Pinaharurot ko naman ang kotse papunta sa bahay ko. May kailangan muna akong kunin bago ako pupunta sa inabandonang bahay ni Daddy. Hindi ko alam pero may kutob ako na doon siya nagtatago.Pagkabukas ko palang ng pintuan ay may nag iba na sa mga gamit ng bahay ko.
"Velea?" Agad na tawag ko sapagkat si Velea ang aking nakita na parang may hinahanap sa drawer ko. Lumingon naman siya sa akin at nilapitan ako.
"Anong ginagawa mo dito Abigael?" Tanong niya sakin habang inaalis ang gloves sa kamay niya.
"Hindi ba ay ako dapat ang magtanong niyan sayo? Ano ang ginagawa mo sa bahay ko?" Pagalit kong usal. Ngumisi lang siya at inayos ang kaniyang buhok.
"Hmm," Tila ba ay nag-iisip pa siya ng idadahilan niya. Walanghiya talaga 'tong babae to. "May hinahanap lang." Saad niya at humiga sa kama ko.
"Kanina ka pa dito?" Tumango lang siya. "Ano ang hinahanap mo?" Pinakita naman niya sakin ang isang envelope.
"May pumasok sa bahay mo kagabi at sinundan ko siya hanggang sa makarating siya sa kwarto mo. Nakita kong inilagay niya ito sa drawer at nang makita niya ako ay agad siyang umalis." Pagsasalaysay niya.
Sino namang tanga ang pumasok sa bahay ko? At nagbilin pa talaga ng isang sulat.
"Agad ko iyong sinundan at nakalimutan ko na iyong nilagay niya dahil nakita ko ang kuya mo na may bugbog sa mukha. Kanina ko lang naalala at niloob ko ang bahay mo. Astig ko diba?" Natatawang saad niya.
"Akin na iyan." Sabi ko sabay kuha ng envelope. Bumangon naman siya at tinanaw ako.
"Pa chismis, kanino galing 'yan?"
"Chismosa mo Velea." Tumawa lang naman siya sakin at pinaupo ako.
Please don't hurt yourself. Hanggang maari ay lumayo ka sa grupo ng Daddy mo. I don't wanna see you again in pain.
-S. C.
Agad kong nilukot ang papel. Isa lang naman ang alam kung nagmamay-ari ng initials na iyan. Ano ang kailangan mo ngayon at bumalik ka pa dito.
"Sinong S. C., A?" Tanong ni Velea sakin. Tinapik ko lang ang braso niya at tumayo.
"Pumunta ka nalang sa HQ V, umiinom sila Kuya ngayon. Pigilan mo baka landiin pa iyon doon." Natatawa kong saad.
Umalis naman si Velea at patuloy kong hinanap ang isang materyal na bagay na galing sa kaniya. Nang makita ko iyon at agad kong pinaharurot ang kotse papunta sa inabandonang bahay ni Daddy.
Walang ilaw. Yan ang bumungad sakin ng marating ko ang labas. Hindi ko alam kung bakit ayaw na ni Daddy tumira sa bahay na ito. Dahil alam kong may tao ay inakyat ko na lamang ang gate para di ako matunogan.
Nang mapasok ko ang bahay ay ang munting ilaw lang ang nakita ko na galing sa kandila. Iginala ko ang aking paningin hanggang sa mahagilap ko ang anino ng tao na nakatayo sa dulo ng hallway.
"Anong ginagawa mo dito Abigael? Hindi mo ba nabasa ang sulat na ibinilin ko sa bahay mo?" Hindi siya lumabas sa dilim.
"Ikaw pala ang naglakas loob na pumasok sa bahay ko? Hindi na ako dapat magtaka pa lalo na ay gawain mo iyon... Ang magnakaw!" Isinigaw ko ang huli kong sinabi.
"Hindi ka na dapat pumunta dito." Binalewala niya ang sinabi ko.
"Hanggang ngayon pa naman ay nagtatago ka pa din sa dilim?" Saad ko at umupo sa isang upuan kung saan kaharap ko ang kandila. "Maupo ka dito, Mommy." Nakangiti kong saad at alam kong nakita niya ang ngiti ko.
YOU ARE READING
In My Arms ( COMPLETED )
ActionAbigael mastered the art of pretending. Can she pretend to the man who's good at manipulating people ? Thank you SaiDesigns for the book cover.