Kinaumagahan
"Buenos días, señorita." nagising ako sa pagkatulog ko dahil sa lapastangang nagsalita.
"Ya! Sinong nagsabi sayong pumasok ka sa silid ko? Labas!" sigaw ko sa lalaking nakaupo sa kama ko.
Pinagtutulak at sipa ko siya dahil sa sobrang urat ko. Imagine may sisira agad ng umaga ko? Sino bang nagsabi na pupwede siyang pumasok sa kwarto ng iba? Sino ba siya?
Inayos ko na ang sarili ko at bumaba na.
Nagulat ako dahil nakaupo yung lalaki kanina sa upuan ni tanda! Ano ba naman yan? Hanggang dito ba naman? Naiinis ako! Inhale, exhale. Hoo. Chill brye.
"Hoy, sino ka ba ha?" kinalmahan ko muna ang sarili ko bago magtanong.
"Buenos días, señorita." paulit-ulit naman to.
"Shut up! Puro ka Buenos días, señorita. Paulit ulit, sana alam mo rin na hindi na maganda ang umaga ko dahil sa'yo lalaki?" inis kong tanong
"Vlaire, vlaire ang pangalan ko señorita. Maaari ko bang malaman ang sa'yo? At sa ayaw at sa gusto mo ako na ang bagong gwardiya mo." ngingisi-ngising sagot niya.
Gwardiya qué?! Oo nga pala tss.
"Ah gwardiya, tungkulin mo pa rin ba ang pumasok sa kwarto ng boss mo?" tanong ko
"Hmm"
"Sagutin mo ako!"
"Bakit, nanliligaw ka ba para sagutin kita? Hahaha." nakakaloko niyang sagot.
"Huwag kang sasabay kumain sa'kin. Alis!"
"Fine, if that's what you want señorita. Pero ako pa rin ang gwardiya mo hahahaha." tatawa-tawa siyang umalis sa kusina.
Binilisan ko ang pagkain ko at tumakbo sa garahe ng motor ko at umangkas dito.
Saan naman ako pupunta? Aha! Alam ko na. Pinaharurot ko ang motor ko at laking pasasalamat ko na hindi ako naramdaman nung bwisit na lalaki na yon.
Inihinto ko muna sa tapat ng ministop ang motor ko at dinial ang number ni mate.
"Babygirl! Tapos na ako hehe. Saan tayo magkikita? Miss na agad kita kahit kakausap lang natin kahapon hahaha." sagot agad niya.
Lakas tama talaga 'to hahaha.
"Punta ka dito sa bayang Klie ata. Nandito ako sa ministop. Miss na rin naman kita tss." sagot ko
"Yehey! Namiss din ako ni babygirl, kikiligin na ba ako? Wait for me ha. 10 minutes lang."
"Ge, ingat." pinatay ko na agad para kumilos na siya.
If I know, yang 10 minutes niya titriplehin mo lang tss. Ano bang pwedeng gawin dito habang naghihintay sa kanya? Alam ko na, lalamon nalang ako.
"500 pesos po ma'am." sabi ng cashier.
"Here" sabi ko at kinuha ko na lahat ng binili ko.
Kumain na ako habang naghihintay sa mokong na 'yon. Kahit kailan talaga ang bagal kumilos.
35 minutes later
"Babygirl!"
Sa wakas at dumating na siya. Kung ano ano na ang ginawa ko sa kakahintay sa kaniya.
"Oh" sabay bato ko sa kanya ng pagkain.
"Gimme my huuuug." tss, kala mo naman talaga hahaha.