After 184026392638 years.. And update again! Hi guys! Sobrang tagal na ng last update ko. Hayszxc.. Anyways, enjoy again!
------------------------------------------------------
Nadine
Hay.. Umaga na naman! Yas! Makikita ko na naman si James.. Nagtataka lang talaga ako kung bakit hindi sya nag ta-Tagalog? Turuan ko kaya, yieee.. Can't wait!
* On school gate *
"Nadine! Hey!" Ayan na syaaaa!!
"Oh! Grabe! Nakaka-gulat ka ha!" React ko.
"Yeah. Hahaha... He-"
"Uy! Oo nga pala, naaalala mo ba kahapon, nung tinanong kita kung bakit 'di ka nag ta-Tagalog? Regarding dun, gusto mo ba'ng turuan kita? " ito na!
"What? Are you serious?"
"Ay.. Hindi! Hindi ako seryoso! Natutuwa ako grabe!" Pilosopo ko'ng sagot.
"Syempre , seryoso ako! Gusto kitang tulungan!"
"Really? But, what for?" tanong niya.
"Ahhh.. Basta, secret ko na lang un!"
"Fine."
"Oh, nga pala, mauna na ako ha! Baka kasi mahuli na rin ako sa klase! Bye! Kita na lang tayo mamaya ha!"
"Sure! Bye!"
Hay, wala na naman sya sa tabi ko, hala! Baka naman pumupunta lang ako dito para kay James? Oh? Hindi noh! Sige na, papasok na ako sa klase. Andito na rin ung Prof. namin.
"Okay. Class, prepare for a test tomorrow. You are dismissed." sabi ng Prof. namin! Alam na this!
"Nadine!"
"Oh? Caren! Dito ka rin pala nag-aaral!" oo nga pala guys, si Caren, childhood friend ko! Ngayon na lang ulit kami nagkita, kasi nung mag bi-birthday siya, pumunta sila sa America para dun mag celebrate, kaya lang bigla na lang syan tumawag at sinabing, doon na sila titira for good! Pero tingnan mo naman ngayon! Andito sya!
"Oo naman! Akalain mo! Nag-kita ulit tayo! Kumusta ka na?" tanong niya.
"Okay lang naman. Ikaw? "
"Ito. Medyo, kinikilig, kasi may nakita akong guy kanina! Pero bago natin yun pag-usapan mag-kuwentuhan muna tayo... Ang tagal na rin nating hindi nakapag-usap eh. Halika sa canteen?" Aya niya.
"Sige!"
Papunta na kami sa school canteen, nag ma-realize ko na...
"Teka! Caren! Wait lang ha.. May kaibigan kasi ako, eh kailangan pa naming magkita. Mamaya na lang tayong lunch mag-usap ha! Sorry talaga!" kumaripas na ako ng takbo bago niya pa ako pigilan.
Buti na lang pala at tumakbo agad ako. Whew! Pero teka, asan na nga ba si James? Ah, baka nasa canteen na yun, kaya lang, baka makita naman ako ni Caren doon.. Teka, kung tawagan ko kaya... Ay wala pa akong number ni James. Hanapin ko na lang sya...
Pumunta ako sa may classroom niya, kaya lang, nakita ko na naman ung mga babaeng maaarte na nandidiri sakin nung first day of classes, kaya umalis na lang ako agad, wala naman si James dun eh.
Next destination, school garden, wala rin. Teka, hindi naman talaga siya pumupunta dun ehh. Bakit nga ba ako nandito? Ah bahala, tingnan ko na lang sa canteen. Paniguradong andun na yun.
Kaya papunta na ako sa canteen ngaun, sa tingin ko nakikita ko na sya, likod pa lang niya, alam ko na...
"James!" tawag ko sa kanya.