Tinanaw ko muna ang building kung saan maraming bangkay ang nakalatag. Tinawagan ko ang Cleaning Crew at ibinigay ang address. Pagkatapos ay sumakay ako sa kotse ko at pinaandar paalis sa lugar na iyon.
I immediately clean myself pagkarating ko sa HQ. Pagkatapos ay lumabas ako sa kwarto at pinatawag ang lahat.
Hindi naman gaano kasama ang nagawa naming lahat kanina pero paniguradong gaganti ang grupo ni Francis. Mas mabuti itong nakahanda ang grupo ko.
"Ready yourselves, the real war is about to start." Tanging nasabi ko lang sa kanila.
"Ready the guns," Saad ko sa taong pinagkakatiwalaan ko. "I need the access of the whole team, prepare the machines and secure this whole building." Utos ko sa Clyde, my best friend at isa sa mga nagpapatakbo ng organisasyon.
Agad kumilos ang lahat matapos kong sabihin ang lahat na sasabihin ko pero hindi umalis si Clyde, nanatiling nakaupo sa kinauupuan niya kanina.
"Kayo ulit?" Hindi man niya sabihin ang pangalan ay paniguradong si Shawn ang kaniyang tinutukoy.
Lumingo ako bilang sagot dahil yun naman ang totoo. Walang namamagitan samin ni Shawn, may nangyari samin pero hindi naman ibig sabihin ay kami na ulit.
"I tracked you and hacked your system," Tinutukoy niya yung bahay ko. Paniguradong doon niya nalaman ang lahat.
"Hindi porket best friend kita ay may karapatan ka ng gawin iyon. I have my own privacy. Sana naman ay alam mo 'yan. Hindi yung basta basta mo nalang i-hack ang system ng aking bahay." Kalmado kong saad pero nandun parin ang seryosong tono.
"Dahil sa ginawa mo paniguradong may mamatay." Pag-iiba niya sa usapan. Alam ko, hindi naman ako bobo para di yun malaman. War means death and death means Francis. Tanging ang kamatayan lang paraan ko ay para matahimik na kaming lahat at para mabawi ko ang totoong ina ni Kuya Uno.
"Kaya nga pinaghanda ko kayong lahat. Knowing Francis, pinapahanap na niya ako. He should be angry by now after what I did to his face," Sabi ko sabay iling.
"Buti naman at nakaya mong magkunwaring wala kang alam sa dati mong buhay. You really mastered the art of pretending," Bakas sa tono niya ang pagiging proud. I need to pretend because I need to protect my family.
"Manahimik ka nalang at simulan mo na ang trabaho mo. I need to go home dahil hinahanap na ako ni Kuya." Saad ko at umalis na sa HQ.
Binilisan ko ang pagtatakbo ng aking kotse para makarating ako kaagad sa bahay ni Shawn pero bago ako makarating sa akong destinasyon ay may nag text bigla. Binuksan ko iyon at tiningan kung sino ang nag text habang ang isa kong kamay ay nasa manibela.
From: Mike
@HQ
Nang mabasa ko ay agad akong nag U-Turn upang makapunta sa HQ na sinasabi ni Kuya.
"Anong pag mimeetingan?" Tanong ko nang makarating kaagad ako.
Nilahad naman ni Shawn sakin ang isang upuan, wala akong nagawa kundi umupo habang tinatanaw ko ang isang monitor kung nasaan nandun si Daddy.
"Prepare for a war," Saad ni Daddy habang ang mata ay nasa akin yung tingin. "Naghahanda na ang kabilang grupo dahil si Francis ay natagpuang madaming bugbog at may tama ng baril sa abandonadong gusali." Gusto kong tumawa sa nalaman ko.
Hindi nga ako nagkamali. Paniguradong gaganti si Francis lalo pa at ang alam niya ang ang grupo ni Daddy lang ang kalaban niya.
"Sino naman ang gumawa nun Dad? You didn't give an order." Maaring sabi ni Kuya.
YOU ARE READING
In My Arms ( COMPLETED )
ActionAbigael mastered the art of pretending. Can she pretend to the man who's good at manipulating people ? Thank you SaiDesigns for the book cover.