Chapter 32

1 0 0
                                    

Tatlong araw na ang nakakalipas pero ang bigat padin sa dibdib ko. Patuloy ko pading pinapatatag ang aking sarili wala ei, Masakit padin. Araw araw nalang akong binabagabag ng mga alaala nya. Kasabay nun ang pagkirot ng aking puso na animo'y tinutusok ng karayom o tinik.

Ang malala pa'y di nagpapatalo ang aking mga mata na laging naglalabas ng mainit na likido na lalong nagpapalungkot sa aking kalooban. Maraming nagsasabing di sya ang tamang tao para saakin. Ang sakit na dinulot nya ay ang magbibigay sakin ng aral para maging isa mabuting tao o magrow.

Lord will lead you to be a strongest and happiest person but in a hard and painful way just trust his plan for you. I've already know this but its so freakin' painful. Di ko matiis na di umiyak.

--------------

"Kuya pwede po ba mag audition?" Tanong ko sa isang lalaking nakasalubong ko.

Nasa court ako ngayon at nadating palang ang mga tao. Yung iba nandito lang para manuod ng audition.

"Oo naman, anong pagaauditionan mo?" Tanong nya.

"Sayaw po" sabi ko

Wait, bakit nagau-audition ako sa sayaw, di naman ako magaling dun. Bala na, inilista na nya ako.

Nakatayo ako habang pinagmamasdan ang mga nago-odisyon sa sayaw kasabay nun ang pagsisimula ng basketball.
Namili na ng nakapasa ang lalaki para sa odisyon.

Pero sa kasamaang palad di ako nakapasa. Teka, di pa ako nakakasayaw ah. Bakit namili na agad sila, hinayaan ko nalang at mistulang uupo ako sa upuan ng court ng makita ko si franz tinitignan yung tropa nya slash dati nyang crush, kunno! Habang natanggap sa dance audition.

Napasimangot naman ako at umupo nalang, nasa taas ko sya katapat ng katabi ng katabi ko (isipin mo hahaha char, gets mo na?) at di ko nalang ulit nilingunan.

Nakapagtataka kasi kahit nakasimangot ako wala akong nararamdamang kahit na anong sakit o kirot.

"Jomar" pagtawag ko dun sa makisig na lalaking nakatokong na indigo (for boys) at white shirt habang hawak nya sa right side ng kamay nya ang isang bench and bath na indigo din ang kulay. Dahil sa suot nya lalong umangat ang kakisigan at ang kagwapuhan nya.

Nakita nya ako at lumapit sya sakin tsaka nalang automatic na napayakap ako sa kanya. Pagkakalas ko nakangiti lang akong tumingin sa kanya at hinimas nya ang aking buhok na nagbigay sakin ng kiliti.

Malakas kasi kiliti ko. Ramdam na ramdam ko yun ng biglang may isa pang kamay na humimas din sa buhok ko nang dalawang beses at mas nakakakiliti kesa sa ginawa ni jomar. Inabot ko ang kamay ko dun sa taong gumawa nun nang hindi ako lumilingon na tignan sya.

Kinuha nya ang kamay ko at hinawakan iyon. Paglingon ko si franz, namas lalong nagpalaki ng aking ngiti pinatayo nya ko at pinapunta sa tabi nya habang hawak padin ang mga kamay ko.

Pagupo ko, kitang kita ko ang mga players na naglalaro ng basketball at padami na ng padami ang tao.

"Dito tayo sa gilid andyan tatay ko" sabi nya at umagree naman ako sa sinabi nya

Oo never pa ko nakilala ng mga magulang nya at di nya ko pinakilala as nililigawan nya although dati nung pumupunta kami sa kanila para gumawa ng project nakakakwentuhan ko mommy nya. Pero alam lang ng mom nya na kaklase ako at kaibigan lang. Na okey lang naman sakin yun kasi takot din naman ako magpakilala sa parents nya mas lalo sa dad nya. Never ko pa nakausap dad nya pero pagnagkakasalubong kami napakaseryoso ng mukha nya as in always kahit kausap na nya pamilya nya.

Tsaka nirerespeto ko disisyon nya at wala naman nang kaso sakin yun.

Remember, yung sinasabi nya dating di nya alam kung kaya nya ko ipaglaban. What he mean is sa parents yun. Takot pa sya magpakilala ng nililigawan nya sa mga magulang nya at magpakilala sa parents ko. Well it is because sa side ko napakastrick nina mama at sa side nya sya lang inaasahan so malaki ineexpect sakanya ng mga magulang nya.

Mistulang nakaholding hands kami ngayon ng panggigilan nya ako at halikan ang kamay ko na nakahawak sa kanya tsaka nya ko pinalapit sa kanya. Yung malapit na malapit talaga kaya nahalikan ko ang left side ng pisngi nya. Walang kaekspresyon ang mukha ko pero ang puso ko halos magtata-talon na sa sobrang saya kasi bumalik na sya sakin.

Namiss ko yung good way ng panggigigil nya sakin at yung mga halik nya na hanggang ngayon malinaw parin sa mga alaala ko.

Kung paano nya ako halikan sa pisngi, sa noo, sa kamay, sa labi at iba pa.

"Kahit ang gulo natin go nalang ulit Yes or No Yes or No nalang" paulit ulit nyang sinabi ang yes or no habang nakangiti.
    
"Focus kalang" sabi ko

"Panong focus" Pagbibiro nyang sabi

"Focus kung baga di mo lulubayan atensyon mo sa isang bagay paramg katulad nyan" sabi ko sabay turo sa may grills ng court " Pagnagfocus ka lang dun makikita mong maiigi ang katawan nito" paliwanag ko

"Tama tama" sabi nya hanggang sa nasisikatan na kami ng araw dito sa kinauupuan namin. Tumayo sya at nagsign na wag daw akong aalis. Tumango naman ako at umalis na sya pagbalik nya may dala dala syang de fold na payong at white ang kulay nito namay mga maliliit na design. Tsaka sya ulit umupo sa tabi ko. Habang yung dala nyang dalawang paper plate ginagawa nyang pamaypay.

Sa loob loob ko ang saya saya ko kasi bumalik na sya at sisiguraduhin kong ipaparamdam ko sa kanya kung paano ako magmahal.

Nagising ako bigla at pagmulat ko. Isang panaginip lang pala ang lahat. Nalungkot ako, akala ko totoo na di pa pala. Bigla nanaman nagpop up sa utak ko ang mga alaala nya sakin. Sa pagkakataong iyon tumulo nanaman ang mga luha sa aking mata. Tinignan ko ang wall clock at nakita kong exact 2 pm palang ng madaling araw.

"Wish ko bumalik sakin si franz at bumalik na din ang dati nyang nararamdaman para sakin katulad nalang nung nililigawan nya palang ako" bulong ko sa sarili ko, hoping na magkakatotoo ang wish ko

Sabi kasi nila pag exact time ka daw na gising or 12am magwish ka at magkakatotoo yun. Ewan ko ba kung totoo yun ang importante tinry ko.

Napailing nalang ako, Ano ba tong ginagawa ko as if naman na magkakatotoo lahat ng pinagsasa-sabi ko.

Simula nung araw na pinagtabuyan ako ni franz ay lagi na kong malungkot at pinapatatag ang sarili pero unti unti pading nasisira yun at nawawasak ulit ako.

Everyday na kong ganto, matutulog ng umiiyak, magigising ng madaling araw between 12am - 4am tas maiisip sya iiyak nanaman. Magigising ako ng umaga magang maga na ang aking mga mata. Ilang araw na kong nagbebreak down at di ko gusto yun, umabot na din ako sa point na wala nakong ganang kumain tas mainitin ang ulo at ang malala matutulala nalang bigla. Eto yung isa sa mga ayaw ko pagnatuto akong umibig ulit yung mapapabayaan na ang sarili.

Pagod na pagod na kong maging malungkot ewan ko ba sa puso ko. Napakadrama.

Madilim ang buong kwarto ko at tanging ang lamp shade lang ang nagbibigay ng konting ilaw sakin. Humihikbi pa din ako hanggang ngayon at pinipilit na alisin sa utak ko ang mga alaala nya.

"Ano ba wag ka na umasa sakanya wala na yun di kana babalikan nun" pagpipilit ko sa sarili ko pero ayaw tanggapin ng kalooban ko ang mga lumalabas sa bibig ko.

Hanggang sa unti unti ay nakatulog na ako.

Zzzzzzzzzzzzzzz.........

9 am.

Pagmulat ng aking mga mata maaga na. Kitang kita ko muna dito galing sa bintana ang sinag ng araw. Papatayin ko na sana ang lamp shade ng mapansin kong patay na at may umagahan na akong kakainin dito sa mini table ko.

Bumangon ako at nagayos ng sarili tsaka ako kumain. Binaba ko ang mga nagamit kong plato at nakapagtataka ang tahimik. Walang katao tao, siguro nasa kani-kanilang kwarto lang sila.

Pagbalik ko sa kwarto napagisipan kong mag munimuni gamit ang guitara.

Kinuha ko iyon at kumanta nalang ako.

Stars Brights like youWhere stories live. Discover now