Chapter 25-- WAKAS

27 2 0
                                    

A/N: DITO NA MAGTATAPOS ANG KWENTO NI SHAWN AT ABIGAEL. SALAMAT  SA PAGSUSUBAYBAY SA KWENTO NG DALAWA. SALAMAT DIN SA SUPPORTA. THIS IS MY FIRST TIME WRITING A STORY AT HINDI KO AKO MAKAPANIWALA NA MAKAKATAPOS AKO NG ISANG KWENTO DAHIL TAMAD AKONG TAO.

PS. IF YOU HAVE A QUESTIONS. FEEL FREE TO MESSAGE ME DAHIL SASAGUTIN KO ANG MGA TANONG NIYO.

Fb account: JannicaShane Benabaye Torres
IG: @itsjannicashane

AND BEFORE READING THIS PART, KINDLY LISTEN TO THE MUSIC ENTITLED "HEAVEN KNOWS"

THANK YOU.

LOVE: JASHY_JASH

----

Nang maalala ko ulit si Shawn ay agad ko itong dinaluhan. Umupo ako at nilagay ang kaniyang ulo sa aking hita. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at umiiyak.

"Shawn naman. Why did you do that?" I asked but he just smiled at me.

"Alam mong mahal na mahal kita Alas." Saad niya at tumango lang ako. "Please be happy." Pero umiling lang ako.

"Don't leave me Shawn." Pikit aniya ko. "You promised me na hindi mo ako iiwan. Fulfill your promises please." I begged. Hinawakan lang niya ang aking pisnge at ngumiti sa akin.

"Nandito parin naman ako diba?" Saad niya at tinuro ang puso ko. "Kahit hindi ko man narinig ang salitang mahal mo ako ay pinaramdam mo naman sakin 'yon." I cried hard. Is this goodbye? Is this the right time to tell him the truth?

"I love you." Sinserong tugon ko. "Pagkukunwari lang iyong nakalimutan ko ang lahat. Nagpapanggap lang ako Shawn." Saad ko at niyakap siya.

"Mahal na mahal din kita Abigael." Iyon na siguro ang pinakamalambing na sinabi niya.

"Don't leave me. Magkakaanak na tayo Shawn." Sabi ko at nakita ko naman siyang umubo ng dugo. Umiiyak parin ako habang nasa bisig ko parin siya. "I'm pregnant Shawn, so please stay with me." Saad ko sa kaniya.

"K-kein Tristan," Nahihirapang saad niya. "I-ipangalan mo i-iyan sa kaniya." Saad niya at muling umubo ng dugo.

Tumango naman ako. "Promise me na kakayanin mo lahat? I'll call Kuya Mike." Saad ko at umambang tatayo pero pinigilan niya ako.

"H-huwag na," nakangiting tugon niya. "H-hindi na din naman ako magtatagal." Umiling lang ako and I keep on telling him how much I love him.

"Please don't die." Parang wala lang siyang narinig.

"I wanna hear those words again for the last time." Kahit masakit at mahirap sa akin ay inusal ko parin ang mga salitang gusto niyang marinig.

"I love you. Mahal na mahal kita love." Naiiyak kong sambit. I kissed him passionately and he kissed me back. Nalasahan ko ang dugo niya pero wala akong pake. I just want to feel this moment.

I hugged him tight after our kiss. I hugged him with my arms and impit na iyak lang ang tanging maririnig mo. Halos madurog ang puso ko nang maramdaman kong hindi na siya humihinga at hindi na siya nagsasalita. I cried silently, savouring the moment.

Ang taong nangako at minahal ako ay iniwan ako.  He saved me. He left me. Ang tanging tao na umintindi sa akin ay iniwan ako. Ang hagulgol ay napalitan ng pag-iyak.

"Ako kasi dapat ang nasa kalagayan mo eh." I said and looked at him. "Bakit kasi parati mo nalang isinasakripisyo ang buhay mo sa akin?" Parang tangang tanong ko sa kaniya.

Iniwan mo ako na luhaan. Iniwan mo ako na wala man lang tinutupad na pangako. Iniwan mo na naman ako sa ere. Ang sakit Shawn kasi hindi na natin matutupad ang pangako nating dalawa. Ang sakit kasi hindi mo man lang makikita ang magiging anak nating dalawa. You died peacefully IN MY ARMS.

"Alas, halika ka na." Ang tinig ni Velea ang narinig ko.

"V, iniwan na niya ako." Umiiyak kong saad at dinaluhan niya ako.

"Shh..." pagpapatahan niya sa akin. "We need to go Abigael." Pero umiling lang ako. "You need to let him go.

"No!" I shouted. "I don't want to let him go. Kung saan tapos na ay doon pa siya mawawala Velea. Kung saan magiging mapayapa na ang lahat ay doon pa niya ako iiwan." Saad ko at tumingin sa kaniya.

"You don't know my pain dahil wala ka sa lugar ko. Hindi mo alam dahil hindi ikaw ang nawalan!" Nawawalan na ako ng pag-asa. "Hindi mo alam dahil hindi mo ramdam yung sakit na nararamdaman ko ngayon." Nahihirapan kong saad habang sinusuntok ang aking dibdib.

Dinaluhan niya ako at mas lalo akong napahagulhol sa kaniyang balikat. "Ang sakit sakit na Velea. Nawala na naman siya sa akin... ng tuluyan."

"Let him go A. Let your man go. Hindi na maiibalik ang buhay niya kahit umiyak ka man ng isang baldeng luha. Accept the fact that your man is gone." Direstahang sabi niya na parang wala lang sa kaniya.

"I can't. Hindi ko kaya." Saad ko at kumalas sa yakap. Agad kong tiningnan si Shawn at niyakap ito ulit.

"I'm sorry but I really have to do this." Bago pa ako makatingin sa kaniya ay may nilagay na siyang panyo sa aking ilong.

"Mike buhatin mo na si Alas." Rinig kong sambit ni Velea at naramdaman ko nalang na binuhat ako ni Kuya bago ako tuluyang mawalan ng malay.

--

FIVE DAYS HAS PASSED, simula ng magising ako. At sa loob ng limang araw na iyan ay andito pa din ako sa hospital dahil maselan ang lagay ng aking pagbubuntis at lalo pa ay palagi akong umiiyak sa pagkawala ni Shawn.

"Kuya Uno?" Tawag ko sa Kuya ko na inutusan na magbantay sa akin ngayon. Agad naman niya akong nilapitan at hinawakan ang aking kamay.

"Can I go to the cementery?" I asked hoping that he will say yes. Hindi ko man lang naihatid si Shawn sa huling hantungan niya dahil nakahimlay ako dito. "Please Kuya. I'm okay now." I smiled para malaman niyang okay na ako. "I just wanna say goodbye to him for the last time." Hindi ko mapigilang umiyak. Tumango naman si Kuya.

Matapos kong magbihis ay tinulungan ako ni Kuya na makababa at nang marating namin ang parking lot ay agad niya akong pinasakay sa kotse niya.

"Kuya?" Tawag ko sa kaniya habang nagmamaneho siya. "Alam ko na kung nasaan ang mommy mo." Tumango lang siya kaya ay tumahimik nalang ako.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa sementeryo. Para akong sinasakal habang naglalakad papunta sa puntod niya. Umupo ako at hinawakan ang lapida niya. Nakaukit ang pangalan niya doon na mas lalong nagpaiyak sa akin.

"Hi Mahal." Panimula ko. "Ika-limang araw na pala simula ng mawala ka sa akin." Naiiyak kong saad. "Hindi man lang kita naihatid mahal. Salamat pala sa pagmamahal." I said and reminiscing the past. Kung paano niya ako niligawan. Kung gaano siya kasaya nung sinagot ko siya. "Salamat din pala sa sakit na pinaramdam mo sakin, mahal." Saad ko at inalala ulit kung paano siya nawala sa akin. "Ang sakit- sakit kasi nawala ka sa akin. Ang sakit kasi hindi ko man lang ipinadama sayo kung gaano kita ka mahal." Impit na iyak lang ang maririnig mo. "Sorry for not telling you the truth. Huwag kang mag-alala, aalagaan ko si Kein kapag lumaki na siya, kapag lumabas na siya. Mamimiss kita mahal. I love you." Saad ko at naramdaman ko nalang ang ihip ng hangin.

"Pagod na akong umiyak. Pagod na din akong kumbinsihin ang sarili ko na babalik ka pa. I know that a millions words can't bring you back, I know because I tried, neither a million tears, I know because I cried."

Tumayo ako at pumunta na sa gawi ni Kuya Uno. At muling tinanaw ang himlayan niya.

Mahal na mahal kita Shawn. Mahal na mahal kita. Heaven knows how I wanted you back here in my arms again pero alam kong imposible iyon. Sobrang sakit lang because you died IN MY ARMS.

WAKAS

In My Arms ( COMPLETED )Where stories live. Discover now