Chapter 13

2 0 0
                                    

Isang linggong pasok at deretso uwi ang ginawa ko di na ako naggala , at isang linggo ko ding di nakita si daryl. Wala na kong balak istorbohin pa sya sigurado namang busy sya sa girlfriend nya. Friday na ngayon at standby lang kami sa classroom dahil wala naman kaming hahabuling projects or activities this week kaya ginagawa ng mga kaklase ko yung iba nagmomovie marathon , yung iba naman natutulog may sarili kasi silang tagong unan sa mga locker nila kaya ang himbing ng tulog ng iba. Dahil bawal gumala pagclass hour nasa room lang kaming lahat may kanya kanyang mundo.

Pinalsak ko ang earphone ko sa tainga at pinagmasdan ko ang kalangitan habang nakikinig ng musika. Pang fourth floor kasi kami at kulob kami sa aircon pero clear at transparent naman ang bintana kaya kitang kita ang labas. May kurtina din lahat ng parte ng bintana. Hinawi ko ang kurtinang nasa gilid ko at  pinagmasdan ko ang kalangitan.

Sa paglipas ng ilang minuto bigla nalang may kumalbit sakin. Paglingon ko si Franz .

Tinanggal ko ang kabila kong earphone at tsaka nagsalita.
"Bakit?" Tanong ko

"May correction tape ka?" Seryoso nyang tanong

"Wala ei naubos na" sabi ko.

Tumango nalang sya at naglakad na paalis.

Ibabalik ko na sana ang earphone sa kabila kong tainga nang pigilan nya ang kamay ko.

"Mag gagawa tayo ng thesis mamaya kina Jane" sabi nya.

Tumango naman ako.

"Anong oras?"

"Gusto mo ngayon na"

"Bala kayo" walang guard ngayon na nagbabantay kaya makakapagcutting kami ,oyy in a good way huh . For our subject purposes din naman.

"Kasama din pala si blake kasi kagroup nya sa isang subject si Jane"

"Di ba di naman natin kagroup si Jane"

"Oo nga sa kanila lang tayo gagawa" napatango nalang ako , siguro kasama tropa neto kaya gusto dun gumawa.

Di natuloy ang balak naming magcutting kasi dumating bigla ang adviser namin para icheck kami.  Nagstay sya dun hanggang uwian. Sabay sabay kaming lumabas ng school yung iba ko kasing kaklase may sundo pero nagpaalam sila na di papasundo kaya nagcommute kami papuntang bahay ni Jane. Sa isang village sya na katira ,may ari ng isang sikat restaurant ang nanay nya at abugado naman ang tatay nya.  How lucky she is.  Pagdating namin ng bahay nila ay pinakain muna kami ni jane tsaka kami pumunta sa sofa nila at naggawa ng research .

Binigay saakin ni franz ang loptap nya at nilagay ko iyon sa lap ko. Kinuha nya ang charger ng loptap tsaka ko kinuha ang dulo ng charger na isasaksak sa loptap para magcharge sya. Umupo sa tabi ko si Franz nasa gilid naman nya ang crush nyang si Elly na naging bestfriend ko din.

Actually kasya naman dito ang apat na tao sa sofa kaso sinasakop ni franz ang gitnang bahagi kaya walang magtangkang umupo. Habang nagpapagawa sya sakin ng part sa research lumalapit sya kay elly para kausapin at makinuod sa pinanonood nito sa phone. Hokage moves..hahhaa.

Palipat lipat lang saaming dalawa ang pwesto nya . Nang saakin naman sya tumigil ay tinitignan nya ang ginagawa ko ,di ko sya masyadong makita dahil peripheral vission ko lang ang ginagamit ko. Para tignan sya. Tumatango lang ako pagmay tinatanong sya. Ewan ko ba parang tinatamad ako makipagusap.

"Tapos magkaboyfriend ka ng matalino sya katulong mo sa thesis" sabi nya.

"Oo sya pagagawin ko" seryoso kong sabi pero i dont mean it.

"Hindi pagnapagod ka na gumawa sya naman ,tulungan kayo" paliwanag nya.

"Uhm- uhm" tanging sabi ko habang titig padin ako sa loptap nya para matapos ko na ang part ko.

Makalipas ang ilang minuto.

"Tapos na ko" sabi ko

"Dagdagan mo pa" sabi nya

"Two pages na ,ayos nayan " Sabi ko.
Actually tinatamad na talaga ako gumawa.

"Kaya mo yan madadagdagan mo pa yan" pangungulit nya sakin.

"Fine" sabay buntong hininga ko.

Nang matapos ko ang paggagawa , ay dinaan naman ako sa kwento ni Franz. Nakipagkwentuhan na lang din ako para mawala ang pagkabugnot ko. Nang umalis ako sa pwesto ko kanina ay sya naman ang pumalit dun sa kinauupuan  ko kanina. Ako naman napunta sa gitna kasi nakaupo na sya sa pwesto ko.

Matapos ang dalawang oras ay napagdesisyunan na naming umuwi. Kasi quarter to 6 nadin . Paguwi ko ng bahay ay wala pa si kuya si mama lang ang nandun at si papa di ko alam kung asan.

"Ma asan si papa?" Tanong ko

"Asa bago nating bahay kasi bukas maglilipat na tayo ng mga gamit"

"Ahh , dun na tayo matutulog?"

"Oo bukas pagnatapos ang paghahakot at pagaayos" tumango nalang ako.

Di ko alam kung bakit bigla akong kinabahan kasi simula bukas dun na kami titira at lagi ko nang makikita di Daryl . Di ako nakakaramdam ng excitement ,kaba ang nararamdaman ko kasi siguradong mas lalong lala itong nasa loob ko lalo na pagdun na kami tumira. Baka one day di ko na to kayanin at ako na mismo ang bumigay .. Sana wag .angyare yun.

Pagkatapos ko kumain ay pumunta na ko sa kwarto at nagbihis , sunod nun ang pagupo ko sa higaan. Inisip ko ang maaring mangyari bukas. Two days nanamang walang pasok.

Nagdaday dream ako ng may kumatok sa kwarto ko.

Pagbukas niluwa ng pinto si kuya.

"Bakit?"

"Magpapabasbas tayo ng bahay bukas pagka lipat ng mga gamit ,kaya maaga kami maglilipat bukas" sabi ni kuya

"Okey"

"Di lang yun samahan mo si mama mamalengke ngayon para mailuto yun bukas ng umaga ,magpapakain tayo" sabi nya, tumango nalang ako..

Di na ko nagbihis kasi maayos naman ang suot ko. Nagcommute lang kami ni mama papuntang palengke, madaming tao ngayon kasi araw ng palengke. Habang namamalengke kami bigla nalang may nagsalita , paglingon ko may kirot akong naramdaman Sa dibdib ko.

"Tita" bati nya

"Oyy ,ano ginagawa mo dito?"

"Inutusan po kasi ako ni mommy mamalengke"

"Sya ba girlfriend mo?" Pangiietyos ni mama

"Opo, sya po pala si cath" pagpapakilala nya dito.

"Buti di sya maarte sa mga gantong lugar kasi halata sa kanya na laki syang mayaman" sabi pa ni mama

Tumingin naman saglit kami kay cath na ngayon ay nakikinig lang sa usapan nila mama kagaya ko at nakangiti lang sya.

"Unti unti po nasasanay na din sya , nung una po medyo naninibago pa sya dito sa palengke , ngayon po mukhang nasasanay na sya kasi lagi ko po syang sinasama mamalengke"

"Ahh, ay oo nga pala iho pasabi sa nanay mo na pumunta bukas sa bago naming bahay magpapabasbas kami ng bahay bukas"

"Ahh sige po makakarating"

"Pumunta kayo bukas huh"

"Opo naman" nakangiting sabi ni mama

"Pano po una na po kami"

"Sige ingat"

"Kayo din po" pagkasabi nya nun ay tumango naman sakin si daryl at ngumiti din ako naman saglit na ngumiti.

Nagpatuloy naman kami ni mama sa pamamalengke medyo madami ang pinamili ni mama kaya nagrenta nalang kami ng sasakyan pauwi. Pagkauwi namin nakaramdam ako ng pagod ,pangangalay ng braso at mga kamay . Kinukuha ko kasi lagi ang mga dala ni mama ,ayokong sya ang nahihirapan magbuhat ng mga yun.

Pagkabihis ko natulog na ako dahil maaga pa kami bukas. Anyway di ako papasok bukas 6:30 sana pasok ko bukas kaso may pabasbas kami kaya di ako makakapasok.

Stars Brights like youWhere stories live. Discover now