Chapter 8:

24 0 0
                                    

Abigael

Nagising na lamang ako dahil sa ingay na nanggagaling sa sala. Agad akong bumangon at unang tiningnan ang cellphone baka nag text na si Mommy at Daddy na nasa bahay na sila pero wala akong nakuhang text galing sa kanila.

Kumunot yung noo ko nung marinig ko ulit ang ingay. Sh*t , sino na naman yun? Dali dali akong pumunta sa walk in closet ko para kunin ang silencer ko. Pero bago ako bumaba ay tinawagan ko muna si Kuya Mike para ipaalam na may nanloob sa bahay.

"Kuya , may tao sa bahay." Panimula ko sa kaniya. Narinig ko naman yung tawa niya na naging dahilan na nagsulubong yung kilay ko. Anong nakakatawa?

"Malamang sizt , nandyan ka kaya may tao sa bahay." Pilosopong sagot niya.

"Tangna mo Mike , may nanloob. Pinapairal mo na naman yang kabaliwan mo." Galit kung usal. Pag talaga ganito , di ko maiwasan murahin siya na para bang di ko siya kapatid.

"Easy lang , bumababa ka at wag na wag mo yang patayin yang gunggong na yan." Seryoso niyang saad.

"Let's see Kuya , let's see." Huling sabi ko at pinatay ang cellphone na may ngiti sa labi. Maling bahay ang ninakawan niya.

Maingat akong bumaba papuntang sala. Hindi nakakonekta ang staircase sa may sala subalit sa kusina ito. Ewan ko kung ano ang pumasok sa isip ni Daddy pero ngayon alam ko na kung bakit.

Nang makababa ako ay nakita ko ang taong may hinahalungkat sa drawer na malapit sa pang isahang upuan. Dahan dahan akong naglakad at walang ingay akong nakalapit sa kaniya. Tinutok ko agad akong baril sa kaniyang ulo.

"Move or you'll die." Walang gana kong sabi. Napasinghap naman siya at dahan dahang itinaas ang kaniyang kamay. Humarap siya sakin at bigla niyang iginalaw ang kaniyang kamay niya at inagaw sakin ang baril.

Pilit kong hinigpitan ang pagkahawak ko at agad ko siyang sinipa sa tiyan niya na naging dahilan ng pagkatumba niya at tumilapon din ang baril na pinag-aagawan namin kanina.

"You can't kill me Abigael." Boses babae. Ngumisi lang ako sa kaniya habang siya naman ay dahang dahang bumangon. "I know your rules , diba di kayo pwedeng pumatay?" Oh bad for her , matagal nang nawala yang patakaran na yan. Wala akong ginawa kundi ang ngisihan siya. "Stop smiling , you b*tch." Mas lalo akong ngumisi nang dahil sa sinabi niya. "I said stop smiling!" Sigaw niya.

"Why? Nababahala ka ba sa ngiti ko Samantha?" Isa sa miyembro ng grupo namin si Samantha pero agad siyang nawala dahil sa ginawa niyang pagpatay. Isa sa patakaran dati ay wag pumatay ng kahit sino , sindikato man o hindi dahil wala kaming karapatan upang patayin sila. Too bad for her , nakalimutan niya yun nang dahil sa kagagawan ng boyfriend niya.

"You and your group stole everything from me! Mga walang hiya kayo!" Sigaw niya at inahanda ang sarili para atakihin ako.

"Ano bang kinuha namin sayo? Ghad Samantha kung tungkol ito sa boyfriend mo , it wasn't my fault. Kasalanan ko bang nagawa ka niyang traydorin? Kasalanan ko bang mas pinili niya ako kaysa sayo?" Tanong ko sa kaniya habang nakangisi.

"It is your goddamn fault. You have a boyfriend that ti---"

"---Wala akong boyfriend." Pagputol ko sa sinabi niya. Tangna , wala akong naging boyfriend. "At alam mo kung ano ang trabaho ng boyfriend mo pero di mo nagawang sabihin sa grupo dahil takot kang iwan ka niya!" Nakita ko sa mukha niya amg galit at inis. Nice , this is interesting.

In My Arms ( COMPLETED )Where stories live. Discover now