first day

29 5 3
                                    

*beep beep beep*
Itinaas ko ang aking kamay at pinindot ang alarm clock. Ibinukas ko ang aking mga mata para makita ang mala-bughaw na kulay ng labas mula sa aking bintana. Tumayo na ako mula sa aking kama at nagsimula ng nag-ayos sa aking sarili.

Nang binuksan ko ang shower, agad agad na bumuhos ang tubig na sinlamig ng yelo ngunit sanay naman ako. Nang natapos ako ay binuksan ko ang cabinet upang magbihis. Kinuha ko ang malinis na uniporme ng Rubline Highschool na nakuha ko lang kahapon. Tumingin ako sa orasan.

"5:04 AM? Parang masyadong maaga naman."

Tiningnan ko ang handbook ng paaralan at 6:00 AM ang simula ng klase at 2:00 PM ang katapusan nito.

Tumingin ako sa bintana at napansin na nakahanda na si Jinnah. Kumaway ako na umaasa na baka kumaway din siya.

Wala. Nagmumukhang tanga lang ako dito.

Kumain na ako ng simpleng almusal na may kanin at malasadong itlog.

Inihanda ko na ang aking mga libro, notebook, at iba pa. Sabagay meron namang lockers doon. Halos isang tao nga ang pwedeng magkasya doon.

Sumakay na ako sa elevator ngunit di ko pa rin maalis sa aking isipan ang nakasulat sa sahig nito kahit nalinis na. Tuwing iniisip ko ito ay mas kinakabahan ako.

Sinalubong ako ng mga bagong mukha sa recipient area. Tumingin sila sa akin at yun lang.

"Good Morning?" bati ko.

"Oh, good morning sir." bati ng lalaki.

Tiningnan ko ang lalaki at may "Rodni" sa kanyang name tag. Tiningnan ko naman ang babae na may "Bubbles" sa kanyang name tag.

Di naman sa weird ang pangalan niya pero Bubbles? Halos wala ngang kasaya saya ang mukha niya.

"Good morning sir. Sorry if medyo galit kami ngayon, sadyang lack of sleep lang talaga. Anyways, have a safe trip to Rubline." anyi ni Bubbles.

Lumabas ako at kitang kita ko ang lila na kulay ng langit. Nagsimula na akong maglakad papuntang Rubline Highschool ngunit kinalabit ang atensyon ko ng boses ni Jinnah. Lumingon ako at nanibago sa kanyang suot sapagkat sanay akong makita siyang naka-sombrero na may jacket.

Sabay na kaming naglakad at napansin kong napakatahimik niya ngayon, mukhang may malalim siyang iniisip. Sa sobrang pagkatulala niya ay di niya napansin ang kotse na humaharurot sa likuran niya. Agad kong hinila si Jinnah palayo sa daanan.

Lumabas sa kotse ang isang babaeng nakasuot ng Rubline Highschool uniform. Mahaba ang kanyang buhok at mala-lila ang kanyang mga mata tulad ng langit ngayon.

"ANAK NG-! DI BA KAYO TUMITINGIN SA DINADAANAN NIYO? WALANG HIYA!" sigaw niya.

Bumalik kaagad siya sa kotse at nagpatuloy. Tiningnan ko si Jinnah pero parang wala siyang pakialam sa nangyari.

"Classic Danyssa. Galit pa rin as always." kalmadong sabi ni Jinnah.

"Ayos ka lang? Mukhang wala kang pake sa nangyari samantala ako rito parang nasa dulo na ng kamatayan sa pag-aalala!"

"Wag mo ako alahanin. Ganito talaga ang mga tao ngayon. Masanay ka na, ang galit ay galit."

Dannysa yata pangalan nung babae. Mukhang may pinagdaanan ang dalawang ito.

Dumiretso si Jinnah at nakabuntot nalang ako. Nang nakarating na kami ay hinarangan kami ng guard at tiningnan ang mga bag namin.

"Huh, kakaiba." bulong ko.

"Ganyan talaga yan para maiwasan ang nangyari dati."

"Ano pala nangyari dati?"

"Ah, Accident-264. Wag na natin yan pag-usapan."

Pumasok na kami sa malaking building ng paaralan at nakita ang estudyante na nakatingin. May ngumiti, may walang pake at may masama ang tingin. Isa sa ngumiti ay si Alliane na may kausap na lalaki.

Tumungo kami sa mga locker namin at naglagay ng mga gamit. Mabuti nalang magkatabi ang locker namin ni Jinnah pero sa kaliwa ay may tag na 'Herald'. Tiningnan ko ang handbook at tiningnan ang mga schedule. Una ang Science.

Nagring kaagad ang bell na senyas na tumungo na kami sa mga silid-aralan namin. Tiningnan ko ang nasa pintuan ng silid na may nakasabing 'Section 1'. Umupo ako sa isa sa mga lamesa na malapit sa bintana. Umupo si Jinnah sa likod, si Alliane sa 2nd row at yung Dannysa sa pinakaharapan. May umupo na babae sa katabing lamesa ko. Nakasalamin siya at kulot ang buhok.

"Pangalan." sabi niya.

Waw, is this interaction? Grabe parang kinuha na ang kaluluwa ko sa kaba. Malay mo assasin pala ito tapos mamaya ay papatayin na ako.

"Ha, uhm, ah, Ryan?"

"Ah ikaw pala yung baguhan. Anong mga alam mo?"

"A-ah, okay lang ang math, medyo nahihirapan sa science at-"

"Hindi, hindi, may alam ka ba rito?"

"Anong alam?"

"Baguhan ka nga talaga."

Mauveville AnecdotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon