Chapter 16

4 0 0
                                    

Agad kung hinanap ang bumaril at nagulat ako na si Shawn yun. How did he know that I'm here? Unti unti siyang lumapit sa akin at hinawakan ang braso ko nang mahigpit. Dinala niya ako sa sasakyang nakaparada at sapilitang pinapasok ako dun.

"Muntik ka na namang mawala Ace. Ano ba ang kailangan kung gawin para ingatan mo 'yang sarili mo ha!?" Galit niyang saad at hinampas ang manibela. Nagulat ako sa lakas niyang hampas. I don't know what to do. Hindi ko naman kasalanan kung mabaril ako.

"Ano? Hindi ka man lang magsasalita?" Tanong niya pero mas pinili kung manahimik. "Damn it, magsalita ka naman! Ano? Kailangan pa bang magmakaawa ako para magsalita ka!?" Sigaw niya.

"Ano pa bang kailangan mo ha? Heto ako, buhay." Saad ko at pinakita ang kabuuan ko. "I'm alive. Ano pa bang kinagagalit mo diyan!?" Inis kong saad.

"At talagang magpapakamatay ka dahil sa nangyaring away kanina?" Walang alinlangang tanong niya. Napanganga ako sa sinabi niya. Ang kapal ng mukha.

"Nakita mo yung pader kanina? Ganun ka kapal yang pagmumukha mo. Ang lakas ng apog mo." Saad ko at tiningnan siya ng masama.

"Oh bakit nakita kita diyan?" Saad niya at tinuro yung gusali. "Nakipagkita ka sa kabet mo?"

"Tanga ka ba? Anong kabet pinagsasabi mo? Kung ikaw kaya barilin ko baka bumalik sa katinuan yang pag-iisip mo." Saad ko at akmang kukunin ang baril sa dashboard ng pigilan niya ako.

"I'm sorry," Madamdamin niyang saad. "Sorry kung ganito ako. Sorry kung mas minahal kita kesa sa sarili ko. Noon, baliwala lang ang buhay ko pero nung dumating ka. Sabi ko sa sarili ko na dapat mabuhay ako. Dapat pahalagahan ko ang buhay ko. You also made me realize that it's better to lose someone than yourself pero nung mawala ka hindi ko alam gagawin ko. You are my strength, you are my life. Pero nung malaman ko na buhay ka pa, I pushed myself to stand up. Umalis ako sa grupo upang hanapin ka dahil ayaw sabihin ng mga kapatid mo kung nasaan ka." Namumuo na ang luha sa mga mata niya.

"And then boom, nung malaman ko kung nasaan ka, I saw you with a guy." Sumisinghot siya. Titig na titig lang ako sa kaniya. "I saw you with Francis. Sobrang nasaktan ako nun dahil sabi mo hindi ka maghahanap ng iba. Gusto ko siyang suntukin non pero di ko alam na sinusundan pala ako ni Mike. Pinigilan niya ako. Bumalik ako sa grupo at dun pinaliwanag ni Mike lahat. Sinabi niya na may nagbabanta parin sayo. I helped them. Tumulong ako. Palagi kitang tinatanaw noon kahit nasa malayo ako." Aniya na naka pikit. Naninikip ang dibdib ko sa bawat salita na binibitawan niya.

"Pero hindi ko mapigilan sarili ko. Sinundan kita nung sinusundan mo din si Velea. Sinundan kita kahit nasa paaralan ka na. I even enrolled myself there kahit alam ko na ang tinuturo nila." He said and slowly he cupped my face at pinaglapat ang nuo namin. "I can't stop myself for loving you." Saad niya at pinaglapat ang labi naming dalawa. Hindi ko mapigilang humalik pabalik. Yung paraan ng paghalik niya ay parang may ritmo. Napakaganda sa pakiramdam. Pero bago pa lumalim ang halikan naming dalawa ay kusa siyang bumitaw. Agad naman siyang ngumiti.

Unti unti niyang binuhay ang makina hudyat na kami ay aalis na. Tahimik lang ako buong byahe. Hindi na ako nagtanong kung saan ang aming patungo batid kong hindi naman kalayuan dahil pamilyar ang bawat daan na aming tinatahak.

Ilang sandali pa ay nakarating kami sa isang bahay na napaka pamilyar na para bang nakita ko na ito dati. Nang makababa siya ay agad niyang binuksan ang sakin upang makababa din ako.

In My Arms ( COMPLETED )Where stories live. Discover now