Chapter 6

136 9 5
  • Dedicated kay Abby Layugan
                                    

Chapter Six

What Hurts the Most by Rascal Flatts (Cover by Austin Mahone) 

Syenna's POV

"Hayop ka talaga Cole Asthon. Argh.. Ang bigat naman nito." kasalukuyan ako ngayong naglalakad papunta sa Seniors and Juniors building kung saan ang SC office habang buhat buhat yung malaking teddybear at roses. Pagkatapos kase ng program iniwan na ako ng damuhong Cole Ashton kaya mag-isa ko tong binubuhat at iaakyat sa SC office.

Nagulat ako ng may biglang kumuha ng teddy sakin at nakita ko si Caden na walang kahirap hirap na binubuhat yung teddy bear habang nauuna siya sakin. Agad naman akong tumakbo para habulin ito.

"Thank you." sabi ko sakanya nung magkasabay na kami. Hindi naman ito nag salita.

Tahimik lang kami habang naglalakad, hindi ko naman mapigilan hanga-an ang height nito. He was tall kahit mas matangkad si Cole natatangkaran parin ako dito, siguro dahil narin maliit ako. Hanggang balikat lang ako ni Cole habang hanggang baba lang ako ni Caden.

Pagdating namin sa second floor kung nasaan ang SC office agad kong sinusian ang pinto at pumasok. Pumasok rin si Caden at binababa yung teddy bear sa upuan ko.

"Thank you ulit." sabi ko sakanya na may kasamang ngiti.

Tinignan niya lang ako at nag shrug sabay lumabas na.

Ako naman inayos ko yung teddy bear pati yung roses at hinanap yung mga paper na kailangan nila Chey. Pagkakita ko naman dito, agad ako itong nilagay sa bulsa at lumabas na.

Nagulat ako ng makita ko si Caden na nakasandal sa may pader at naka pamulsa. Ngumiti nalang ako dito at naglakad na kase baka tatambay lang siya pero naramdaman kong nakabuntot siya sakin kaya nilingon ko ito.

"Inaantay mo ako?" tanong ko at medyo binagalan ang paglalakad para magkasabay kami at tumango tango lang ito kaya tahimik kaming nag lakad at paglabas nang building humarap ito saakin at nagsalita.

"Don't be fooled easily. Hindi lahat nang nagbigay nang tulong malinis ang intensyon." sabi nito at naglakad palayo.

Napaisip naman ako sa sinabi nito. Medyo weird rin talaga ito kaya pinag walang bahala ko nalang.

*Beauty queen...*


Kinuha ko naman yung cellphone sa bulsa ko at agad na sinagot ito ng hindi tinitignan ang caller.

"Hello?"

"Asan ka ba? Kanina pa kita inaantay dito sa gym."

"Who you?"

"Your boyfriend."

"Anong ginagawa mo jan?"

"Ang sabi ni Scott ikaw daw yung magbabantay nang game."

"Oh fudge. Oo nga pala. Sige, pupunta na ako." sabi ko sabay baba ng tawag at takbo papunta sa gym.

I'm Inlove With A Rockstar (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon