Cinco

44 2 0
                                    

Third Person's POV

*Alarm Beep*

Nagising si Vlaire dahil sa kaniyang alarm. Lalaki siya ngunit nandidiri siya sa katotohanang hindi pa siya nakakapaglinis ng kaniyang katawan.

Inalala niya ang mga nangyari kahapon kaya may lungkot na namang namutawi sa kaniya. Lumipat na siya sa driver's seat at pinainit ang sasakyan. Lumabas siya at nagsimulang tumalon talon upang lalong magising.

Paglipas ng ilang minuto, pumasok na siya ulit at ipinarke ang sasakyan sa mismong harap ng hotel. Napagpasiyahan niya na rin na simula ngayong araw, hindi na niya papakielamanan si Brye at hindi na niya ito kakausapin kung walang kabuluhan ang sasabihin.

Maya maya'y lumitaw na si Brye na nakaayos na at pumasok sa kotse.

"Hindi ka naligo?" Tanong ni Brye

Ngunit wala siyang nakuhang sagot rito.

"Ibaba mo ako sa mall at mag-ayos ka sa bahay, sumunod ka nalang kung gusto mo." nauubusan na ng pasensiya si Brye nang sabihin iyon.

Sinimulan na ni Vlaire na magmaneho ng mabilis upang makarating agad sa nais ng kaniyang amo.

Paglipas ng isang oras

Agad bumaba si Brye nang itigil ni Vlaire ang sasakyan sa harap ng mall at agad namang humarurot ang sasakyan papaalis.

Makikita sa itsura ni Brye ang pagkalito sa inasal ng kaniyang bagong gwardiya kaya naman dumiretso na siya sa kainan. Maya maya'y naalala niya ang nangyaring sagutan sa kanila kahapon.

At hindi na dapat siya magtaka dahil ganoon naman ang gusto niyang mangyari.

*Phone ringing*

"Oh?" Sagot ni Brye

"Oh? Anong oh?! Hindi ka umuwi kahapon Brye. Saan ka nagpunta? Nandito ang mga Tito mo kahapon at hinahanap ka nila." Sagot ng kausap niya

"Tanda, hindi ko sila tito. May ginawa lang ho ako. Hindi pa ba kayo sanay sa'kin? Uuwi ako mamaya."

"Osiya, nakalimutan kong ikaw nga pala si Brye. Tsk." pagtapos sabihin ay binabaan na siya nito

*Phone ringing*

"May nakalimutan ka bang sabihin tanda?" Tanong niya rito

"Babygirl! Nakakapagtampo ka ha. Hindi mo na nga ako kinuwentuhan kahapon tapos tatawagin mo ako ngayong tanda? Hindi mo na ako love? Anong kulang sa akin babygirl? Kayo na ba nung bodyguard mo ha?! Sabi na ipagpapalit mo ako don eh. Sana sinabihan mo man lang ako edi nakapaghanda ako? Na-" Hindi na siya pinatapos ni Brye dahil sa dami ng dada nito.

"Shut the hop up. Punta ka na lang sa mall. Dito sa Vholp. Bye." pinatay na niya agad ang tawag dahil panigurado lalong dada ito.

After 2 hours

*Phone ringing*

"B-"

"Sa perfume shop, sa men. Hanapin mo nalang ako don. Bye."

Nag-ikot ikot si Brye sa mga panlalaking pabango dahil nais niyang humingi ng paumanhin sa naging ugali niya kay Vlaire. Bibilhan niya ito ng pabango, peace offering kumbaga.

Kaya pinapunta niya na rin ang katukayo niya upang matulungan siya nito kahit wala iyon sa plano dahil alam naman niyang kahit bubudoy budoy ito, magaling din naman itong pumili.

*Phone ringing*

"Babygirl! Nasaan ka?"

"Sinabi ko na sa'yo 'diba?"

Hola! DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon