Episode004: Son of a King

18 2 0
                                    

Episode004: Son of a King

Year: FUTURE 2089-'

[Sa tabi ng dagat]:

(May dalawang Servant ang maghaharapan)

Clodon(Master of Saber): Dapat pa ba akong magpakilala sa iyo? Kalabang Servant.



???(Berserker): I don't care, little man.

???(Saber):*Hinanda ang Espada* TAPUSIN KO NA BA SIYA, MASTER?!

???(Berserker): Kaya mo ba ako? *Natawa*

Clodon: Gawin mo ang lahat, Saber Mordred. Naniniwala ako sa iyo.

Mordred(Saber): Salamat Master!

(Hinigpitan ni Mordred ang hawak niya sa espada)

???(Berserker): Mordred? Ang bastardong anak ng hari na si King Arthur Pendragon? Ang kawawang Mordred na hindi man lang naituring na anak ng kaniyang ama. Masiyadong kawawa!! *Pang aasar na ngiti*

Mordred(Saber): MANAHIMIK KA!!

(Tumakbo ng mabilis si Saber Mordred patungo sa Berserker Servant at biglang sinaksak)

(Ngunit mas mabilis na naka iwas ang kalaban na Servant.)

Mordred(Saber): Huh! *Nasurpresa*

Jeanne D'arc(Berserker): *Nagstore ng Violet Energy sa kanang kamay* Ako na isang Saint ay matatalo sa iyo? Ako nga pala si Jeanne D'arc. Hindi na nga siguro ako matatawag na santa pa..hahaha.

(Itinira ng mabilis ni Berserker Jeanne D'arc ang Violet Stored Magic Energy kay Saber Mordred.)

Mordred(Saber): Tsk! *Ipinangharang ang Espada*

(Isang pagsabog ang naganap. Tumalsik si Saber Mordred. Gasgasado na ang Armor at tinamaan pa din talaga, kahit na block niya na.)

(Itinuhog ni Mordred ang kaniyang Espada sa buhangin at hawak pa din)

Clodon: Kaya mo pa ba, Saber? *Pag aalala*

(Bumukas ang Knight Helmet ni Saber. Nakikita na ang buo niyang wangis.)

Mordred(Saber): Iyon lang ba ang kaya mo. Ipakita mo na sa akin ang lakas mo, Berserker.

Clodon: SABER?!

Mordred(Saber): Tsk, kaya ko ito Master!

Jeanne D'arc(Berserker): Magaling ka, treacherous Son of King. Ngunit sa salita lamang, ganiyan ka ba talaga kababaw? hahaha. *Natawang muli*

Mordred(Saber): Hinding hindi ako magpapatalo... sa iyo!! *Sobrang Galit*

Jeanne D'arc(Berserker): Sige magalit ka lang.. *Natutuwa*

(Nagburst na ang dalawa.)

(Inilabas ni Jeanne D'arc ang dalawang espada niya, hawak ng magkabilang kamay niya.)

(Kumikidlat naman si Mordred ng kulay pula sa bilis, hawak ang kaniyang espadang pangalan ay "Clarent")

(Bilis..............)

(..............Bilis)

(Tumama ng malakas ang mga espada ng dalawa, at nag cause ng isang pagsabog)

Parehang na apektuhan ang dalawa sa kanilang ginawa.

(Tinira ni Jeanne D'arc ng Violet Magic ang Master ni Mordred)

Clodon: Ah!

(Hiniwa ni Mordred ng espada ang magical shot na siyang tatama sana sa Master niya.)

Jeanne D'arc(Berserker): Tsk, nakakabagot kang kalaban. Walang thrill.

(Nagteleport o Naglaho na lamang bigla si Berserker Jeanne D'arc kung saan)

(Napabuntong hininga si Saber at lumingon kay Clodon)

Mordred(Saber): Ayos ka lang ba, Master?

Clodon: Oo.

Mordred(Saber): Mabuti naman.

(Nagtransform na si Saber sa isang suot na kung saan komportable siya)

Ang Master ni Saber. Si Clodon ay isang magic user na matanda na. Hindi na siya masiyadong bihasa pa sa Magecraft, hindi gaya ng ibang Master.

Noong masummon niya si Saber, wala siyang ibang hiling.....

....pero ang makapiling lamang sa sandaling panahon ang namatay niyang anak...

Umalis lamang siya sa sandali, at pagkabalik niya sa bahay ay wala na.
Nasawi na ang kaniyang minamahal na anak. Kahit maliit na paalam lamang ay wala.

Until, dumating na ang Holy Grail War at nagsummon na siya ng kaniyang Servant.

Naisummon niya si Saber Mordred. Ang anak ng Haring nagmamay-ari ng Excalibur na si King Arthur Pendragon.
Ang ina ni Mordred ay si Morgan na siyang pinsan ni King Arthur. Tinago nila ang lihim na may anak silang dalawa sa buong kaharian. Until, kailangan ng may pumalit sa Hari. Nabalitaan naman ito ni Morgan na siyang binulungan si Mordred, para magtungo sa kaniyang Ama at akuin ang pagiging hari.

"Anak niyo ako di ba? Gusto ko maging tulad ninyo, Ama."
Tumutol ang Hari, pagkasabi pa lamang ni Mordred nito sa kaniyang harapan. Hindi makapaniwala si Mordred sa kaniyang ama. Hindi siya makapayag sa pagkakait sa kaniya. Then naisip niyang mag rebellion laban sa kaniyang ama.

Ninakaw niya pa ang isa sa mga Espada ni King Arthur na Clarent. Sa pag rerebellion, marami siyang kawal na pinaslang. Nang nagharap na silang dalawa ng kaniyang ama.

"Bakit ba hindi niyo ako pinapayagang maging isang hari?, ama."

"Dahil, hindi ka karapatdapat."

Walang nagawa si Mordred at siya'y pinaslang ng kaniyang Ama. Sa ibang Stories, si Mordred ang pumatay sa kaniyang Ama.

Pareha lamang ang Master na si Clodon, at Servant na si Saber Mordred. Pareha silang napag-kaitan ng pagkakataon. Hindi man lang itinuring na anak ni King Arthur si Mordred. Hindi man lang nakapag paalam si Clodon sa kaniyang anak. Parang walang tatay si Mordred. Nawalan ng anak si Clodon. Parehang nawalan at nasaktan.

Ngunit ang Master at Servant na ito'y laging bumibili ng Sorbetes sa Parke. Nagsasaya kapag may time. Nagsasanay para sa mga laban.

Ngunit ng araw na iyon matapos ang laban. Naglinis si Clodon ng bahay habang si Mordred ay kumakain at nag uusap sila.

Clodon: Ano yung sinasabi ng Berserker Servant earlier.

Mordred(Saber): Ah yun ba? Wala iyon. Tsk.

Clodon: Hindi ka itinuring na anak ng iyong tatay...

Mordred(Saber): Oo. Kaso wala na iyon, wala naman na akong tatay na maituturing.

Clodon: Pagnakikita kita, naaalala ko yung anak ko sa iyo. Hindi naman kayo pareha ng ugali.

Mordred(Saber): Uhmmm.. ako na lamang ang magiging Anak niyo!

Clodon: Sabi ko nga, Anak.

Mordred(Saber): Maraming salamat, Tatay. Tara na! marami pa tayong lilinisin!! hehe.

(Yayakapin na sana ni Clodon si Mordred, pero nagsalita si Saber agad)

Mordred(Saber): Fist Bomb na lang..^^

Clodon: Sige.

(Nagfist bomb ang dalawa..^_•)

===============================

Narrator: Iba-iba ang pag aaruga ng mga magulang sa atin. Iba-iba din ang pananaw at mga pangyayari. Iba-iba din ang problema, pero tandaan sana natin lahat na puwede tayong humingi ng tulong at gabay sa Diyos na makapangyarihan.

Internal X ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon