Seis

46 2 0
                                    

Lumipas ang dalawang buwan

Brye's POV

"Señorita, debe ir al hospital ahora mismo." wika ni Vlaire

/Miss, you must go to the hospital right now./

"¿Por qué? May problema ba?" naguguluhan kong tanong

"Hay una emergencia, tu papá te necesita."

/There is an emergency, your dad needs you./

"¿Que pasó? ¡Vlaire, por favor dime qué pasó!" nag-aalalang tanong ko kunyari

/What happened? Vlaire, please tell me what happened!/

"Brye, dalian mo na lang!"

"Ha? Oo, oo!"

Nagbalik sa alaala ko ang araw na nawala ang mga magulang ko sa'kin. Kung sino ang dahilan at bakit ginawa iyon. Nagbalik na naman tuloy ang galit sa'kin.

Kahit isa man lang sana sa kinamumuhian ko ang mawala makakabawas na ng sakit ng loob 'yon. Maghihintay nalang din muna ako kung kailan ako kikilos upang maipaghiganti ko na ng todo ang mga taong inargabyado nila.

"Nandito na tayo." bumalik ako sa ulirat ng magsalita si Vlaire

Third Person's POV

Habang papalabas sa sasakyan si Brye kinukundisyon na niya ang sarili sa pagpapanggap na gagawin.

Tumakbo na siya papalapit sa bukana ng ospital ngunit nagulat siyang nandoon ang matalik niyang kaibigang nakaantay sa kanya. Yumakap siya rito at tinanong kung anong nangyari kay tanda. Ngunit natawa lang ito at inalalayan si Brye na makapunta sa kwarto ng ama amahan niya.

Nanghihina siya kunwaring kumatok sa pinto at ng buksan niya nang dahan dahan, nagulat siya sa nadatnan niya. Nakita niya si tanda na walang anumang galos o sakit. Nakaupo ito sa kama na para bang nabuburyo na ngunit lumiwanag ang mukha nang makita sa Brye.

Napatakbo kuno si Brye dito at napayakap. Sinabi ni Brye na hindi magandang biro ang ginawa nila.

Nagtaka naman ang matanda kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon nito ngunit pinagpatuloy pa rin ang pag-arte. Sinabi ng matanda na bakit hindi niya subukang suyudin ang buong kuwarto kaya naman sinunod ito ni Brye.

Natawa siya nang madismaya na hindi naman pala natigok ang matanda. Akala tuloy ng matanda na nasiyahan siya sa sorpresang inihanda sa kaniya.

Nagpasalamat siya sa sorpresang ginawa nila ng may inis na ipinakita sa dahil nga ginoyo lang pala siya. At ang nagpasaya sa kanya ngayon ay ang maipaghanda ang kaarawan niya ngayong araw.

Mas masaya sana kung totoong nadisgrasya si tanda isip niya sa loob niya. Pero kaarawan nga pala niya ngayon kaya titigilan niya muna ang pag-iisip ng hindi maganda sa kapwa tao niya.

Umuwi na sila at iniwan ang mga kalat at disenyo na inakala lang pala nilang na-appreciate ni Brye. Umuwi na sila sa kanilang bahay at doon ipinagpatuloy ang paghahanda.

Mayroon selebrasyon para kay Brye kaya pala sinorpresa nila ito sa malayo upang makapag-ayos. Napakaraming bisita ang dumagsa dahil kilala nga naman ang organisasyon nila at marami ring kakilala si Brye doon.

Nagdasal siya na sana hindi pumunta ang mga taong nagpapakawala ng galit niya at nagdilang anghel naman siya.

Umabot ng ilang oras ang selebrasyon kasama na roon ang mga pagbibigay nila ng regalo at mensahe rito.

Hola! DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon