"Ma'am, lunch break naman po. Can you continue the story of Sabrina and Kuya Gio?" sambit ni Ramores, kaya agad akong napatingin rito.
"Itong si Rio, gustong-gusto ang kwento nina Kuya Gio. Nababakla ka kay Kuya Gio noh?" pang-aasar naman ni Kira kay Ramores kaya natawa ako.
"HAHAHA okay, I'll continue the story but first, be quiet." natatawang sambit ko and just by that.
Lahat ng estudyante ko, nanahimik.
Napapailing nalang ako at nagsimulang mag-kwento.
*Flashback*
Kasalukuyan akong nasa classroom ngayon, nakaupo. Ang boring ng araw ko.
Napatingin ako sa katabing upuan ko at hanggang ngayon, hindi parin pumapasok ang nakaupo rito na si Gio.
Simulang mawalan ito ng malay sa detention room noong isang linggo, ay wala parin akong balita rito.
"Uy! Kleo!" sigaw ko nang makitang pumasok na si Kleo.
Isang linggo rin itong hindi pumasok katulad ni Gio at isang linggo ko ring hindi nakita sa loob ng school si Lucas.
"Bakit, Sabrina?" tanong nito nang makalapit ito sa akin.
"Asan si Gio? Kumusta si G---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may pumasok sa loob ng room at todong nakangiti sa akin.
"Oy! Gio, hinahanap ka ng girlfriend mo sa akin. Kumusta kana raw?" Nakangising sambit ni Kleo kaya marahan ko itong sinuntok sa braso.
"ULOL! HINDI KO KINAKAMUSTA 'YAN NOH!" pagtanggi ko saka umupo.
Nakita ko naman ang lalong paglapad ng ngiti ni Gio. Putek! Ngayon ko lang na halata na pumayat ito ng konti at pero gwapo parin.
"Namiss na ata ako nitong girlfriend ko eh..." sambit ni Gio, saka naupo sa tabi ko. "Don't worry, Sab. Mas namiss kita." sambit nito at bahagyang ginulo ang buhok ko dahilan para mag-init ang pisnge ko.
Bwisit! Ano bang pinagsasabi nitong lalaking ito?
"Ulupong!" inis na sambit ko at saka inirapan ito.
"Sus! Namiss mo lang ako eh." sambit nito.
Jusko! Anong oras ba dadating ang teacher namin? Kanina pa ah!
"Hinihintay mo sub teacher natin? Huwag na. I told my mom earlier, na ayokong makinig sa mga lessons that's why walang pumapasok na teacher dahil sinabi ko rin na ayokong may pumasok na teacher ngayon rito." nakangisi nitong sambit.
Seriously? Paano naman kaming gustong matuto?
"Gago kang Ulupong ka, paano naman kaming gustong matuto? Kung ayaw mong matuto dapat hindi ka pumaso--" He cut my words and then he speak.
"Kung hindi ako pumasok edi mamimiss mo na naman ako?" sambit nito.
Hindi ko nga siya namiss! Myghad!
Tss! Okay- okay! Namiss ko si Gio.
"Ang kulit mong Ulupong ka! Hindi nga kita namiss." inis na sambit ko dahilan para marinig kong matawa si Kleo, na nasa likuran namin.
"Mag-syota palang kayo, pero mukhang papatayin mo na si Gio dahil sa inis mo." natatawang sambit nito kaya sinamaan ko ito ng tingin.
BINABASA MO ANG
Ang Ulupong Na Gangster (on-going)
KurzgeschichtenSa buhay natin, dapat asahan na natin na may taong darating para manggulo sa buhay natin. Katulad nalang nitong mga bida sa kwento. Dumating ang lalaki sa buhay ni babae para lang mambwisit pero anyare? Ayon nainlove si babae. Pero gaano nga ba kata...