Cuatro

47 2 0
                                    

Brye's POV

Nang matapos ang laban, ginawa ko na ang lahat ng dapat kong gawin at dumiretso sa pinag parkingan namin.

Malapit na ako sa kotse ng makita ko yung gwardiya ko na natutulog. Ayos lang naman sa akin kung tutulog tulog siya, kahit sa backseat pa. Ayos lang talaga.

Pero ang hindi ayos sa ginawa niya ay ang pagbukas lahat ng bintana ng kotse ko.

Paano kung mahimbing matulog 'yon? Edi nanakawan na yung kotse ko? And worst ma-carnap pa? Okay lang sana kung siya lang ang mapapahamak hindi yung sasakyan ko tss.

*Bang!*

"Brye!"

Nagpaputok ako ng baril para magising siya. Epektib naman pala' yon e. Laptrip pa mukha niya hahaha.

"Lets go sleepyhead." asar ko sa kanya

"Ge" sagot niya

Gerahin kita diyan e.

Aba, isang araw lang nakasama parang komportable na agad siya sa akin? Kung maka-ge parang tropa lang.

Sinabi ko rin pala sa sarili ko kanina na mas gusto ko yung hindi niya ako ginagalang tsk. Hindi naman niya nalaman iniisip ko ah, ba't ganon?

Pero bakit pangalan ko sinigaw niya? Diba dapat diretso tago siya sa ilalim ng upuan kasi duwag siya? Ni hindi nga nanlaban kila tanda eh. Tapos yung tunog ng baril, nagulat lang siya? What a shit.

Sumakay na ako at pinaandar na niya ang sasakyan.

"Kailan ka titigil?" bigla niyang tanong sa akin

"What?" tanong ko

"Ha?" sagot naman niya

"Lutang ka?"

"Uuwi na ba tayo?"

Lutang nga siya. Ang layo ng sagot badtrip.

"Bukas na tayo umuwi, punta tayo sa condo ko." sabi ko

Binigay ko sa kanya ang address at pangalan ng condo. Nagpatuloy nalang siya sa pagmamaneho at umidlip muna ako.

Third Person's POV

Nang makatulog si Brye, binilisan ni Vlaire ang takbo ng sasakyan at hindi na siya nagdalawang isip na itigil muna sa tabi dahil malayo na rin ang narating nila at malapit na rin naman na sila.

Pinagmasdan niya ang kabuuan ng mukha ni Brye at napagtanto niyang maganda nga ito.

Natawa siya ng kaunti ng maalala niya ang katangahan nito. Hindi niya akalain na may ganoon pala siyang ugali.

Pinagpatuloy na niya ang pagmamaneho ng makita niyang unti unti nang dumidilat si Brye.

Nanaig ang katahimikan nilang dalawa dahil kung mag uusap sila, mukhang magiging barahan lamang iyon.

Makalipas ang isang oras, nawasak ang katahimikan nila ng magring ang cellphone ni Brye.

Brye's POV

Hola! DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon