"Eh?" gulat kong sabi."Eh, eh, eh, eh, eh, eh, eh twenty one? De donde eres señorita?" natatawang sabi niya nung una pero bigla siyang sumeryoso sa pangalawa.
"Wala kang pake"
"Gwardiya señorita, kaya may pakielam ako sa'yo. Tungkulin kong alamin lahat ng kilos mo. Kahit na ikakasakit ng puso ko. Entiendes señorita?" sabi niya
Ano na naman bang problema nito sa utak? Gwardiya ko lang siya pero kung umasta daig pa nagpalaki sa akin tsk.
Pero napansin kong ang fluent niyang mag español, para bang sanay na sanay siya. Akala ko ba hindi siya nakakaintindi ng spanish? Tsk, bahala nga siya sa buhay niya.
"Talk to the hand." sabi ko kasabay ng pagtaas ko ng kamay ko.
Dumiretso ako papasok ng bahay at nagulat ako sa hindi ko inaasahang makikita ko.
Nakita ko ang mga lapastangang pumatay sa mga magulang ko. Umuusbong ang galit ko, gusto kong magwala.
Hindi man nila ako napansin ngunit sila, pansin na pansin ko. Hindi ko na kinaya ang galit ko at bumalik ulit sa labas.
Tumakbo ako papunta sa motor ko ngunit hinarangan ako ng gwardiya ko. Putangina, ngayon pa siya aariba.
"Alis" pigil na pigil ko na ang luha ko.
"Akin na ang susi ng sasakyan mo." binigay ko nalang para wala ng gulo.
Inhale. Exhale. Hoo. Grabe. Hindi ko na kaya, naiinip ako.
"Sakay"
Pagkasakay ko palang ng kotse ay bumuhos na ang mga luha ko. Wala na, sumabog na naman ako. Hinding hindi ko sila mapapatawad!
"A-ano b-ba!" garagal kong sigaw
Gulat siyang napakurap sa pagkakatitig niya sa akin sabay paharurot ng kotse.
Mabuti naman at marunong din pala itong pakiramdam.
"Señorita, anong oras na. Saan naman tayo pupunta?" tanong niya pero hindi ko siya pinansin.
Patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko dahil sa mga nakita ko. Hindi ko maatim na makita ulit sila.
Makakaya ko pang makisama sa mga may ugnay sa kanila kagaya ni tanda pero ang sila na mismo ang makita ko ulit at ang masaklap pa ay masasaya sila? Hindi ko matatanggap yon.
Akala ko huling pagkikita ko na sa kanila noong namatay ang asawa ni tanda. Akala ko lang pala. Heto na naman tayo sa mga akala akala na yan. Bakit ba kasi nauso pa yan?
Kaya ba ang saya ko kanina? Lintian nga naman. Bawal na ba maging masaya tapos sa huli masaya pa rin? Kailangan ba laging may dulot na sakit?
Anaknampurto kung ganon lugi pala ang mga tao? Matatakot na rin ata akong maging masaya. Grabe ang balik eh. Karma ko na ba 'to? Tsk.
"Bibili lang ako." sabi niya sa akin
Sinundan ko siya ng tingin. Akalain mo nga naman, siya pa ang makakasama ko ngayon. Eh kung mambuwisit nga yan kanina parang hindi minahal ng magulang niya.
Hindi ko alam kung anong aral ang maibibigay mo sa akin pero maghihintay ako.
Pinigilan ko na ang luha ko dahil ang sakit na ng mata ko. Baka mamaya mang-asar pa 'to.
"Tara inom"
Hindi na niya ako ginagalang pero mas gusto ko iyon.
Kinuha ko ang binigay niya sa akin at tinungga iyon pero nabuga ko agad.