Chapter 4

13 0 0
                                    

Pagkagaling namin sa sm ni kuya dumeretso na agad kami ng school dahil siguradong andun na ang nanay namin. Pagtaas namin bumungad samin ang mga kaklase kong nakatanaw sa may grills ng school at iniintay ang kanilang mga magulang.

Pagpasok namin ng room nakita ko agad si mama. Binigay ko sakanya ang pagkaing binili ni kuya para sa kanya.

"Kanina ka pa dito ma?"

"Hindi kakadating ko lang"
Tumango nalang si mama at si kuya tinabihan sa upuan si mama, pumunta ako sa bag ko at sinilid ang inorder naming beauty products ni bakla, samantalang yung kanya binigay ko na.

Hanggang sa nagsimula na ang meeting nila ako naman lumabas na ng room. Hinatak ako ni kris sa gilid ng room namin sa may cr at hinarap nya ko.

"Pasensya na maingay kasi dun andaming tao" tumango nalang ako at saglit syang nginitian.

"Sasama ka ba mamaya?" Napakunot ako ng noo

"Saan?"

"Birthday ko ngayon may gaganaping outing mamaya may entrance pero sagot ko na entrance mo" nakangiti nyang sabi

"Birthday mo talaga?!" Nakangiti kong sabi at tumango sya.

"Happy birthday" masigla kong sabi

"Salamat" sagot nya habang anlaki ng ngiti nya. "So ano sama ka?" Pangungumbinsi nya

"Di ko alam ei baka di ako payagan lalo na yung kuya ko" nakasimangot kong sabi.

"Wag kang magalala ipagpapaalam kita" nakangiti nyang sabi.

"Sino ba kasama?"

"Sina junior, si Franz tsaka yung ilan nating mga kaklase, don't worry di ako nagimbita ng marami konti lang na mga malalapit kong kaibigan, siguro mga 20 lang tayo or 15 ganun" 

"Ahh okey pero sana payagan ako"

"Papayagan ka nyan swear magtiwala ka sakin" tumango nalang ako ng nakangiti kasi ang lakas ng kumpyansa nya na papayagan ako kahit ang alam kong isasagot ni kuya ay No at kung di naman ay papayag sya pero sasama sya sa outing ,dahil may pasok sya bukas baka saglit lang din ako di na sya overnight for me. Anh boring ng ganun, may kasamang chaperone.  ʘ︿ʘ

Nang matapos ang meeting pinuntahan agad ni kris sina mama pinaupo nya muna tita nya, di nanay ang umattend sa kanya kasi nasa ibang bansa ang nanay nya. Tinignan ko lang sila magusap hanggang sa lumapit sakin si kris na napakaseryoso . Sabi na nga ba di ako pinayagan.

"Di ako pinayaga.." Di na pinatapos ni kris ang sinasabi ko nang nagsalita sya agad.

"Pinayagan ka" bigla syang naging masaya at ako na shock sa sinabi nya himala ba to?! O nanaginip ako na pinayagan ako magovernight ni kuya? Actually pinapayagan nya ko magouting pero pag overnight ayaw nya talaga .  Bigla ko nalang naalala na baka pinayagan ako kasi kasama sya kaya bigla akong naging malungkot habang tinititigan ko ang magandang mata ni kris , lalo itong gumaganda pag nasisinagan ng araw ,remember light brown ang mata nya.

"Bakit ka naging malungkot? Di ka ba masaya na makakasamaka mamaya" masiglang sabi ni kris

"Masaya kaso anong return?" Ngumiti sya ng malapad

"Wala" napakunot naman ako ng noo.  Wala?! Anong nakain ni kuya?

"Bakit wala?!"

"Kasi wala syang sinasabing in return basta daw kasama mo si junior at madaming mga babaeng kasama okey lang, ei sakto masmarami ang babaeng pupunta kesa sa lalaki" sabi nya napangiti naman ako bigla, iniisip ko na namagiging masaya tong gabi ko.

Stars Brights like youWhere stories live. Discover now