Chapter 1

41 2 6
                                    

  

    ~ Letty Sabrina Saparo's P.O.V ~

"Good morning, Ms. Letty." sambit ng aking mga estudyante pagkapasok ko sa classroom.

"Good morning!"

Nginitian ko naman sila bago sinenyasang umupo.

"Sit down." sambit ko at naupo narin sa harapan nila kung asan ang teacher's table.

Tiningnan ko naman ang dalawang upuan na napaglumaan na ng panahon, na nasa pinakasulok na kalinya nitong teacher's table ko.

"Ma'am." sambit ng isang estudyante ko, saka ito nagtaas ng kanang kamay niya.

"Yes, Mr. Ramores?" sambit ko.

"Ma'am, kasi po dalawang buwan nalang ay gagraduate na kami pero hindi parin namin alam ang kwento ng dalawang upuang 'yan sa sulok." sambit ni Ramores at itinuro pa ang dalawang silya na siyang tiningnan ko kanina.

"Kaya nga, ma'am. Kada papasok ka rito lagi mo silang tinitingnan tapos nangiti kapa. Minsan nga po naisip namin na may nakikita kang hindi namin nakikita e." dagdag pa ni Ms. Samonte. Isa rin sa estudyante ko.

"Saka ma'am, matagal na 'yan at sira na ang dalawang silya. Bakit hindi niyo pa ho pinapatapon?" dagdag pa ng isa.

Magsasalita na sana ako nang magsalita pa ang isang estudyante ko.

"Sabi ni Sir. Lucas, may kwento raw po 'yang dalawang silyang 'yan kaya hindi inaalis rito sa room. Pero ayaw naman pong ikwento sa amin ni Sir." sambit ni Danica kaya napangiti ako.

Si Lucas, talaga oh.

"Gusto niyo lang atang kwentuhan ko kayo eh, kesa ipaayos sainyo yung natitira niyong requirements for graduation?" natatawang sambit ko.

Medyo natawa naman rin sila.

"Parang ganun na nga po, Ma'am."

"Kwento mo na po, Ma'am."

"Ike-kwento na 'yan."

Pamimilit ng mga estudyante ko, kaya bahagyang natawa ako.

"Oo na. Sige na." natatawang sambit ko kaya naghiyawan naman ito.

*Flashback*

"Ms. Sabrina, please answer the problem number 2." pagtawag ng aming guro sa apelyedo ko at bahagyang iniabot ang chalk.

Tumayo naman na ako at naglakad papunta sa harap saka kinuha ang chalk. Sinagutan ko ang nasa #2 at saka naglakad pabalik sa upuan ko.

Nakita ko namang nakangisi sa akin ang lalaking kinaiinisan ko kaya inirapan ko ito. Nasa likuran kasi ng upuan ko ito nakaupo.

Saktong pag-upo ko.

"Prooooooot~"

Agad akong natigilan nang marinig ang tunog na iyon sa upuan ko kasabay nang pagtawanan ng mga kaklase ko.

Ang Ulupong Na Gangster (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon