***Flashback**"Gio! Isa, Gio!" inis na sambit ko rito.
"Akin na kasi 'yan!" pilit ko kasing inaagaw sa kaniya ang bag ko, na kinuha naman niya.
"Kunin mo muna sa akin." natatawang sambit niya at saka tumakbo.
Akmang hahabulin ko sana ito nang may mabangga akong isang lalaki.
"A-aray!" sambit ko nang tumama ako rito at biglang napaupo sa sahig.
"S-sorry, miss." sambit nito at umupo sa harap ko para makita ang mukha ko.
"I-ikaw?" sambit ko at napa-iwas ng tingin.
Siya kasi iyong lalaking hinarangan ko sa cafeteria para hindi madamay sa pang-bubully sa akin ni Gio, pero hinila naman ako ni Gio saka ipinagpatuloy ang pag-utos niya sa mga kapwa estudyante namin na batuhin ulit siya ng mga pagkain.
"Uy! Ikaw pala 'yan. Thank you pala sa'yo noon ah? You saved me sana kaso hinila ka ni Gio kaya wala rin." natatawang sambit nito kaya napatingin ako rito.
"S-sorry kasi nadamay k-kapa noon. Ako pala si Sabrina." sambit ko.
Ngumiti lang ito saka tinulungan akong tumayo.
"No worries, anyway I'm Lucas, Lucas Mo---" hindi na nito natapos ang sasabihin niya nang biglang may humawak sa braso ko.
"G-Gio." sambit ko.
Nakita ko naman itong matalim na nakatingin kay Lucas, na nakangiti naman sa kaniya.
"Anong ginawa nito sa'yo?" tanong ni Gio saka tumingin sa akin.
"W-wala. Nabangga ko siya kaya napaupo at tinulungan niya akong t-tumayo." sambit ko.
"Next time, huwag kanang lalapit sa lalaking ito." sambit nito at ibinigay sa akin ang bag ko.
"And you, next time huwag kanang lalapit sa babaeng nililigawan ko. Baka kasi agawin mo na naman katulad nina Alicia." nakangising sambit ni Gio kay Lucas kaya napakunot-noo ako.
agawin? Alicia? Huh? Anong ibig sabihin niya?
"Natatakot ka ba?" ngising tanong naman ni Lucas kay Gio.
And the next thing I knew, mabilis na bumagsak si Lucas dahil sa pagkakasuntok ni Gio.
"Shit! Gio, ano ba?" inis at gulat na sambit ko.
Nagtitinginan narin sa amin ang ibang estudyante.
Nilapitan ko naman si Lucas at tinutulungan itong tumayo pero marahas na hinila ako ni Gio paalis sa pwestong iyon.
"ANO BA, GIO? BAKIT MO SINUNTOK SI LUCAS?" inis na sambit ko rito habang hinihila ako nito.
Hindi lang ako nito sinagot sa halip ay marahas na hinihila parin ako nito.
Binitiwan niya lang ako nang makarating kami sa rooftop.
"SA SUSUNOD, HUWAG NA HUWAG KA NANG LALAPIT KAY LUCAS!" galit na sambit nito at inis na sinabunutan niya ang sarili niya.
Sino ba siya para sundin ko? Saka wala namang ginawang masama sa akin si Lucas, para hindi ko lapitan.
"BAKIT BA? HA?" inis na sambit ko.
Bumuntong hininga ito bago nagsalita.
"Basta." mahinahong sambit nito.
Kunot-noo ko lang itong tiningnan bago tumalikod.
"Tss! Kung wala kang matinong rason. Dito kana muna, pupuntahan ko si Luca--" hindi ko natapos ang pananakot ko nang magsalita ito.
"Lucas is my brother..." sambit nito kaya napatingin ako rito.
BINABASA MO ANG
Ang Ulupong Na Gangster (on-going)
Short StorySa buhay natin, dapat asahan na natin na may taong darating para manggulo sa buhay natin. Katulad nalang nitong mga bida sa kwento. Dumating ang lalaki sa buhay ni babae para lang mambwisit pero anyare? Ayon nainlove si babae. Pero gaano nga ba kata...