paghahanda

58 8 18
                                    

Ryan's P.O.V.

"STOP! STOP! I DON'T WANT TO DO THIS! GET ME OUT OF THIS PLACE! YOU, YOU MONSTERS! GET ME OUT OF HERE!"
"Next."
"NO, NO, PLEASE DON'T MAKE ME DO THIS!"

"Pfft, tingnan mo nga naman Mark, napaka-cliché naman ng mga pangyayari dyan. Then, may sasagip sa kanya na magiging katuluyan niya then happily ever after." halakhak ko nang lumingon sa TV.

"Eh malay mo, may nai-intrigue talaga sa mga ganyan" sabi ni Mark.

Nagsimula akong magbuhat ng mga bagong laba kong mga damit para ilagay sa isang maleta. Napalingon sa akin si Mark na parang kaawa-awa akong aso sa sitwasyon ko.

"Alam mo, tulungan mo nalang kaya ako dito sa mga damit ko, sabagay last day naman natin tong magkasama."

"HA, ANONG LAST DAY ANG PINAG-"

"-This year. Loko ka, akala mo kukunin na talaga ako ni Kamatayan? Magkikita pa tayo next year kung makakabakasyon pa ako doon sa sinasabi ng mga magulang ko."

"Bakit mo pa talaga kasi kailangan umalis? Eh maganda naman ang paaralan dito, atsaka kasama mo naman ako ah. Grabe naman yang magulang mo, akala nila wala kang kaibigan." biro ni Mark.

"Iyon ang sabi nila sapagkat mas gugustuhin daw nila ng isang 'grand' school para sa akin at para sa future ko."

"Ah, edi mag solo ka dyan ng impake."

"Di kita pinatuloy dito para ubusin ang pagkain ko ha."

"Sige na nga, mabuti nalang may mala-anghel kang kaibigan dito."

"Talaga? Talaga? T a l a g a?"

"Oo, oo, oo, wala ka pa ring jowa"

"Ito naman, wag naman tayo mag-totohan."

"Sige na nga, oh saan ba ito ilalagay?" tanong niya habang hinahawak ang isang necklace.

"Ha, saan mo yan nakuha? Wala akong natatandaang necklace sa checklist ko ah."

"Tanga, isama mo na 'to sa checklist mo, regalo ko to sayo para may anghel kang matatandaan."

"Oo na, oo na." mahinhin kong sinabi.

Itong si Mark, ilang taon ko na siyang nakilala, siya ang pinakamatalik kong kaibigan sa buhay ko. Gumawa pa nga kami ng promise na kami kami lang ang magiging best friend ng isa't isa, oh diba goals? Siya yung nandyan palagi tuwing wala akong makausap.

Nagluha ang mga mata ko nang isipin na halos isang taon ko di makakasama ang tangang kaibigan ko. Pinilit kasi ako nila Mama na sa 'Mauveville' daw ako titira kasi malapit doon sa school na hinahangaan nila. Para naman din ito sa akin, kaya gagawin ko nalang ang makakaya ko.

5 hours later...

"Ayan, halos tapos na ang checklist mo, ikaw nalang tumapos niyan baka may mga bagay ka pang nakalimutan. Aalis na ako't may gagawin pa sa bahay eh." sabi ni Mark.

"Ah sige, sige, salamat ha, wag mo ding kalimutang tumawag para di ako magmukhang tanga doon!" sigaw ko nang makitang pasakay na si Mark.

Naisipan kong umiglip muna upang may pangbawi bukas kasi ayokong maglakad doon sa airport na parang patay. Di ko pa nga alam yung 'Mauveville' na sinasabi ng mga magulang ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at nagpahinga.

3 hours later...

"Welcome to Mauville, isang paraiso~"
"Welcome to Mauville, ikatutuwa mo rito~"
"Welcome to Mauville, mabubuhay ka nang maginhawa rito~"
"Welcome to Mauville, isang paraiso para sayo~"

Gumising ako nang ito ang nag-play sa aking cellphone na ikinagulat ko. Napatingin ako sa oras at napansin kong... 15 MINUTO NALANG AT LATE NA AKO!

Agad-agad akong nagpalit ng damit. Medyas na di magkapareho, gusot-gusot na t-shirt at lawlaw na pantalon ang naisuot ko sa pagmamadali. Tumawag ako ng taxi upang ihatid ako.

"KUYA SA MAY AIRPORT LANG PO, PAKIBILISAN LANG PO!" sigaw ko sa driver na halos ma-heart attack sa tono ng boses ko.

Mabuti nalang nakarating ako sa airport nang di nahuhuli kasi kung nahuli ako, kakatayin talaga ako ng mga magulang ko sapagkat halos 30,000 pesos ang ticket.

Nakasakay ako sa airplane nang maayos sapagkat mas anghel pa ang crew service doon kaysa kay Mark. Nakaupo ako't ikinalma ang sarili. Napansin ko lang na napakabadoy ng suot ko at tumawa nang mahinhin. Aba syempre doon ako malapit sa bintana kasi gusto kong makita kung saan ako dinadala ng mga magulang ko.

Napalingon ako sa mga kasama ko sa eroplano at di ako makapaniwala sa nakatabi ko.

Mauveville AnecdotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon