Chapter Eight
Syenna's POV
"Oh. Syenna bakit ang aga mo?" tanong sakin ni Karell pag pasok palang nito sa SC office.
Nag angat naman ako ng ulo mula sa pag-idlip.
"Sabi kase ni Sir. Lazaro, first thing in the morning mapasa ko na agad yung records nang mga nanalo. Pero until now wala parin si Sir." sabi ko sabay kusot nang mata ko. Kaninang 6 pa kase ako dito. 8 talaga ang oras nang pasok namin pero dahil maaga pumasok Sir. kailangan ko rin pumasok nang maaga. Tapos 7:00 palang ngayon.
"Ayyy, omg. Syenna, sorry talaga. Kase nung umuwi kana nakasalubong ko si Sir. sabihin ko daw sayo na may celebration yung mga teacher kaya okay lang kahit hapon mo na maipasa. Hanggang recess kase tayo walang teacher. Eh nalimutan ko mag text. Sorry talaga Syenna."
"Ano kaba okay lang." sabi ko. Matutulog sana ulit ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.
"Hello?"
"Pumunta ka dito sa room namin, dito ka matulog."
Sabi sa kabilang linya at binababa agad ang tawag. Tumayo naman ako at nag paalam kay Karell at nag lakad na papunta thirdfloor sa section nang Hermes habang nakasabit yung backpack ko.
Pagdating ko naman dun agad kong nakita si Cole na nakaupo sa may right side sa likod habang may binabasang libro. Kakaunti palang ang estudyanteng andun. R.O.D lang na busy rin matulog at lima pang iba na busy sa pagku-kwentuhan pero pagkakita sakin agad tumahimik. At dahil sa gustong gusto ko ng matulog, agad akong naglakad papunta sa harap nang table nito at nag angat naman agad ng tingin si Cole at hinila yung lamesa at upuan sa right side nito palapit dito at doon ako pinaupo. Pagkaupo ko agad akong yumuko at umidlip.
Nasa malalim akong pagtulog nang may marinig akong sigawan at pag tingin ko nakita kong magkaharap sina Cole at Yuan na nag susukatan nang tingin habang nakatayo sa may harap nang classroom kahit ang mga classmates nang mga ito ay nakalibot sa mga ito at pag tingin ko kahit si Yves at Keen ay nag susukatan rin nang tingin. Tapos sila Terrence and Caleb naman busy sa pinapanuod sa cellphone at nag tatawanan pa. Sila Cedric at David naman busy sa pagkain nang junkfoods na akala mo nanunuod nang match na nag pupustahan pa.
"What? Jealous?" tanong ni Cole kay Yuan na may nang aasar na ngiti.
"Me? Jealous? Bat naman ako mag seselos eh nag pasawaan ko na rin naman si Syenna." sabi rin ni Yuan kay Cole. Nasaktan naman ako sa sinabi ni Yuan. Ginawa niya lang akong laruan.
Pagtingin ko naman kay Cole naka kuyom na ang kamay nito at handang handa ng suntukin si Yuan. Kaya agad akong lumapit sa mga ito at hinawakan ang kamay ni Cole.
"Babe, go back to sleep." sabi nito habang nakatingin parin nang masama kay Yuan.
"Cole please. He's not worth it." sabi ko naman kay Cole at hinihila ito papunta sa upuan nito. Pagtingin ko naman kay Yuan masama ang tingin nito samin.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With A Rockstar (EDITING)
Подростковая литератураThe Rockstar and Miss prim and proper in a relationship?! Meet the student council president, Syenna Therese Yu who wants to take revenge to her playboy ex boyfriend Yuan Gosieco with the help of popular rockstar Cole Aston Harris.