Chapter 7

1 0 0
                                    

Pagkagising ko nakita ko si kris sa kusina nagluluto ,umupo ako mula sa pagkakahiga ko at tinitigan si kris.

"Ohh gising ka na pala, kain na tayo" yaya nya nginitian ko nalang sya at bumagon na , nagpuyod ako ng buhok ko at finorm ito pabilog tsaka ako pumuntang lababo para magmumog at dumeretso na ko sa lamesa.

"Maalam ka mag luto?"

"Oo naman " sabay ngiti nya

"Sa panahon ngayon di ka mabubuhay kung di ka maalam magluto" nginitian ko nalang sya at tumango , actually totoo naman yun di sa lahat ng bagay may magluluto sayo .

Nagluto sya ng adobong baboy na may sili. Nays i love it. Tinikman ko ito at lasa ko ang anghang sa adobo.

"Mahilig ka sa sili?" Pagtatanong ko sakanya habang tinitignan ko sya sa ginagawa nya. Naglilikom na kasi sya ng pinaglutuan nya.

"Oo bakit ayaw mo ba?"

"Huh?! Hindi ahh gustong gusto ko nga kasi may sili at ang sarap ng pagkakaluto mo" sabi ko pa sa kanya.

"Mahilig ka din pala sa sili"

"Uhm ohm" tanging sagot ko sabay tango. Madami daw ayang niluto kasi para saaming lahat yun at nagpadala na sya sa bawat kwarto para sa bisita nya.

Kumain na kami at pagkatapos nun ay  nagasikaso na kami para umuwi.

Nagkita kita kami sa cottage na ginamit namin kagabi. Magulo iyon, inayos nila ang mga gamit na na ginamit namin kahapon tsaka nila nililikom.
Umupo muna ako sa katabing cottage na walang tao at tumambay. Nakita ko si franz kasama yung tropa nyang babae na lagi nyang hinahatid sundo, actually dun lang sya sa babaeng yun ganun ay di lang pala sa kanya pagnagrerequest ang bestfriend kong babae sinusundo nya din , haysst di ko ba alam kung playboy to ohh ano ei.

Gusto nya kasi ang bestfriend ko at ngayon tinotropa na nila, actually sabi sabi nila umamin daw si franz sa bff ko sa gc nilang magtotropa na kesyo crush nya daw ito pati nga yung tropa nya na babaeng lagi nyang hinahatid sundo nagustuhan nya din dalawa lanag siguro na babae sa tropa nila abg di nya pa nagiging crush , haystt dali nya mainlove tulad ko.hahha

Ang masaklap pati ako nilalande sabagay kagabi lang naman yun at sigurado akong walang meaning sa kanya ang lahat ng yun. Buti naman.
Si Ayna ang tinitukoy Kong bff ko din alam nya na naging crush ko si franz kasi lagi akong nagkukwento sa kanya. Pero ngayon wala na kong gusto sa kanya at kung kelan wala na tsaka naman sya nanggagago. Hayy buhay.

Nang matapos na sila sa paglilikom lumabas na kami ng resort at nagpaalam , na yung iba samantalang kaming magkakaklase ay napagdisisyunan na pumunta muna sa bahay nina kris kasi malapit lang naman.

Nang makarating na kami tahimik lang akong pumasok ng bahay nila , 5 am palang kaya bakas na bakas sa mga mukha namin abg pagod at puyat. Malawak ang bahay nina kris pero napagdisisyunan namin na sa may salas kami matutulog , kasama namin ang mga pinsan nya at kaklase namin ni kris. Bale 8 kami ngayon yung ibang pinsan ni kris dito lang din malapit ang bahay kaya di na sila pumunta dito. Naglatag kami ng foam sa sahig katabi ng sofa, tig dalawa ang nasa magkabilang sofa na nasa gilid ng pinaglatagan namin ang mini table set nila nilagay namin sa gilid.

Katabi ko ang tropa ni franz na babae , si nicole , remember sya yung lagi nyang hinahatid sundo. Yung bff ko na si Ayna kagabi pa umuwi kasama ang boyfriend nya , sinamahan sya nito maligo at di din nagtagal.

Hanggang sa matapos kaming maglatag pumunta na kami sa kanya kanya naming pwesto at pinagpatuloy nanamin ang aming pagpapahinga.

----After an hour pass--

Naalimpungatan ako bigla dahil may nanggigising sakin.

"Gising,  gising na" pamilyar na boses na patuloy akong niyuyugyog , nakatalukbong kasi ako kaya di ko nakikita kung anong nang yayare pero sigurado ako na si franz yung nanggising sakin.

Tinanggal ko ang kumot na nakatakip sa mukha ko, tsaka ko tinignan yung nang gising sakin at nakatingin din sya sakin pero kinunutan ko lang sya at nagtalukbong ulit ng kumot at tumagilid na ko ng higa. Gusto ko pang matulog.

"Gising na umaga na aalis na tayo" sabi nya pero di na nya ako niyuyugyog.

Binaba ko ang kumot sa mukha ko hanggang ilong at tinitigan ko saglit ang baba ng sofa para magising ako sa katotohanan , nananaginip pa ata ako . Hahaha. Ako nalang nakahiga sa foam na to at yung isa kong kasana ay umupo na mula sa pagkakahiga tsaka sya tumayo para magcr.

Umupo na din ako at tinignan ko ang relo na nasa dingding . Quarter to 8 na pero parang 6 am lang . Pinuyod ko ang buhok ko na sabukot na dahil malikot ako matulog, namamahay kasi ako pag nagbabanyo , nakikitulog, di ako mapakali, hindi derederetso ang tulog ko nagigising ako tas itutulog ko ulit. Di ko alam kung bakit pero ganun kc akong tao. Pansandalian akong umupo at tahimik na tinitigan ang kisame. Tsaka ako tumayo para magmumog, at napansin kong may salamin sa gilid kaya nagsalamin na din ako. Magang maga pa ang mga mata ko pati mukha. Pagbalik ko sa sofa nililigpit na nila ang ginamit naming higaan , tinulungan ko sila at ng matapos ay umupo ako sa sofa at nanahimik.

"Kumain muna kayo bago kayo umuwi" sabi ng nanay ni kris may dala dala syang paper bag na tatlo , dalawang may laman na special malunggay bread tas yung isa 8 pieces na noodles , tinigisa isa nya talaga kami.

Nagsalang sya ng mainit na tubig, at hinintay iyong kumulo.

"Ubusin nyo tong lahat ahh , wag kayong aalis ng di ito ubos" sabi ng nanay ni kris

"Opo" sabi ng ilan sa aamin

"Tita gising na po si kris?" Tanong ng pinsan ni kris

"Naku tulog pa , ayaw nun ng ginigising lalo pag walang pasok" nagsitanguan naman ang ilan saamin at yung iba nagsabi ng 'ahh'.

Nang kumulo na ang tubig nilagay na nya ang mga noodles at hinabilin saamin iyon.

"Kayo na bahala dito huh! Ubusin nyo to" sabi pa nya.

"Opo" sagot naming lahat na kahit kami alam namin sa sarili namin na di namin kayang ubusin yon kasi ang dami.

Nang maluto ang noodles nagsikuhaan na kami yung ibang boys konti lang kinain na noodles tsaka sila nag kape specially franz, his best bud is coffee.

Stars Brights like youWhere stories live. Discover now