My Crush Is Gay

28 14 2
                                    

Naka upo ako ngayon sa steel bench sa tapat ng building namin habang pinpanood si crush mag basketball.

Hihihi. Bakat na bakat yung 6 pack abs ni crush sa fitted na damit niya. Pinagpapawisan na siya pero ang hot niya parin tingnan.

Dahan dahan ako tumingin pababa hanggang sa marating ng aking mata sa kaniyang-

"Hoy Kyla. Wag mo ngang pinapapantasyahan ang crush mo." Naputol ang pagmumuni ko dahil biglang dumating ang aking magaling na boy bestriend na si Jeff.

Inirapan ko na lang siya. "Wala kang pake." Sabi ko at muling tumitig kay crush.

"Ano ba?!" Inis na bulyaw ko kay Jeff. Sino ba naman ang hindi maiinis? Eh hinarangan niya ang tingin ko kay Darren mah labs.

"Tss. Umayos ka nga. Kahit anong gawin mo, hindi ka parin crush ng crush mo." Pang iinis pa niya sakin.

Sa sobrang inis ko ay tumayo ako at dinuro sya. "Hoy lalake. Bakit ba ang bitter bitter mo? Porket binusted ka ng nililigawan mo for 1 year eh ganyan ka na? Pwede ba? Wag mo idamay love life ko dito."

"Anong love life ka dyan? Ulol. Wala ka ngang jowa eh." Natatawang sabi niya at sabay takbo palayo sakin.

"Bwisit ka!!!" Inis na sigaw ko sa papalayong Jeff.

Titingin na sana ulit ako kay crush kaso nga lang... NASA HARAPAN KO SIYA AT NAKA TOPLESS SIYA!!!

"Uhhmm... Hi?" Nakangiting sabi ko kay Darren.

"Stop talking to that guy." Seryoso niyang sabi.

Bat ko naman iiwasan si Jeff? Hay naku naman crush.

"Bakit naman?" Takang tanong ko sa kaniya.

"I'm jealous."

A-ano daw? He's jealous?! Acckkk. Wag ka maingay heart, baka marinig ka.

"A-ano. B-bakit ka naman n-nag seselos?"

Bakit ka pa magseselos eh ikaw lang naman at wala ng iba? Don't tell me na may gusto sakin si crush? Omo. M.U. is real. Tapos liligawan nya ako. Then sasagutin ko siya. And then ipapakilala namin ang isa't isa sa mga magulang namin para legal na kami. Tapos ikakasal kami. Tapos magkakaroon kami ng tatlong ana-

"Don't assume. Hindi kita type. Si Jeff ang gusto ko itech. Hindi tayo talo. Tse." Sabi nya sabay irap sakin.

B-bakla si crush???

My One ShotsWhere stories live. Discover now