Kasalukuyan akong nakaupo sa café na malapit sa hotel. Hinihintay kung makapunta dito si Samantha. Pinatakas ko siya mula sa HQ bago ako naka punta dito.
Flashback:
"Mag bihis ka na jan." Utos ko nang makapasok ako sa kwarto niya.
"Bakit?"
"Wag madameng tanong. Magbihis ka na."
"Baket nga?" Ulit na naman yang tanong. Pakshet, bat andameng tanong ng babaeng to?
"Daming satsat. Sabing magbihis ka na eh." Inirapan niya lang ako at pumasok na siya sa banyo. Nang makalabas siya ay sinabi ko yung diresyong palabas dito.
"Gamitin mo yung shortcut para makalabas ka. Mula dito, makakadaan ka isang hallway, lumiko ka pakanan at may liko ka, pakanan ulet. Use the password na ilalapag ko sa lamesa mo mamaya. After that, may isa ka pang pintuan just tell my name dahil mabubuksan na iyon. Gamitin mo yung kotseng nakaabang sayo at puntahan mo ako sa ilalapag kong lugar. Wag kang magkakamaling tumakas dahil kahit saan ka man magtatago ay mahahanap pa din kita." Sabi ko at lumabas na sa kwarto na iyon.
End of Flashback
"Bakit ang tagal mo?" Tanong ko nang makaupo siya sa harapan ko.
"Ano bang kailangan mo?" Tanong niya habang pasimpleng palinga linga sa mga tao.
Tss.
"Gusto ko lang malaman kung sino talaga ako." Narinig ko naman ang mahinang tawa niya.
"Oh bakit? Di parin pa sinabi ng kuya mo ang lahat? Tss." Natatawang saad niya.
"Magtatanong ba ako kung sinabi niya na? Tanga ka ba?" Sabi ko sabay irap.
"Tinatamad akong mag kwento." Sabi niya sabay hikab.
"Ako din, tinatamad na din ako na ulitin yung tanong ko. Anong gusto mong pambasag sa mukha mo? Itong pinggan o itong lamesa?" I said then smirked. Nakita ko naman kung ilang beses siyang napalunok.
"Alam mong di ko ugaling ulit-ulitin yung mga tanong ko. Kaya bago pa maubos itong pasensya ko. Sabihin mo na!" Sigaw ko kasabay nito ay ang paghampas ko sa lamesa.
"Ano bang gusto mong malaman? Nasabi ko na sayo lahat!"
"Lahat? Talaga?" Di makapaniwalang tanong ko.
"Oo." Diretsang sabi niya.
"Edi hindi mo kilala si Velea Calle?" Ngising tanong ko.
"Paano mo siya nakilala?" Tanong niya at umayos ng upo.
"Kailangan bang malaman mo?"
"Oo!" Sigaw niya.
"I don't think so." Sabi ko. "Who. Is. Velea. Calle.?" Pagdidiin ko. Pero di parin niya ako sinagot. "Oh well, mas pinili mong manahimik kaysa sabihin sakin ang nalalaman mo." Nakita ko naman siyang ininum ang kape niya. "Goodnight dear." Sabi ko at nagtaka naman siya. Ilang sandali lang ay nabitawan na niya yung kape niya at bumulagta. Agad kong sinenyasan ang tauhan ko na buhatin si Samantha.
Hindi ako nababahala sa guard dahil tauhan din ko naman siya at ako ang nag mamay-ari dito. Agad siyang isinakay sa passenger seat habang ako ay nasa driver seat. Nang maiayos ang lahat ay pinaandar ko at pinarurot ang sasakyan papunta sa bahay na binili ko.
YOU ARE READING
In My Arms ( COMPLETED )
ActionAbigael mastered the art of pretending. Can she pretend to the man who's good at manipulating people ? Thank you SaiDesigns for the book cover.