Uno

48 2 0
                                    

Brye's POV

Naaalala ko pa rin kung paano nila binaboy ang katawan ng mga magulang ko. Hindi ko mawari kung bakit sa dinami-rami ng lugar upang sila ay mang massacre, yung sa amin pa ang kanilang napili.

Mga wala silang awa, kahit inosente ka, wala kang mapapala. Yung gobyerno? Ayon ang hihimbing ng tulog samantalang ang nasasakupan nila, habambuhay na palang matutulog.

Kung may magagawa lang sana ako noon, nailigtas ko sana ang mga magulang ko, pero paano? Bata pa lamang ako nung nangyari iyon. Wala akong laban sa kanilang mga naglalakihang katawan.

Isa pa lamang akong bata na mahina ang loob noon, pagkulo lamang ng dugo sa kanila ang kaya ko. At ang pagi-isip ng paghihiganti kapag lumaki na ako.

Nagpapasalamat nga ako sa mga magulang ko dahil kung hindi nila ako tinago sa basement, isa na sana ako sa mga nabawian na ng buhay. Napaka talino rin kasi nila dahil fingerprint lamang namin ang kailangan upang mabuksan iyon. Pwede ka na ring manirahan dahil kumpleto ang kagamitan doon at mayroon ka pang kontrol sa cctv namin.

Kaya nga sa pamamagitan ng cctv namin nakita ko rin ang mga mukha ng mga halang ang bituka. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga pagmumukha nila. Lintik lang ang walang ganti.

Kaya noong araw na iyon, pinangako ko sa sarili ko na bibigyan ko ng hustisya ang pagmatay ng mga tao sa bayan namin. Kung maaari, ibabalik ko sa kanila ang mga ginawa nila.

"Buenas tardes, madam"

Naputol ang iniisip ko dahil sa tauhan namin na pumasok.

Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin na unti unti ko nang nakakamit ang hustisya. Dahil nandito ako ngayon sa puder ng kalaban.

"Mm, anong balita?" tanong ko

"Nasa bayang klove na po sila nagtitingin ng lupang bibilhin para sa casino." sagot niya

"Casino na naman?"

"Como siempre, madam. Kung maaari nga raw po pala kayong sumunod sa kanila sa lalong madaling panahon upang makita niyo rin daw po ang lugar."

"Mm, claro. Adiós."

Lumabas na ako ng mansyon at dumiretso sa motor ko. Malapit lang naman siguro rito ang bayang Klove.

Sa nagdaang panahon nahirapan din akong sumali sa organisasyong ito. Ilang taon din akong nagpagala-gala sa bayan nila at nakakuha ng tyempo upang humungi ng tulong sa kanila kuno.

Hirap pa akong umintindi at magsalita ng lenggwahe nila noon dahil syempre ano namang alam ko doon. Ang naaalala kong sinabi ko sa kanila dati, na ako ay nawawala. Tama naman pero wala silang ideya na naligtas ako sa massacre nila.

Inalagaan nila ako at kinupkop. Masasabi kong maganda ang turing nila sa akin. Ngunit hindi nito mapapalitan ang poot ko sa kanila, at ang kagustuhan kong ibagsak ang organisasyon nila. Sabihin na nating utang na loob ko ang kagandahan ng buhay ko ngayon, pero mas malaki ang utang nila sa akin dahil hinahayaan ko pa silang mabuhay hanggang ngayon.

Minsan wala akong magawa kundi sumunod upang hindi ako paghinalaan kahit na sobrang labag sa kalooban ko ang ipinapagawa nila tulad ng pagpatay ng tao. Sa tinagal tagal ko rito. Parang nawalan na tuloy ako ng pake sa mundo.

Hola! DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon