By: Ashleigh Chatto
"Kung ako, ako lang"
Kung ako, ako lang
Ang dapat na iyong minamahal
Tulad ng iyong ipinangako noong ako'y niligawanNoong nakuha mo ang aking matamis na oo
Nangako ka ika'y magiging tapat at totoo
Sa ating isang taon na pagsasama ito'y nagawa
Ngunit di akalain na mawawala ng parang bulaKung ako, ako lang
Ang dapat naka henna ang pangalan sa iyong malalaking braso
Na iginuhitan ng hugis puso simbolo ng pagmamahal mo.Ang iyong ihahatid sundo tuwing papasok sa eskwelahan
At kasama kapag ikay pupunta sa mga mall at sinehan.Kung ako, ako lang
Ang dapat iyong hinaharanahan gamit ng iyong malambing at malambot na boses
At ang lagi mong pinapadalahan ng magagandang pula na rosas.Ang iniisip tuwing umaga at gabi
Ang iyong sinasabik na halikan gamit ang iyong mapupulang labi.Kung ako, ako lang
Ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa
Na sa tuwing iyong nakikita ay ika'y natutulala.Ngunit, akala ko ako,
Akala ko ako lang
Yun pala hindi ka marunong magbilang
Dahil hindi ako nagiisa diyan sa puso mo na ang daming naka ukit na pangalanAkala ko ako lang
Ang iyong pinapangarap,
Ngunit ang daming beses na nakita ng aking dalawang mata ang kagaguhan na iyong ginagawaKaya ayaw ko, ayaw ko na ako na lang!
Ang babati ng magandang umaga at maghihintay sa iyong reply
Na yun pala ay may kausap ka ng iba na siguro naisip mo na pwede mo kami ipagsabayAyaw ko na ako na lang!
Ang paulit ulit na nagtatanong sa aking sarili kung saan ba talaga ako nag kulangAyaw ko na ako na lang!
Ang laging nanabik sa iyong mga yakap at halik
Umaasa na ang nakaraan ay maaari pang maibalikNgunit tama na! Dahil ayaw ko na!
Ayoko na, na ako na lang ang paulit ulit na nasasaktan
Sa sitwasyon na maaari ko namang bitawanTama na! Ayaw ko na!
Ayoko ng pabalik balik sa aking isipan
Ang aking ginawang katangahan at bulag bulaganKasi alam ko, kung ako, ako lang,
Ako lang dapat ang laman ng iyong puso,
Pero sinayang mo lamang ang pagkakapalit ng akin sa iyo.Kaya naman, ako na lang,
Ako na lang ang tatapos sa ating relasyon na isang malaking kasinungalingan
At mas mabuti pa na tayoy mag kanya kanya na lamang.
BINABASA MO ANG
𝘗𝘰𝘦𝘮𝘴. 𝘚𝘱𝘰𝘬𝘦𝘯 𝘗𝘰𝘦𝘵𝘳𝘺. 𝘘𝘶𝘰𝘵𝘦𝘴 || ✓||
PoetryTagalog and English Poems. Spoken Poetry from the heart. Quotes for the mind and body. Enjoy:)