Ricci. Nakatingin lang ako sa kawalan.Nagulat na lang ako nag papark na siya. City lights lang ang nakikita ko. Nandito ata kami sa Antipolo ngayon di ko na rin siya tinanong kasi gusto ko i-save yung energy ko makipag talakan sa kanyan mamaya atsaka susungitan lang ako neto.
Pag park naman niya, may kinuha siya sa likod inabot niya sakin burger, fries, nuggets then may coffee pa. Tinginan ko lang siya. Tinaasan niya ako ng kilay.
"Eat up, ang payat payat mo na oh" sabi niya na may lambing.
Hindi ko talaga siya maintidihan kanina napakasungit niya sakin ngayon ang lambing lambing.
Nasa lap ko lahat ngayon yung mga pagkain na ibinigay nya. Tinitigan ko lang siya. Sakin talaga lahat 'to?
Pero di muna yan yung kailangan kong isipin ngayon, eto na naman siya sa sweet gestures niya, baka ma-fall na naman ako. Kailangan kong magising sa katotoohanan na hindi na pwede, magkaibigan na lang kami.
"Sorry" biglang sambit ko.
Nagulat naman siya kasi nagphphone siya ngayon nagpapatugtog din siya ng best part. Fave pa naming dalawa. Haay. Memories.
"It's—"
"Hindi okay yon, kung feeling mo mali yung nagawa ko. Tama ka. Nagkamali ako, pasensya na. Gusto ko lang linawin na wala akong intensyon saktan ka" nakatitig lang ako sa city lights while Best Part is playing feeling ko malalabas ko lahat ng emosyon ko.
"Masyado lang akong natakot ma-attach sayo ulit kasi baka ganon na naman mangyari, baka magkasakitan na naman tayo. Baka kasi this time, hindi na maging maganda yung kalabasan, noon kasi kinaya ko pa naging masaya pa ako. Ngayon kasi, kung ipipilit natin masasaktan lang ako"
"When i ghosted you, yung mga times na yon, inisip ko..." napatingin lang ako sa kanya, nakapikit siya ngayon na parang nagaabang kung ano sasabihin ko.
"Mali 'to, hinahayaan ko na naman sarili kong papasukin ka sa mundo ko, okay na ako Cci eh not until you came back home, akala ko lang pala yon. Akala ko lang pala na okay ako. Bumalik yung takot ko kasi mahal kita eh di naman mahirap na ma-attach ulit ako sayo lalo na dahil connected parin tayo sa isa't isa kahit pa anong iwas ko or ikaw" nararamdaman ko na yung mga luha, natawa lang ako.
"Kaya lumayo ako, nagisip ako. Sabi ko mukhang kaya ko naman pero ikaw 'tong makulit na text ng text, parang jowa. Diba? Pano nako makaka move on niyan? That time when i called you assumero, i was having a hard time. Iniisip ko lahat ng mga sagot mo, oo nga. Ang gago ko na duwag pa ako. Duwag akong ipaglaban ka, duwag ako masaktan ulit."
"Natakot ako sa reply mo kaya nagpatulong ako kay Tita, kasi parang sinampal ako ng katotoohanan na baka sobrang sakit nang mga salita na nabitawan ko kaya mo nasabi yon na hindi mo naman deserve kasi all the time you were trying, since you came back home, kahit hindi mo sabihin directly, actions speaks louder than words cci." Ah- finally, pauline. Paglaban mo naman siya. Wag ka naman maging gago this time.
"Inisip ko kasi nun, baka natauhan na siya. Baka di na niya ako mahal" dagdag kong sabi. Tinitigan ko lang yung mga pagkain na nasa lap ko, uminom lang ako sa iced coffee na inorder ni Ricci, hindi na nga siya malamig actually.
"Binigyan kita ng oras, Pauline. Gusto ko kasing maramdaman mo na nasaktan mo ako" bigla niyang sabi.
"Kasi hindi naman naging madali yung buhay ko sa ibang bansa, kailangan ko rin mag adjust. Oo, anjan sila, kaibigan, family, fans para i-motivate ako. Pero may kulang eh. Parang hindi para sakin yun. Kung para sakin naman, bakit hindi ako masaya?" Hindi ko siya matingnan, feeling ko mas lalo akong maiiyak.
BINABASA MO ANG
Don't give up on us, love | Ricci Rivero
Fanfiction"I'm scared of everything. I'm scared of what i saw, i'm scared of what i did, of who i am, and most of all i'm scared of walking out of this room and never feeling the rest of my whole life the way i feel when i'm with you" A Ricci Rivero Epistola...