Sabi nga sa isang kanta... I'm Lucky I'm in love with my best friend...
At ito na nga siguro un.
I'm in love with my best friend.
I'm in love with James.
Hindi ko alam kung ano'ng nagustuhan ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano'ng meron sya na wala sa ibang lalaki. Magka-iba kami. Pero "opposites do attract"...
• // • // • // • // • // • // • // • // • // • // • // • //
Nadine
Sabado ng umaga. Araw ng pahinga! Hay grabe ang sched! Hectic! Ang hirap rin pala talaga, akala ko high school lang yun.
Hindi ko mapigilang maisip si James... Ano kayang ginagawa niya? Kumain na ba sya? Gising na ba sya? Wahh!! Nawala ako sa pag-iisip ng may biglang tumawag.
"Ay butiki!" nagulat ako. Teka anong oras na ba? Kinuha ko ang phone ko at sinagot ang tawag.
"Hello? "
"Hey. Good Morning!" bati niya.
"Oh? Bakit ang aga mo ata tumawag ngayon? Teka anong oras na ba?" tanong ko.
"It's 8:00 AM. Why?"
"Ah.. Wala naman. Oh? Bakit ka nga pala napatawag?"
"I was just greeting you a good morning."
"'Yun lang ba? Good Morning din!" masayang bati ko sa kanya.
"Ah.. Sige mag aagahan muna ako. Text text na lang tayo. Okay?"
"Sure. Bye."
"Bye." at pinindot ko na ang End Call. Bakit ba ang lakas ng heartbeat ko? Heart tumigil ka! Malalagot ka sakin! Bakit ako kinikilig. Oh no. In- Love na nga talaga ako sa kanya.
Alam ko ang bilis, at mabilis talaga dahil 5th Chapter pa lang ito pero in-love na. Hay nako author, hindi to successful!
Nang makababa ako at dumiretso sa kitchen, tinext ko si James at sinabing nag aalmusal na ako.
"Hi James! Nag breakfast ka na ba?"
"Not yet. But I'm going to eat breakfast now."
"Ahh.. O sige kain na muna tayo ha!"
"Sure. TTYL (: "
Kinilig ako sa smiley face na yun. Parang ang saya nya talaga pag kausap nya ako. Gusto nya ba ako? Ay teka! Wala noh! Ang layo! Impossible!
Buong breakfast ko ay wala ako sa sarili. Hindi ako maka-kain ng maayos dahil iniisip ko si James at dahil hindi nanaman ako mapakali, nag text na lang ako.
"James tapos ka na mag breakfast?"
"Yup! You?"
"Oo. Kakatapos ko lang."
"Hey, do you want to meet today? I mean eat lunch, go shopping, watch a movie?"
"Ha? Parang... date?"
"Uhh... Yeah?"
"Uhmm... sige mamayang 1PM. Okay ba un?"
"Yeah. Sure. 1PM. See yah! x "
"See you! Bye." Teka, ano ung 'x' na yan? Tss baka typo lang yan, mag iisip na naman ako eh..
Magkikita kami mamaya. Hala! Paano yan dapat maayos akong tingnan. Since 9:00 pa lang naman, manunuod muna ako.
Pagka-bukas ko ng TV, news ang tumambad sakin. Ini-interview ang isang matandang lalaki. Kasama rin ang matandang babae at isang dalaga. Maganda sya. Jamison Reid ang pangalan nung matandang lalaki, Jaime Reid ang matandang babae, at Ysabella Ramirez ang pangalan nung isang babae. Hindi kaya to kapamilya ni James? Mga amerikano tsaka mukhang mayaman.... Pero hindi naman ata, kasi wala naman nabanggit si James na dadatin ung parents nya.
Pinatay ko na ang TV, at pumunta sa kwarto ko para makapag hanap ako ng damit na susuotin ko mamaya.
Pagka-tapos ng mahabang oras, napili ko ang isang simpleng dress na maraming bulaklak, at flats naman ang naisip kong ipares sa damit. Para simple pang pero maganda ako tignan. Ayos di ba?
Teka anong oras na ba? 10:30 AM? Ang tagal ko pala'ng naghanap ng damit ko. hahaha baka mabagal ako kumilos. Tss grabe 'yun ahh..
*Ikaw pa rin pala ang Hanap-Hanap-pa-ra-pap na kahit mag-panggap 'di matatago na ang iyong yakap ang hanap-hanap-pa-ra-pap-pap, 'di magbabago, ikaw ang hanap-hanap koooo....* Ahh 'yun ba? Pinalitan ko na ung ring tone ng phone ko. Ang ganda nung kanta diba? Relate kasi ako dyan, paano ba naman miss ko palagi si James. Palagi ko siyang hina-hanap-hanap! Chos!
Tiningnan ko ang caller at si James 'yon.
[Hey! Are you ready?] Tanong ni James.
[Huh? Eh 10:30 pa lang ah. Di ba 1pm pa tayo magkikita?] Ready daw? Tss I was born ready! (EXCITED NA AKO SA OTWOL!!)
[Uhmm.. Let's see. Can we just meet at 11? And by 12, I'll show you my surprise.]
[HA?!?! Ay sorry eh 10:30 na! Mag aayos pa ako! Bakit ngayon mo lang sinabi? Baliw ka talaga! Oh sige 11, mag aayos na ako! Bye!]
Bakit ginawang 11? Tsaka surprise? Ha? Bakit? Kami ba? Ang weird at ang dami kong tanong. Wahh! Maliligo na nga ako!James
I'm already at our meeting place. I went here earlier so that I can prepare for my surprise for Nadine.
I told her to come at 11 because I'm going to ask her to be my girlfriend. Right. And at 12. I'll introduce her to my parents, on our lunch. They arrived at 8:30 in the morning today and had their interview by 9. They were on interview because our family owns the largest companies here in the Philippines and abroad. That's why.
It's almost 11 and I can't wait! Good Luck to me!
Nadine
Papunta na ako sa lugar kung saan kami magkikita na James. Excited ako na kinakabahan. Basta di ko ma-explain ung nararamdaman ako.
Malapit na kami. Isa itong Italian restaurant at mukha namang walang tao eh.. Pero may balloons at hearts sa loob. Malayo pa Valentine's ahh. Lumapit ako sa guard at itatanong ko sana kung sarado ung restaurant.
"Kuya, sarado po ba?"
"Ahh. Hindi po. Meron po kasing gagamit nitong restaurant at pinasara lang po pero sandali lang naman po. Ay teka. Kayo po ba si Ms. Nadine Lustre?" Ha? Kilala niya ako. Baka kung anong gawin nito sakin. Pero mukha namang mabait. Sasabihin ko ba?
"Ahh... Opo. Ako po 'yun. Bakit po?"
"Ah! Kayo po pala! Hinihintay na po kayo sa loob. Pasok na po kayo."
"Ako? Ah sige po. Thank you" at pumasok na ako sa loob.
Ang daming balloons na hugis puso. Mga romantic things. At may biglang kumanta ng Tenerife Sea ni Ed Sheeran!! WOW FAVORITE SONG KO YUN! Teka nga sino ba ung nakanta. Lumingon ako sa likod at si.. James, may dalang bulaklak at teddy bear.
Ano 'to?
• // • // • // • // • // • // • // • // • // • // • // • //
Sorry guys natagalan ang UD! Busy lang talaga