Siete

36 2 0
                                    

Third Person's POV

Sa kalagitnaan ng tulog ni Brye, bigla siyang naalimpungatan. Tiningnan niya ang oras at nainis siya dahil devil's hour pa talaga. Ngunit okay lang din naman dahil mahaba-haba na rin pala ang tulog niya.

Bumaba siya at kumuha ng pagkain dahil bigla rin siyang ginutom. Hinanap ng mga mata niya si Vlaire ngunit hindi niya makita kaya umakyat nalang ulit siya.

Nakipagtalo pa siya sa isip niya kung bakit niya hahanapin ang bodyguard niya. Nang matapos niyang kumain, nag-ayos na siya ng sarili niya at kinuha ang kaniyang maskara.

Naisipan niyang pumunta kung saan siya nage-exercise, hindi para lumaban, kundi magpa-lista sa ibang kaanyuan. Tinawag niya ang sarili na, "Oscuro" o dark sa salitang ingles.

Dito sa kaanyuan niyang ito, binabalak niyang gawing hindi maingay ang pagbanggit niya ng kaniyang kataga. Dahil una sa lahat, pupunta pa rin siya doon bilang Brye na kilala ng mga tao.

Nang makarating siya, agad siyang nagparehistro upang maging kaisa doon. Nagulat siya nang malaman niya na may bagong patakaran upang matanggap. Hindi man kailangang tanggalin ang maskara, kailangan nga lang makapatay siya ng higit sa lima.

Nainis siya dahil wala iyon sa kaniyang plano ngunit kung hindi niya gagawin, hindi naman siya matatanggap. Kinundisyon niya ang kaniyang sarili at pumunta sa lugar kung saan magaganap ang labanan.

Pumwesto siya sa gitna at nag-anunsyo na sila na simulan na. Sanay naman siya sa mga taong nanonood sa paligid kung may labanan kaya walang problema iyon.

Yun nga lang, lumabas ang isa, dalawa, tatlo hanggang sampu na kalaban niya. Nabigla siya ngunit pinanatili niyang kalma ang sarili. Hindi niya alam kung siya ba o sila ang mauuna kaya naghintay muna siya.

"Naduduwag ka na ba?" tanong ng isang kalaban niya na siya ring sumugod na.

Hindi naging mahirap kay Brye ang magpabagsak ng baguhan kaya naman inumpisahan niya na rin itong labanan.

Ilag, tadyak, sapak nagpaulit ulit lang naman ang stratehiya ng lalaki. "H" letrang bulong ni Brye at pinatay ang lalaki.

Sumugod ang pangalawa at pangatlo, mukhang nag-usap ang dalawa dahil ang isa ay pumwesto sa harap at ang isa naman ay sa likod. Hindi na bago sa paningin ni Brye ang posisyong iyon kaya hinintay na lang niya ulit ang unang susugod.

Hinawakan siya sa bewang ng isa, nilingon niya ito at sumubok naman siyang sikmuraan ng isa, ngunit naging mabilis ang galaw niya. Bago pa man siya masuntok ng nasa harapan niya, naipalit na niya ang posisyon ng nasa likuran niya at ng sarili niya. Kaya naman hindi siya ang nasikmuraan nito.

Sinubukan siyang dagukan at tadyakan ng dalawa ngunit naigulong na niya ang sarili at naitulak ang isa. Dinaganan naman niya ang natira at pinagbabali ang daliri sa kamay at paa. Nagalit ang tinulak niya kaya sumugod ulit ito, siya namang sinalubong ni Brye ng parang takbo ni naruto at naging toro dahil nagmistulang pulang tela ang kalaban at nagkaroon ng sungay.

Pagkalapat na pagkalapat ng ulo ni Brye sa tiyan ng lalaki, patakbo niyang pinuwersa pabaon ang kaniyang bumbunan sa tiyan ng kalaban at tinuloy tuloy hanggang bumangga ito sa pader. Napasigaw sa sakit ang kalaban dahil sa lakas ng pagkatama niya.

Binalikan naman niya ang isa pa, "O" bulong niya rito at binali na rin ang leeg nito. "L" tila bang may mga letrang sinasabi si Brye bago niya patayin ang kaniyang mga kalaban.

Lahat na ng natira ang sumugod dahil siguro sa galit na napatay niya na ang tatlo. Kaniya kaniyang suntok at dagok ngunit hindi man lang tumama ni isa kay Brye. Sa taktika niya, imbis na siya ang nasasaktan, para bang sila sila na rin ang naglalaban. Ngunit hindi siya papayag na hindi makapanakit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hola! DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon