Chapter 35

0 0 0
                                    

Ely Millaine Eviebas

+09758......

'Call or chat me if you want'

Mukhang gusto nya din si kuya.

"Anong nakasulat?" Tanong ni kuya habang hawak ang manibela at kasalukuyan kami ngayong nabyahe.

"Contact number and name" sabi ko tsaka ko binigay sa kanya yung papel.

Binasa nya iyon at tinupi ulit.

"Mukhang gusto ka nung owner" seryoso kong sabi.

"I think" hamble nyang sabi at napailing naman ako.

"Dont do anything na makakasira sainyo" sabi ko sa kanya at tinignan nya naman ako sandali

"Syempre hindi, baka nakikipagkaibigan lang yung tao ei" wala nang ekspresyon ang mukha nya ngayon.

"Goods, di sa pinagbabawalan ka makipagkaibigan sa kanya know your limits parin kasi siguradong mabilis ka maakit, well mostly sa boys ganun lalo pa't maganda at sexy ang lumalapit" sabi ko

"May problema ka ba? Bakit parang kanina ka pa humuhugot dyan tsaka kanina mo pa ko pinapangaralan sa pagiging lalaki ko, umamin ka nga sinaktan ka ba nung lalaking nanliligaw sayo?" Tanong nya, napatingin naman ako kay kuya at kinunutan nya lang ako.

"Ayoko pagusapan kuya" sabi ko

"So oo nga, ang bata mo pa wag mong ituon ang pansin mo sa isang lalaking lagi ka nalang sinasaktan" pangangaral nya sakin.

"Madali sabihin pero mahirap gawin" sabi ko. "Tsaka kuya normal lang to sa babae pagumiibig masyado kaming emosyonal di kami kasing strong nyo na kayang itago ang nararamdaman" pagpapaintindi ko kay kuya.

"Pero dont forget to love yourself first wag mo na ibuhos ng ibuhos ang pagmamahal mo sa kanya lalo pa't wala din namang patutunguhan" napatingin ako sa kanya at nakaramdam ako ng pagkirot ng puso ko. Nararamdaman ko na din ang nagbabadyang luha sa mga mata ko pinilit kong wag lumuha at patuyuin ang mga tubig na nagbabadyang tumulo. Nanahimik ako sandali at napalunok para di ako mapiyok.

"I know pero mahirap makalimot kuya lalo na pagkakasimula mo palang mahalin sya tas iniwan kana tas may mga insecurities pa ko na guguilty ako sa mga ugaling pinakita ko nung mga panahong gusto nya pa ako" sabi ko. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko pero halata padin sa boses ko na maiiyak na ako. Hirap na hirap talaga ako magtago pagnagiging emosyonal na ko.

"Thats it" sabi nya

"Huh?" Sabi ko namay kunot noo

"Kakasimula mo palang na mahalin sya at syempre sariwa pa yan pero atleast di pa tumatagal kasi mas masakit yan kung matagal mo ng mahal ang isang tao, sa stage mo ilang araw o linggo lang mawawala na yan kaso ang mahirap mawala ay ang guilt kasi sa guilt dyan mo mabubuo ang kagustuhan mong matama ang lahat at naglelead yun sa wrong decisions like ang willingness mo na bumalik sa kanya para maitama ang nagawa mo, at para di masira ang tingin nya sayo bilang ikaw" pagpapaliwanag ni kuya at lahat ng yun tama.

Oo gusto ko bumalik sa kanya para maitama ang pagkakamali ko pero gusto ko ding bumalik sya sakin at gusto ko iparamdam sa kanya kung paano ako mag mahal. Na never nyang naramdaman nung may connection pa kami.

Nanahimik nalang ako.

"Alam mo hayaan mo na kung magiging masama man ang tingin nya sayo di mo kailangan always patunayan ang sarili mo, kung lagi mo mang pinapakita sa kanya ang rough side ng ugali mo mas mabuti yun kasi dun mo makikita kung kaya ka ba talagang piliin ng taong yun hanggang sa dulo pero it depends padin kung sumosobra ka na" paliwanag ni kuya.

Stars Brights like youWhere stories live. Discover now