May 24, 2006
Dear Diary,
I'm marrying him tomorrow. Ito ang pangarap ko simula pa lang noong bata ako pero bakit ang miserable ng feeling ko imbes na maging masaya ako? Siguro dahil alam kong hindi naman nya ko mahal. I love him so much, but his eyes could only see her. Buong buhay ko, kinukumpara ako sa babaeng yun at lahat sila sinasabi mas angat ako kesa sa kanya. Galing ako sa isang mayamang pamilya samantalang mahirap lang sya. I have a great family samantalang sugarol ang tatay nya at alcoholic ang nanay nya. Sabi nila, I have the most beautiful face any woman would kill to have. Sa ngiti ko pa lang, I can make any heart melt. Well, except for his heart. Hindi naman sya ganoon kaganda, ang ordinary lang ng itsura nya. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, he still loves her. Alam ko kung anong nakita nya sa babaeng iyon. She's tough. Gusto nya ang mga babaeng tough. She is my friend too at mahal ko sya pero hindi naman nya ako masisisi kung nagseselos ako. Sya ang mahal ng lalaking mahal ko.
Maraming beses kong winish to be in her place just to have him. Gusto ko ring mahalin nya ako. Noong bata pa kami, lagi nyang sinasabi sa kin na ayaw nya kong kalaro kasi weak ako. Hindi ako makatakbo ng hindi ako hinihingal. I'm a weakling, a crybaby. Lagi nyang sinasabi kin iyon. I hate him for that, pero I hate myself more dahil weak ako. Tuwing titingnan ko ang sarili ko sa salamin, I always feel bad. Ang putla ko, ang payat ko.
Hindi ko alam anong mangyayari sa buhay ko simula bukas. I'm more afraid than excited. Gusto kong maging masaya dahil mapapasa-akin na sya pero hindi ko magawa. Masasaktan ko sya. Masasaktan ko ang mahal nya. Isa pa, ang bata pa namin para magpakasal. I'm eighteen, he's nineteen. Nag-aaral pa kaming pareho. Hindi nya ko mahal, at hindi pa ko handa. How will our marriage work? Sana masurvive ko ito ng hindi masyadong nasasaktan.
Makikiusap uli ako kay Papa mamayang gabi. I'll convince him na walang mabuting maidudulot ang marriage na magaganap bukas. I am hoping na papakinggan nya ako. Ayokong ikasal sa isang taong hindi ako mahal kahit pa mahal na mahal ko sya.
__________May 25, 2008
Walang tigil ang pagluha nya hanggang nanlalabo na ang paningin nya. Ilang oras na syang nagddrive at hindi nya alam saang lupalop ng Manila na sya napadpad. Wala na rin syang pakialam. She just want to get away from the hell she's been through nitong mga nakaraang dalawang taon. Ayaw na nyang bumalik pa doon. She had enough. She doesn't deserve this. Ginawa nya ang lahat just to please him. Binigay nya ang lahat.
Pagod na sya. Pagod na sya sa lahat ng nangyayari sa buhay nya. Pagod na syang maging perfect para sa lahat ng tao pero parang wala pa rin syang ginagawang tama. Akala ng iba nasa kanya na ang lahat. Pero wala pa sa kanya ang pagmamahal ng taong pinakamamahal nya.
Gusto na nyang pagpahingahin ang pagod nyang puso.
Gusto na nyang matulog at wag ng gumising.
O kung magising man sya, sana ay makalimutan na nya lahat ng nangyari sa kanya. Lahat.
Then out of nowhere, nasilaw sya ng maliwanag na ilaw. Everything went surreal. Hindi nya alam kung anong nangyayari. Naramdaman nyang tumama ang ulo nya sa isang matigas na bagay. Napasigaw sya sa sakit. Duguan sya. Nararamdanan nya iyon. At bakit pakiramdam nya ay babagsak sya?
Tinamaan uli sya sa ulo, at napasigaw sya sa sobrang sakit. Pakiramdam nya ay mamamatay na sya.
Lahat ng nangyari sa buhay nya ay nagflashback sa kanya.
Ayaw na nyang maalala ang lahat ng iyon.
Gusto na nyang ibaon ang mga alaalang iyon sa limot.
Gusto nyang kalimutan ang lahat.
Gusto na nyang magpahinga.
Forever.
"I'm so sorry." Bulong nya nang makita nya ang imahe ng isang baby sa utak nya. "Sorry, hindi ko na kaya. Patawarin mo ko."
BINABASA MO ANG
Diana
General FictionDiana, Let me be the one to light a fire inside those eyes, You've been lonely, You don't even know me, But I can feel you crying, Diana, Let me be the one to lift your heart up and save your life, I don't think you even realize baby you'd be saving...