Malaya Kana

487 3 0
                                    

By: Ashleigh Chatto

Malaya ka na, ang mga huling salita na naibigkas sa aking tula
Sa sampung buwan, na akala koy tapos na
Ngunit may nabuklat na bagong kabanata

Alam kong mali ngunit pumayag
Pumayag na makipagusap sa iyo at tapusin na lahat ng kaugnayan
Ngunit naging daan para itoy muli mabuksan

Alam kong mali ngunit matigas ang aking ulo
Dumating ang pagkakataon na maaari ko ng tapusin ngunit nakinig sa aking puso

Alam kong mali ngunit akoy natukso
Ang pusong marupok ay nagpabihag sa pinagbabawal na pag-ibig na inalok mo

Alam kong mali ngunit akoy sumaya
Ng marinig ang iyong matamis na boses at nakakagiliw na tawa

Alam kong mali ngunit pinagpatuloy
Umasa sa pangako na kaya mong maghintay hanggang sa dumating ang tamang panahon para sa atin

Pero bumitaw ka,
Bumitaw ka kasi alam mong mali.

Alam mong mali dahil may tao tayong nasasaktan
May tao tayong niloloko habang tayoy nagbubulagbulagan

Alam mong mali dahil ikaw ay nahihirapan
Patagong tawag, komunikasyon at puro kasinungalingan

Dumating ang araw namulat iyong mga mata
Hindi dahil alam mong mali, kundi dahil nahanap mo sya

Inulit sa sarili na dapat akoy di naninibugho
Ngunit kahit ilang beses kong isipin
Di kailanman madidiktahan ng utak ang puso

Kaya idinaan ko sa huling tula,
Huling pagkakataon na sasabihin kong "Mahal Kita"

Huling beses na makikita mo ang aking pangalan
Huling beses na akoy magpaparamdam
Huling beses na ikaw ay iisipin
Huling beses na akoy magpapaalam

Kaya mahal, ngayon alam ko na
Hindi dapat "Malaya ka na" ang isinambit sa huling tula
Dapat palay "Paalam na".

𝘗𝘰𝘦𝘮𝘴. 𝘚𝘱𝘰𝘬𝘦𝘯 𝘗𝘰𝘦𝘵𝘳𝘺. 𝘘𝘶𝘰𝘵𝘦𝘴 || ✓||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon