HA! Kalma self, kakatapos lang ng science class tapos parang isang milyong brain cells ko ang namatay. Di ko na kaya ito, gusto ko ng umalis!
Habang nagdadrama ako dito, napansin kong paalis na ang mga estudyante patungong recess. Kami nalang dalawa ni Alliane ang natitira sa room.
"So kamusta ang first class mo dito?" tanong niya.
"Ah, sabihin nalang nating mukhang kailangan ko ng bumili ng panibagong ticket. Di ko na kaya dito."
"Aba, ganyan talaga ako nung una pero tingnan mo ako ngayon, parang sisiw na nga lang ang mga lessons dito."
"Edi wow, ikaw na yung matalino."
Tumulala ako nang sandali. Tapos parang may parte sa akin na gusto pang makipag-usap sa kanya na tungkol sa isang bagay na di niya inaasahan na tatanungin ko.
"Alliane, may alam ka ba dito sa Mauville?"
Biglang tumahimik si Alliane. Nag-iba ang atmospera ng classroom.
"Bakit mo naitanong yan?"
"W-wala lang. Mukha kasing matagal ka nang nandito tapos madami pa akong katanungan, tulad ng paano ginawa itong lungsod?"
"Well, it started off as a resort na ginawa ng mga Nolancos, then nag-sky rocket into an actual city, an artificial city. Alam mo ang mga Aztecs? It was like Tenochtitlan all over again."
Iba talaga ang mga matatalino, pero may point siya.
"Kung may mapansin ka mang kakaiba sa siyudad na ito, wag ka mag-alala, mga tests lang yun ng mga scientist dito." dagdag niya.
"Alliane, kilala mo ba si Jinnah? Mukha kasing matagal na din siyang nakatira dito."
"Jinnah? Hindi ko siya kilala. Weird nga eh kasi halos kilala ko na ang lahat na nandito. Nagtataka lang ako kay-"
"Kay sino?"
"Sa bestfriend kong si Jade."
"Bakit pala? Sino itong Jade?"
"Siya yung childhood friend ko dito. Araw araw ko siyang kausap at kalaro ngunit nang lumisan ako para sa Drizzletown, bigla lang siyang nawala na parang bula."
"Sandali lang, may relasyon pa ang pamilya mo sa mga Nolancos?"
"Ah, paano ba ito sasabihin? Ah, eh, oo?"
"Sabi na nga ba, mukha kasing alam mo ang lahat lahat tungkol sa kanila."
"Maaring pinsan ko si Kevin Nolanco pero wala talaga kaming usap-usap ng mga nakaraang taon. Kakaiba nga kasi nung bata pa kami ay napakadaldal niya."
"Si Carlo Nolanco?"
"Ah si Carlo. Di ko pa siya nakakausap pero mukhang masungit naman kaya di ko na pinag-effortan. Sadly, pumanaw na siya noong 2010."
*Ringing*
"Mukhang oras na para sa Math. Ihanda mo na ang sarili mo haha." putol ni Alliane.
Biglang dumating yung babaeng nakasalamin.
"Mukhang napakalalim ng mga pinag-usapan niyo ah. Pawis na pawis ka nga." bulong niya.
"H-hindi ah. Sadyang mainit lang, naninibago lang sa uniform."
"Roshley nga pala."
"Ngayon, naliwanagan ka na ba dito sa Mauville?""Hindi na ako sigurado dito. Mukhang patibong lang ang lahat na nandito!"
"Magaling. Matalino ka nga."
BINABASA MO ANG
Mauveville Anecdotes
Mystery / ThrillerRyan, a 19 year old student from his home town, moved into an apartment in the weird city called Mauville. As he roamed around the city, making first expressions, he met someone that would eventually play a big role in his life, a role that would ch...