Sampung Buwan

433 3 0
                                    

By: Ashleigh Chatto

"Sampung Buwan"

Maikli man pakinggan ang pamagat nitong aking sulat
Pero isinulat ko ito dahil sa natitirang hapdi ng sugat
Na naibakas ng mga pangako na iyong binitawan
Mga pangako na akala koy maaabot ngunit yun palay may hangganan

Magsisimula ako sa mga araw na ikaw ay nanliligaw pa lamang
Ika sampo ng hunyo sa daang madilim ang aking mga kamay unti unting hinawakan
Sumunod ang mga araw na lagi tayong magkasama
Dahan dahang lumalim ang pagtitinginan at pagtitiwala

Sa tuwing papatak ng ika-walo ang mga buwan
Dinaig pa ang saya tuwing kaarawan
Dahil sa ika-walo ng agosto ikaw ay sinagot
Ang puso ko na datiy malaya ngayon ay nabalot

Nabalot ng mga paro paro na lumilipad lipad
Mga matay parang alitaptap na kumukuti kutitap
Sa sampung buwan, mahal, ating pinatunayan
Na lahat ng aking nararamdaman ay may katapusan.

Ang ating relasyon ay di kailanman perpekto.
May mga araw na masaya at mga araw ng pagtatalo
Hindi ko masasabi na kasalanan ko o iyo
Dahil tayo mismo, sa isat isa, ay nabigo.

Nabigong panindigan ang mga binitiwang mga salita
Na "hanggang sa huli tayo ang magkasama"
Narito ka at ako di alam anong magagawa
Dahil hindi tayo ang nagpasya, kundi ang tadhana

Mahal ko, ako ay lubusang nasaktan
Mundo ko ay nabalot ng pait at kalungkutan
Kagat-kamay sabay patak ng mga luha
Di alam paano ngingiti at itatago ang mga pulang mata

Ang puso na datiy nabalot, ngayon ay naging malaya
Ilang tulog, oras at panahon rin ang naaksaya
Pero kung ang pagiging malaya ang syang magpapasaya sa iyo
Mahal, malaya ka na, magiging okay rin ako

𝘗𝘰𝘦𝘮𝘴. 𝘚𝘱𝘰𝘬𝘦𝘯 𝘗𝘰𝘦𝘵𝘳𝘺. 𝘘𝘶𝘰𝘵𝘦𝘴 || ✓||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon