Chapter 12

3 0 0
                                    

--- Makalipas ang isang oras---

Pagmulat ko ng aking mata nandito padin pala ako sa bahay na lilipatan namin . Pagupo ko nagkusot ako ng mata at napansin kong nakakumot na ako. Ang naaalala ko di ako nagkumot bago matulog at isa pa nakasapatos pa ako kanina ,tinamad na nga akong magtanggal ei.

Baka andyan si kuya o kaya sina mama. Pero di yun pupunta dito sina mama ,baka si kuya.

Bumangon ako at nagyapak akong lumabas ng kwarto .

"Kuya andyan ka ba?" Sigaw ko

"Kuya, kuya asan ka?" Tawag ko kay kuya pero walang sumasagot pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko si Daryl nasa kusina at naghahanda ng pagkain.

"Anong ginagawa mo dito?"

Sabi ko sa kanya.

"Dinalhan kita ng pagkain baka kasi magutom ka pagkagising mo , halika kumain ka na" sabi nya.

"Paano ka nakapasok?" Pagtataka ko. Habang lumalapit ako sa kanya

" bukas ang gate nyo at binuksan ko din ang pintuan nyo kasi di ka sumasagot matagal kitang tinawag di ka naman sumasagot ,di naman kita matext kasi wala akong number mo" tumango naman ako.

"Ikaw ba nagayos sakin ng higa?" Tanong ko nanagaalinlangan pa.

Tumingin sya sakin saglit at tumango tsaka nya pinagpatuloy ginagawa nya.

"Wala ba kong nasabing kung ano habang natutulog or ginawa?"

"Hmm meron" sabi nya sabay tingin sakin?

"Anong meron?"

"May sinabi ka habang tulog "

"Talaga ano yun" mabilis kong sabi

"Nakalimutan ko na ei" sabi nya sabay ngiti saglit tsaka nya ako niyakag kumain. Umupo naman ako at kumuha ng dala nyang pagkain , .kanin yun at adobong baboy tsaka shrimp . Yaman talaga ei may pag shrimp pa.

"Di ba nakakahiya sa nanay mo na shinare-ran nyo pa ako ng pagkain nyo?" Tanong ko.

"No , andami ngang niluto ni mom kasi sinabi ko na nandito ka, she cook it for you"

"Hala nakakahiya naman sa mommy mo" sabi ko sabay ngiti.

"Naku wag ka na mahiya saamin we're like a family"sabi nya.

'Yah family , only he fell for me is just like a family'

I smiled bitterly then continue to eat di na nya ako sinabayan kasi sabi nya kumain na daw sya.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko yung platong ginamit ko . Dala dala nya pa kasi yun galing sa kanila. Nakakahiya naman kung di ko huhugasan. Wala pa kasi kaming mga plato at mga utensils pati pangluto nasa isa pa naming bahay lahat ng gamit yung nandito lang ei yung mga kakabili lang nina kuya.

"Asan pala si Cath?" Tanong ko habang hinuhugasan ko ang plato sya naman nakaupo lang sa lamesa at pinagmamasdan ako.

"Kanina pa nakauwi hinatid ko sya pagkahatid ko sayo dito"

"Ahh" tanging sagot ko.

"Matagal na kayo" bigla ko nalang na tanong.

"Di pa naman mga 4 months palang"

"Ahh " sabay tango ko. "Do you see your future to her?" Seryoso kong tanong pero dahil nakatalikod ako sa kanya di ko nakikita ekspresyon nya.

Saglit syang natahimik ,tsaka sya nagsalita.

"I dont know" tanging sabi nya.

Sakto namang tapos na kong maghugas. Pinatulo ko lang saglit at nilagay ko na sa lamesa.

Stars Brights like youWhere stories live. Discover now