Chapter 4

10 1 0
                                    

              ***Flashback***




"Sabrina!"

"Hey! Sabrina."

"Sabrinaaaa."

rinig ko sa paulit-ulit na pagtawag ni Gio sa akin.

"Ano ba?" inis na tanong ko pero nakakalokong ngiti lang ang ibinigay sa akin nito.

"Gusto ko nga kasing malaman kung anong ibig sabihin nung paghalik mo sa akin sa clinic, 2 days ago." sambit nito.

Bigla namang nag-init ang pisnge ko nang maalala yung ginawa kong paghalik sa kaniya sa clinic.

Bwisit kasi at hindi ko napigilan ang sarili ko. Matapos kong halikan siya ng halos isang minuto na gumanti rin naman siya, e agad akong umalis doon sa clinic na nakangiti. Ewan ko ba kung bakit? Basta iniwan ko nalang siya doon habang nakangiti rin at mukhang hindi makapaniwala.

"W-wala lang 'yon." sambit ko at nagtuloy-tuloy sa paglalakad papunta sa cafeteria.

Nagugutom na kasi ako tapos kanina pa ako nito kinukulit kahit sa classroom kanina.

Nagulat naman ako nang sabay-sabay na napatingin sa akin ang mga estudyante rito sa akin at mukhang may kalokohan na namang hinanda ang ulupong na ito.

Naalala ko naman 'yung nangyari dati dito sa akin na hinahagisan nila ako ng mga pagkain nila dahil sa inutos ni Ulupong kung saan nangyari rin yung first date namin nung araw na 'yon.

Agad akong napahakbang ng isang beses paatras kasabay nang paglipad ng isang itlog na galing kay...Lucas? Mabuti nalang at nailagan ko.

Nakangisi lang ito sa akin.

"Nanliligaw parin sa'yo ang kapatid ko, Sabrina. Sagutin mo na." natatawang sambit nito saka tiningnan ang ulupong na nagpapogi pa.

Naramdaman ko naman ang pagkuha ulit ni Lucas ng isang itlog kasabay ng ibang estudyante na may hawak ng iba't-ibang kaklase ng pagkain.

Damn! Sayang sila sa foods.

"WAAAAAAAAAAAH!" malakas na sigaw ko at saka mabilis na tumakbo habang iniilagan ang mga pagkaing ibinabato nila.

Rinig na rinig ko naman ang malakas na pagtawa ng mga estudyante na pinamumunuan ng magkapatid.

Mga bwisit!

Tumakbo ako sa may soccer field hanggang doon sa gilid sa may puno at doon nagpahinga sa bench.

"Damn! Akala ko h-hinabol nila ako." sambit ko habang hingal na hingal sa kakatakbo.

Ilang sandali lang akong nakaupo roon bago ko marinig ang isang boses ng lalaki.

"Hindi mo parin ba sinasagot si Gio?" tanong nito bago umupo sa tabi ko.

Sandaling umiling ako at tiningnan siya.

"Kaya pala mukhang pagod na pagod ka. Nililigawan kapa rin pala niya." natatawang sambit nito saka tumayo.

Muli itong humarap sa akin bago magsalita.

"Sagutin mo na si Gio, Sab. Ikaw lang ang nag-iisang babaeng niligawan niya sa tunay na paraan nang panliligaw niya." sambit nito at saka medyo ginulo ang buhok.

Tunay na paraan nang panliligaw ni Gio? Ang alin? Ang pangbubully?

Tumalikod naman na ito at nakakailang hakbang palang palayo humarap ulit ito sa akin.

"Nga pala, Sab. Gusto ko ring iparating na nanliligaw parin sa'yo si Gio." sambit nito at ngumisi.

Bigla akong nagulat sa sinabi nito at sa oras ring iyon, may tumamang nabasag na itlog sa damit ko.

Ang Ulupong Na Gangster (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon