lockdown

16 3 0
                                    

Hindi ako makahinga nang maayos dahil sa mga pangyayari. Mukhang may nangyayari sa hallway pero di ako maka-focus dahil sa kaba.

"Good afternoon students. This is Ma'am Z from the faculty currently reporting about the happenings." sabi ni Ma'am Z mula sa speaker ng classroom.

Mukhang mas kumalma ang mga kaklase ko pero halata pa rin sa kanilang mga mukha ang kaba.

"J-Jinnah?" tahimik na pagtawag ko.

Nakatutok ang kanyang mga mata sa lugar na di ko alam. Sa pinto? Sa sahig? O sa lamesa? Basta mukhang busy siya sa kakaisip.

"Okay students, listen up. There is a stranger in the building so be careful or else. He is reported to have a gun in his hands however the military force is going to take him and- okay, that's all." pagpapatuloy ni Ma'am Z.

Tinapik ko si Jinnah para makuha ang atensyon niya. Gusto kong magtanong kung ano ang nangyayari.

"Jinnah, Jinnah, Jinnah, ano nangyayari?"

"H-hindi ko alam, pero paparating na siya."

"Sinong siya?"

Rinig na rinig ang mga tapak ng isang tao sa labas ng room namin. Bigla itong huminto sa paglalakad.

Isang napakalalim na boses ang aming narinig mula sa labas ng room namin. Medyo lasing ang tono ng kanyang boses.

"RUBLINE HIGHSCHOOL, masaya akong bumalik sa impyernong ito. Ma'am Z, paumanhin ngunit kailangan ko munang mag-speech dito upang maliwanagan nga ang mga students." sabi ng gunman.

Biglang nagsitayo ang balahibo ko sa takot sapagkat isang bala lang ang makakapagtapos ng buhay ko. Ngunit, interesado ako sa kanyang sasabihin.

"STUDENTS, alam niyo ba? Alam niyo ba ang totoong plano ng lugar na iyo sa inyo? Yung Event Horizon? ABA, doon kasi ako dapat ngayon pero tumakas ako. Tumakas ako dahil alam kong PAPATAYIN NILA AKO. Wag na wag na kayong sumama sa Event Horizon dahil kamatayan lang ang makukuha niyo! Kitang kita ng dalawang mata ko ang mga pangyayari at di ako maaring magkamali!"

Parang nababaliw na ang gunman sa kanyang mga sinasabi pero parang mas naniniwala ako.

"UMALIS NA KAYO SA SIYUDAD NA ITO PARA MABUHAY PA KAYO!"

Rinig na rinig ang mga taghoy ng lalaki na parang nasasaktan na siya.

Biglang nagkaroon ng katahimikan mula sa hallway. Tahimik ang buong paaralan. Tahimik si Jinnah, Alliane at  ang lahat.

Gusto kong umiyak. Gusto kong sumigaw ng tulong pero takot ako. Ginusto ko ba talaga dito? Ginusto ko bang ganito ang mangyayari sa akin?

Gusto kong...

Gustong-gusto kong...

Umalis.

Gusto kong umalis sa impyernong ito.

Bigla akong tinapik ni Jinnah.

"Ryan? Okay na ang lahat. Ryan? Hellooo? Nandyan ka pa ba?" bulong ni Jinnah.

"Oo." sagot ko.

"Naaresto na ang lalaking may hawak ng baril kaya okay na ang lahat. Nangyari na ito dati kaya medyo sanay na ako."

Lumabas na kami mula sa aming room. Mukhang walang nangyari sa hallway dahil sa matinding paglinis ng mga katauhan ngunit ramdam ko pa rin ang aura ng nangyari.

"Students."

Napalingon ako sa likod at nakita si Ma'am Z kasama ang kanyang napakalaking ngiti parang sapilitan lang. Suot na suot niya ang lilang uniform niya na may kuwintas na hugis susi.

"Students! Ah, I will gladly apologize from the happenings today. I promise you that this won't happen again. So, what happens today, must stay for today." matuwang pagkakasabi ni Ma'am Z.

"So, what are you waiting for?'

Ha? Ano pa ba ang aantayin namin? Tapos na ang lahat diba?

Biglang nagsilabasan ang mga estudyante sa building. May ibang nagpaiwan pero madami ang lumabas.

"A-anong nangyayari?" tanong ko kay Jinnah.

"Ah, lumalabas kami kapag may krimen na nangyari dito para tingnan nang masama ang kriminal. Uri na iyon ng ganti namin sa mga kriminal dito." sagot ni Jinnah.

Wala akong magawa kundi sumabay nalang din kasi naiintriga ako dun sa lalaki. Yung mga katunungan ko kanina ay mas dumami dahil dito.

Lumabas kami at nakita ang lalaking nakapusas. Nakatingin siya sa ibaba dahil pinag-aasar siya ng mga estudyante, minumura at pinagkakagalitan.

Bigla naman siyang tumingin sa akin at kitang kita ko ang kanyang mga mapupulang mata na mukhang madami na ang pinagdaanan. Parang tumigil ang oras at nag-usap kami gamit ang mga mata. Sa huling saglit ay may gusto siyang ipaalam sa akin ngunit dinala na siya sa prisinto.

Kakaiba kasi parang naintindihan ko ang nangyari base sa kanyang mga mata at mukha. Mukhang idinaan siya sa isang eksperimento na naging palpak.

Bumalik sa akin ang kanyang mga salita kanina, tungkol sa Event Horizon. Maari bang yun ang epekto ng Event Horizon? Pero dapat nagpapagaling ang Event Horizon di ba?

"Hoy."

Maari bang makatulad si Roshley sa kaniya?

"HOY!"

"HA? HA? HA? ANONG NANGYAYARI?!"

Napalingon-lingon ako sa aking paligid para mahanap ang pinanggagalingan ng boses na iyon pero si Alliane lang naman pala.

"Tanga ka pala eh. Kanina pa ako tawag nang tawag sayo pero walang kasagot sagot. Wag ka ngang magduduwag-duwagan dyan, daig ka pa ng babae eh."

"Ito naman, masama kaya ang manggulat ng taong lutang."

"Napakamalas mo nga naman. First day mo pero ganito kaagad? Kaawa-awang nilalang."

"Edi waw, ikaw na ang matapang at masuwerte."

"Sige na nga. Aalis na ako dahil madami pa ang gagawin."

Lumisan na si Alliane sa aking harapan at naglaho na parang bula. Ngayon ko nga lang nakikita na maganda nga pala talaga si Alliane.

"Ryan! Nandyan ka lang naman pala! Kanina pa ako hanap nang hanap sayo! Akala ko naging gunman ka na din." pagmamadali ni Jinnah.

"Maaring may pagkademonyo ako pero di naman ganun kasama. Sige na, alis na nga tayo. Hilong hilo na ako sa mga pangyayari."

1 hour later...

"Grabe ang mga pangyayari ngayon diba? Kung ako pa nga lang sa sitwasyon mo, baka nahimatay na nga ako eh."

Kausap ko si Roshley sa Messenger dahil gusto ko pang magtanong pero mukhang kung saan saan na lang ang pinag-uusapan namin.

"Kaya nga. Oh, handa ka na ba sa Event Horizon mo bukas? Parang wala ka namang sakit." pag-aalala ko.

"Handa naman talaga ako. Sigurado naman ako na malusog ako. Atsaka, sino naman din ang maniniwala doon sa gunman kanina? HAHAHA, mga tanga lang. Sige gawa muna ako ng report, byee." pagpapaalam niya.

Waw, oo nga, yung sinabi ng gunman. Totoo ba yun? Pero magmumukha lang naman akong tanga.

Pero kung idugtong-dugtong mo naman ang mga ebidensya, totoo naman talaga. Hindi ako maaring magkamali pero...

Oo nga, hindi naman talaga totoo. Si Roshley na nga ang nagsabi tapos wala naman ding sinasabi si Jinnah tungkol dito.

Teka, sundan ko kaya si Roshley sa Event Horizon? Hindi naman sa stalker ako pero curious lang ako, yun lang.

[*L*]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mauveville AnecdotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon