Wala na, Malabo hanggang Atin na ang mundo at di na malabo.

648 6 0
                                    



Wala na malabo,
Malabo na masyado,
Di na nga makakaya ng mga kamay ko,
Abutin ang pusong bato.

May kaibigan ako,
Nagmamahal ng isang tao,
Pero malabo, sobrang labo,
Malabong maging totoo.

Di man sila magkakilala,
Pero mahal siya ng kaibigan kong tanga,
Di joke lang, baka magalit pa sa akin, lagot ako don,
Di naman siya tanga, pero malabo talaga, malabong maging sila.

Malayo rin ang gap,
Pero yun mahal parin niya,
Ano kayang nakita ng mga mata,
Mga mata niyang kumikinawkinaw,
Na parang araw, maliwanag pero malabong makita.

Malabong-malabo,
Malabong maging sila,
May gusto na yung iba,
Pag di ba matanggap ng puso mong tanga.

Sinabihan ko na ng paulit-ulit,
Sinabihan na tama na at magsimula ulit,
Sinabihan ko na na huwag ng galawin,
Masaya na yun sa iba, masaya ng nakahawak ang mga kamay.

Sabi ko "huwag ka malungkot",
Ang sagot niya ay "durog na ang lahat, puso't isipan, wala ng magagawa",
Huwag mag alala kaibigan,
Nandito lang ako bandang hulihan.

Huwag na jan sa kanya,
Humanap nalang ng iba,
Kung di makahanap edi wag na,
Maging single nalang tayong dalawa.

Maging single nalang tayo,
Maging masaya sa ating mga sarili,
Maging masaya sa lahat ng pagsubok na darating,
Tutulungan moko at tutulungan kita,
Maging masaya.

Nang dumating ang panahon,
Nakahanap na ng ipagpapalit,
Masaya na si kaibigan ulit,
Sa wakas laki nanaman ng ngiti,
Nandito lng ako suporta ang hatid.

Nakita ko siya nakahawak ng bulaklak,
Sa kanyang itsura na parang ulap,
Na parang rosas na ang ganda,
Papunta sa minamahal niya.

Masaya ako para sayo kaibigan,
Sanay ito na ang totoong-totoo,
Sana di na madurog ang puso mo,
At maging masaya hanggang sa pagputi ng buhok mo.

Masaya na rin ako,
Nag iisa mn pero sarap ng buhay ko,
Nasa tuktuk na ng mundo,
At masayang-masaya, magandang- maganda ang buhay ko.

Tupad na ang lahat ng pangarap,
Lalo na't sayo ay nahanap mo na,
Tupad na ang mga pagsubok,
Lalo na't may anak kana.

Kaibigan, ang saya na natin,
Ang ganda na ng buhay natin,
May gusto ka pa bang hahangarin,
Ako, wala na dahil tupad na rin.

Tupad na ang mga pangarap,
Kahit noong ang mga sambit ko sayo ay "wala na, malabo",
Pero ngayun?
Ang sambit ko sayo'y "kaibigan, nasa atin na ang mundo, at di na malabo.

𝘗𝘰𝘦𝘮𝘴. 𝘚𝘱𝘰𝘬𝘦𝘯 𝘗𝘰𝘦𝘵𝘳𝘺. 𝘘𝘶𝘰𝘵𝘦𝘴 || ✓||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon