"Ms. Letty, kayo ha. May nakita kaming picture." bungad na sambit sa akin ng estudyante ko.
"Huh?" takang tanong ko at dire-diretsyong naglakad papasok sa classroom.
Nakasunod lang sa akin si Kira, na bumungad sa akin kanina at naabutan namin ang mga estudyante kong nagkukumpulan.
"Ang pogi naman niyan."
"Bagay sila."
"Sino kaya 'yan ano? Mas pogi pa kay Sir. Lucas."
"Kamukha ni Ma'am, yung babae."
Rinig kong usapan ng mga estudyante ko, habang nagkukumpulan ang mga ito.
Ano naman kayang pinagkakaguluhan nila?
"Ehem!" tikhim ko para makuha ang atensyon nilang lahat.
Dali-dali naman silang bumalik sa kaniya-kaniya nilang upuan pati narin si Kira at mga ngiting-ngiti itong nakatingin sa akin.
"Ikaw ma'am ha, ba't hindi mo sinabing may kilala kang mas pogi pa kay Sir. Lucas?" mapang-asar na tanong ni Ms. Ledesma. Estudyante ko.
"Kaya nga, Ma'am." pagsang-ayon ng iba.
Bahagyang napakunot-noo ako at tiningnan sila na parang nagtataka.
"W-what are y'all talking about?" takang tanong ko pero tiningnan lang nila akong nakakaloko.
"Kasi nga po, ma'am. Naglilinis kami kanina tapos bigla pong natabig ni Edgar, yung lumang litrato ni Jesus, na nakatambak doon sa likod sa may aparador tapos nung aayusin po sana namin, nahulog naman po galing sa loob nung frame itong picture." pagkwento ni Ara at may ipinakitang maliit na litrato.
Iniabot niya ito sa ibang kaklase niya, papunta sa harap ko.
Laking gulat ko nalang at kaagad ring napangiti nang makita ko kung sino ang nasa picture.
Ako at ang fiancee kong si Gio. Nakangiting naka-akbay ito sa akin at ginugulo ang suot kong wig habang ako naman ay medyo nakasimangot at nakanguso sa kaniya.
Lalo akong napangiti nang maalalang ito ang pinaka-first date namin ni Ulupong.
"Ma'am, hawig mo po yung babae hindi ba? Saka ang pogi po nung lalaki. Kilala mo ba sila ma'am?" tanong ni Mr. Villa. Estudyante ko.
Nginitian ko lang sila habang sila naman ay mukhang abang na abang sa sasabihin ko.
"Yes. Ito ang first date nina Sabrina at Gio." sambit ko dahilan para mag-ingay ang loob ng classroom.
"Sheemz! Iyon pala si Gio? Mas pogi pa pala siya kesa kay Sir. Lucas. WAAAAAH!"
"Grabi I can't believe na nakita ko ang picture nung kinekwento ni Ma'am."
"Ma'am, ano pong nangyari sa first date nila?" tanong naman ni Raymundo.
Na sinang-ayunan naman ng lahat ng kaklase niya. Gusto nilang ikwento ko ang first date namin ni Ulupong.
"Oo na, ikekwento ko na. Huwag na kayong maingay." natatawang sambit ko.
***Flashback**
"What the fuck? Stop it! Stop!" sambit ko habang hinaharangan ng sariling mga kamay ko, ang sarili ko.
Ibinabato kasi nila sa akin ang iba't-ibang pagkain nila at mukhang nag-eenjoy naman silang lahat lalo na itong ulupong, na nanunuod lang sa amin.
Tss! Siya kasi ang nag-utos nito. Laging ganito nalang ang nangyayari simulang sabihin niya na liligawan niya raw ako, ilang buwan na ang nakakalipas.
BINABASA MO ANG
Ang Ulupong Na Gangster (on-going)
Short StorySa buhay natin, dapat asahan na natin na may taong darating para manggulo sa buhay natin. Katulad nalang nitong mga bida sa kwento. Dumating ang lalaki sa buhay ni babae para lang mambwisit pero anyare? Ayon nainlove si babae. Pero gaano nga ba kata...