Chapter 3

12 0 0
                                    

-- 1 week pass by---

Pinatawag ang mga magulang namin para sa meeting ng immersion ,sumama si kuya kasi day off nya ngayon at makikibalita sya kung paano ang way ng immersion namin ,magkasama sila ni mama pumunta sa school namin at ako naman nagpaalam sa kanila na pupunta ako ng kabilang probinsya sandali at may kikitain lang ako sa sm.  Malapit lang naman sya sa school namin dalawang tulay lang ang dadaanan at ibat ibang barangay.

" Pat may naghahanap sayo" napatigil ako sa pag cecellphone ng makita ko si kuya nagulat ako ng makita ko sya .

"Pat kuya mo " sabi pansakin ni junior napatango nalang ako at dumeretso na kay kuya .

" Bakit ka nandito? Asan si mama" derederetso kong tanong.

"Pinauna na ko at babantayan kita" pagkasabi nya nun nilagpasan na nya ako at dumeretso na sya sa kinauupuan ko kanina.

"What the, seryoso ba sya?!" Medyo naiinis kong sabi pero okey na din para may makakasama ako at magpapalibre ako sa kanya.

"Sino yun?" Tanong ng pamilyar na boses na nasa gilid ko , si Franz

"Kuya ko" deretso kong sabi sa kanya

"Mukhang under ka ng kuya mo ahh" sabay ngiti nya

"Kaya nga ei" ngumiti nadin ako at dumeretso na kay kuya na ngayon ay chinichika ni bakla

"Hi kuya" sabi pa nya ,sabay tingin sakin at may pagtaas pa ng kilay namay halong ngiti. Ngiti lang ang sinagot sakanya ni kuya.

"Kuya dahil sasama ka sakin ililibre mo ko" sabi ko sakanya

"No problem" sabi nya sabay ngiti

"Sana mag ka gf kana para di mo na ko lagi binabantayan" bulong ko habang paupo na katabi ni kuya.

"Di pa yun mangyayare kaya wag ka muna magdasal ,maaga pa" sabi nya

"Bakla si kuya nalang isasama ko mamaya kasi di ka naman sasama ei"

"Sige" sabi nya nanakangiti magkatabi sila ni kuya samantalang ako nasa right side ni kuya at ang pagkakaalala ko sabi nya crush nya daw kuya ko.

Walang tigik si bakla napapasulyap kay kuya ansarap nya asarin. Samantalang si kuya nakaearphone na ngayon at naglalaro sa phone nya ng games habang nagiintay na umalis kami. Kinulbit ko si bakla sa likod ni kuya para di nya mahalata tapos tinuro ko si kuya kay bakla at grabe naman ang ngiti nya. Si kuya kasi light brown ang buhok nya na bumagay sa mukha nya maputi sya kasi nga de-aircon sa pinagtatrabahuhan nyang ospital . Sana oil. Tapos mahaba at kulot din ang pilik mata nya katulad ko ,yung pataas na pilikmata hindi straight lang ang pinagkaiba lang sa akin ei di kakapalan ang sakin ,may namimink na labi si kuya kasi never syang na bisyo. Kagandahang lalaki naman si kuya kaya marami sakanyang naiinlove pero dahil sa last nyang naranasan sa gf nya nagiba na ang pananaw nya sa buhay di na muna sya mag g-gf. Ang problema lagi naman syang nakatuon sakin ang pasok ni kuya sa ospital ei 4 am -5 pm nasaktong nakakarating ako ng bahay mga 5:30 (pagdi napapagala) dahil malayo ang byahe ko. Kaya natututukan nya ang paguwi ko.

"Pat may naghahanap sayo" napakunot ako ng noo kung sino yun.
Si Lance ilang buwan na yang nangliligaw sakin pero di ko sya masagot kasi di mutual ang nararamdaman ko sa kanya. Una palang sinabi ko nayun sa kanya pero ang sabi nya lang sakin magiintay daw sya. Pati nga si klay pinagseselosan nya kasi lagi ko daw kasama,  pinaliwanag ko sakanya na kaibigan ko lang si klay. Si lance pogi sya may black na buhok, magandang mata ,ilong at mga labi pero di ko alam kung bakit di ko sya makuhang mahalin , lagi nya naman akong dinadalaw dito sa room namin at minsan nag i-stay pa sya.

Naglakad ako papuntang pinto at seryoso kong tinignan si Lance.

"Pat manliligaw mo" sigaw ng isa kong kaklaseng babae at bigla nalang ako napasign ng quiet at tinuro si kuya kaya natahimik sila pero narinig pala ni kuya at ngayon ay nakatingin na sya sakin at sa lalaking nasa harap ko. Napahawak nalang ako sa noo ko at bumulong na
"Patay"

"Kuya mo pala yun" sabi ni lance ,tumango ako at ngumiti ng pilit.

"Halika pasok ka papakilala kita sa kuya ko" sabi ko sa kanya na ikinatuwa naman nya , di ko sya pwedeng di ipakilala kasi di ako titigilan ni kuya ng kakatanong.

Tinignan kami ng mga kaklase namin pati nadin ng mga boys na nasa likod ng kuya ko yung iba di nalang kami pinansin at may ginagawa na iba.

"Kuya si Lance Ferrer nga pala" seryosong tinitigan ni kuya si lance , si kuya panaman nakakatakot pag napakaseryoso.

"He-hello po" sabi nya namukhang ninenerbyos na sa pagkakatitig ni kuya , mukhang masungit si kuya dahil sa nakasalubong nyang kilay kaya mas lalo syang nakakatakot tignan lalo na pag sinasadya nyang sumeryoso.

" Bakit ka nandito?" Bossy na tanong ni kuya. Nakikita ko ang tumatagaktak na pawis ni lance.

" Nanliligaw po ako sa kapatid mo matagal na" straight nyang sabi na wari mo'y pinipilit nyang kumalma.
Di sumagot si kuya at tumango nalang sya. Tsaka nya pinagpatuloy ang paglalaro nya sa cp. Sanay na ko na ganyan sya lagi , tinititigan nya lang alam na nya minsan ang ugali ng isang tao , nagaaral kasi sya ng psychology ngayon at 1 year nalang gagraduate na sya. 24 years old na si kuya pero mukha lang syang 19 dahil mukhang bata ang itsura nya. 7 years ang pagitan nya sakin, at ilang buwan nalang maggiging legal age na ko.

"Okey kalang ba?" Tanong ko kay lance

"Oo naman hahaha " napangiti nalang ako sa sinabi nya kasi pinipilit nyang maging okey.

"Sige na hatid na kita sa labas baka mag hamehamewave yan si kuya mahirap yan pigilan" nakita kong napalunok sya at napailing nalang ako habang ngumingisi, nasa likod na nya ako ngayon kasi nauuna sya sakin. Pagkahatid ko sa kanya nakichika agad mga kaklase ko sakin.

"Grabe ang creepy ng kuya mo pag seryoso ang pogi ng kuya mo noh" napailing nalang ako sa sinabi ng kaklase kong babae maganda din tong babaeng toh kaso tsismosa lang..hahaha.

Nakita ko na nakatitig sakin si kris at nang makalapit ako kay kuya umupo ako sa arm chair at tinanong ko sya.

"Bakit?" Nacucurious kong tanong

"Wala lang ang cool ng kuya mo natakot si lance" sabay tawa nya
Ngumiti nalang ako sa sinabi nya.

Tinanggal ko ang isang earphone sa right side nya at tsaka sya tumingin sakin.

"Kuya mamayang konti aalis na tayo" mahinahon kong sabi sa kanya , tumango lang sya at pinalsak ko na sa tainga nya yung earphone na tinanggal ko.

Stars Brights like youWhere stories live. Discover now