Isang napakalaking building ang inabutan ng aking mga makukulit na mata. Biglang bumaba si Alliane mula sa aming sinasakyan.
"Sandali lang. May aasikasuhin muna ako."
Naiwan nalang ako at yung driver. Mukhang may tanda na din yung driver ngunit di pa rin nawawala ang talas ng kanyang paningin. Nasa backseat ako naglulutang-lutangan nang kinausap ako ng driver.
"Kamusta dyan, Reyan?"
Reyan? Gets ko na medyo matanda na siya pero sakit ng matawagan nang mali.
"Ah, Ra-yan po, kaklase ni Alliane dati. Okay lang naman po ako, medyo pagod dahil malapit na akong mahuli doon sa flight ko."
"Ah ganoon ba? Oh sya nga, saan ka ba titira? Sa mga magulang mo?"
"Ay, sa apartment lang po ako kasi nasa ibang bansa po ang mga magulang ko na naghahanap-buhay. Malaki naman din po yung binibigay nila sa akin kada buwan."
Nagkaroon ng maikling katahimikan nang naging seryoso ang atmospera ng aming usapan.
"I-ikaw lang ang titira dito?"
"Ah, opo."
"Hayst, isa lang ang masasabi ko sa lugar na ito. Mag-iingat ka talaga, wag na wag kang magpapadala sa mga salita ng iba."
Patay, yan pa naman ang kahinaan ko, ang pagiging uto-uto. Ngunit, nandyan na naman sila sa pag-iingat sa siyudad na ito. Hindi ko alam bakit nila sinasabi na parang may halimaw dito sa Mauville.
"Oh sige, saan ka ba titira?" putol ni Alliane sa aming usapan.
"Ah eh, w-wala pa akong napaplanuhan eh."
"Kawawang bata nga naman oh. Mr. Ranzera, sa may Horizon Street nalang po."
Kakaiba rin ang mga pangalan ng mga kalsada at lugar dito. Hindi katulad sa amin na puro panglarawan na salita ang ginagamit tulad ng 'Masipag' at 'Makisig' Streets.
"Trust me. Madami kang makikita na apartment doon. Sabagay mayaman ka naman eh."
"Sige, salamat Allia-"
"Welcome."
Mood swings yata ang nararansan nito eh. Pero sabagay, suportado naman ako ng mga magulang ko sa edukasyon ko.
15 minutes later...
"Narito na tayo, sige layas na."
"Sige na nga. Salamat ulit."
Kumuha ako ng sulyap sa aking kapaligiran. Mapapansin mo na maaliwalas ang lugar na ito dahil sa plaza na malapit dito. Kakaunti lang ang mga sasakyan dito dahil hindi naman ganun kalaki ang lugar na ito. Nagtungo ako sa dalawang magkatabi na apartment.
Ang isa ay tinatawag na 'Ruby Apartments' na kulay pula. Mapapansin mong pinagtuunan ito ng katalinuhan dahil puro teknolohiya ang nagpapa-andar ng mga kagamitan dito. Ang isa naman ay tinatawag na 'Sapphire Apartments' na kulay asul. Halata rito ang mga magagandang halaman na nagsisilbing palamuti. Kilala ang building na pagiging tahimik at maayos.
Naputol ang pagiging matulala ko nang may humarang sa akin na babae. Mahaba at kulay itim ang kanyang buhok na pinaparesan naman ng kanyang itim na suot. Mukhang may terorista yata dito eh.
"Excuse me." sabi ko.
Tumingin siya sa akin at tinatarayan ako.
Bigla tuloy akong lumipat sa kanyang harapan para mas makita pa ang mga detalye ng building.
"Excuse me." sabi niya.
Tumingin ako sa kanya at tinarayan siya.
Mahina niya akong binangga sa aking gilid para makabasa pero nakakabasa pa rin ako.
Aba, di ko naman siguro kasalanan na isang poster lang nag nakalagay sa chipboard.
Napagdesisyunan ko na sa Sapphire Apartments nalang ako dahil mas maaliwalas dito at maaring makapag-ipon pa ako ng pera. Nang papasok na ako, nakita ko si black-hair na papasok na sa Ruby Apartments. Sana all rich kid.
Nang ako'y nakapasok ay sinalubong ako ng isang lalaki na may 'Marl' na name tag.
"Finally, a customer. Welcome to Sapphire Apartments that bloom until you leave. You may inquire in the counter over there." sinabi sa isang malalim na boses.
Itinuro niya sa akin ang counter kung saan ako pwede maghanap ng jowa- este, mag-inquire pala.
Lumapit ako sa counter at sinalubong ako ng isang babae na nakaupo habang nakataas ang paa. May 'Chloey' ito sa kanyang name tag.
"Good day Ma'am, may I inquire for an apartment?"
"Ah yes, upo ka muna, I'll get the papers."
Nagmasid ang aking mga mata sa loob ng building. Mapapansin mong nakaayos lahat ng bagay dito. Napakalinis rin ng sahig na halos pwede mo ng gawing salamin. Actually, di ko alam paano mag-inquire o ganito-ganyan pero may nabasa akong article rito na medyo kakaiba ang paraan ng apartments nila. Ang inaasahan ko ay parang may mga bahay na ngunit parang hotel kamo ito. Parang condominium or ano, tulad ng sabi ko, di ko alam ang mga bagay na ito.
1 hour later...
Walang hiya, ayaw ko ng maulit yun. Parang tanga ako kung makipag-usap pero at least, natapos ko na ang lahat. Sinamahan ako ni Marl papunta sa dorm or apartment ko.
"Salamat."
"You're welcome sir."
Nakita ko ang pinto ng aking apartment na may tatak 'R-18'. Pagpasok ko ay namangha ako nang parang bahay kamo ang apartment na ito. May kitchen, bathroom at may kama na nakahanda na. Napansin ko ding may mini-balcony rin ang labas nito na kung saan ay makita mo ang kalahati ng Mauveville. Mabuti nalang at kinaya ng bulsa ko ang mga gastusin ko rito. Bumagsak ako sa kama at huminga nang malalim. Nagpalit din ako ng suot dahil magpapa-enroll pa ako sa Rubline Highschool.
Umupo ako sa kama at nagcellphone muna nang may narinig ako putok sa malayo. Tumingin ako sa balkonahe at nakita ang pagsabog ng isang building na nasa katubigan. Wala akong napansing tao na nagpapanic kaya bumaba ako mismo sa recipient counter at wala pa ring nagpapanic. Lumapit sa akin si Marl.
"May problema po ba sir?"
"A-Anong problema?? Di niyo ba napansin ang sumabog na building doon?"
Nagtinginan si Marl at si Chloey na mukhang alam na kung anong ibig sabihin ko.
"Ah, ayun. Nangyayari yan every 2 years dahil sa mga makinang sinusubukan nila. Don't worry masasanay ka din." sabi ni Chloey.
"Every paradise has its own flaws." sabi ni Marl sabay talikod.
Bumalik ako sa room ko at nagpakalma. Isang pagsabog na parang normal lang sa kanilang mga mata? Tawagin mo akong impressed pero weird. Tapos sinamahan pa ng sinabi ni Marl na "Every paradise has its own flaws." na parang may something itong Mauveville. Walang news flash o ano man ang sumalubong sa akin.
Paraiso nga ba talaga ito? Meron bang nangyayaring kababalaghan dito? O nagpapanic lang talaga ako?
BINABASA MO ANG
Mauveville Anecdotes
Mystery / ThrillerRyan, a 19 year old student from his home town, moved into an apartment in the weird city called Mauville. As he roamed around the city, making first expressions, he met someone that would eventually play a big role in his life, a role that would ch...